Lee' Pov
"Tsk." Nakasimangot siyang sumakay ng kotse ko. Tama nga ang naging desisyon kong wag muna siyang iwan ng tuluyan dahil hindi magiging maganda ang kalalabasan. Kahit kailan talaga palaging tama ang mga kalkulasyon ko.
"You okay?" Tanong ko sakanya at sinulyapan ko siyang nakatingin sa labas ng bintana at tinatanaw ang kanyang walang kwentang pamilya. Napa-iling nalang ako sa mga naiisip ko sa t'wing naalala ko nanaman ang mga nakita't narinig ko kanina lang.
"Doc please take good care of her. I need to go na po kasi eh! Tska matigas ang ulo ng babaeng yan kayo na po sanang bahala sakanya." Sabi ko sa doctor ng pauwi na sana ako sa Alabang.
"Hmm okay akong bahala sakanya. Pero hindi mo man lang ba iintayin yung resulta ng test sakanya?" Tanong naman niya, umiling ako at bahagyang ngumiti.
"Hindi na po siguro Doc. Okay naman na po siya. I have to go na doc. Thank you po." May sasabihin pa sana yung Doctor pero agad na akong naglakad palayo. Siguro nga hindi ko siya kayang kumbinsihin, malaki na siya at kaya na niya ang sarili niya. Malapit na ako sa parking lot ng may nahagip ang mata ko. Tsk! Kakasabi ko lang na bantayan maigi ang babaeng ito eh. Naka hospital gown pa siya. May lahi ba talaga siyang ninja? Ang hilig tumakas ng walang paalam. Napa-face palm nalang ako ng bigla siyang nakipag habulan sa mga nurse at guards ng hospital na ito. Tumakbo ako palapit sa mga guards at nurse na humahabol sa babaeng yun.
"Ako ng bahala sa babaeng yun. I'm his guardian. Pasensya sa abala." Sabi ko at tuluyan na akong tumakbo papunta sa kotse ko. Narinig kong may isinigaw yung nurse pero hindi ko na naintindihan masyado.
Tama ang hula kong sakanila siya pupunta. Tahimik ko lang siyang minamasid mula sa kinatatayuan ko pero sapat na upang marinig ko sila. Ayokong makita niya ako o ng nanay-nanayan niya.
"Bakit ka pa bumalik dito?! Ang sabi ko lumayas kana dito at wala kang babalikan dito!" Sigaw sakanya ng step mom niya. Nagulat ako ng bigla siyang lumuhod sa harapan nito.
"Patawarin niyo na po ako. Hindi ko sinasadyang masunog ang damit ni Michelle kanina. Nay wag niyo akong palayasin." Puta. Ng dahil lang dun nagawa niyang saktan si Jessica?
"Ayokong marinig yang walang kwenta mong paliwanag! Lumayas kana dito. Wala na dito ang tagapag tanggol mong si Flor umalis kana!!" Sigaw niyang muli at binatukan ang may bendang ulo ni Jessica. Naikuyom ko ang kamao ko sa galit. Bakit ganun? Matapang siya pero bakit hindi siya nalaban?
"Hindi ako aalis! Nangako si papa na babalikan niya ako dito!" Pagmamatigas ni Jessica. Tumawa ng sarkastiko ang step mom nito.
"Nangako? Hindi kana niya babalikan kasi hindi ka niya kailanman minahal! Ikaw ang dahilan kung bakit namatay---" Mas nagulat ako ng tumayo si Jessica at itinulak ang kanyang step mom. Nag aalab ang galit nito sa kanyang mga mata. Ito ba talaga ang galit na ekspresyon niya? Mas nakakatakot sa una kong nakita sakanya noon.
"Sinungaling ka! Hindi yan totoo! Wala akong kasalanan." Sigaw ni Jessica. Tumawang muli ang nanay-nanayan nito.
"Talaga? Tignan mo nga yang itsura mo?! Itsura ng isang mamamat----"
Lumabas na ako mula sa kinatatayuan ko at hinigit ko na palayo doon si Jessica. Mahirap na dahil mukha siyang papatay ng tao. Halatang nagulat siya sa ginawa ko at walang nagawa kung hindi nakasimangot na sumakay ng kotse ko.
"Hoy."
Napalingon ako sakanya ng bigla niya akong tawagin. Napangiti ako ng bahagya dahil hindi niya pa pala ako kilala.
"Mmm?" Tanging tugon ko dahil nagda-drive ako.
"Dadalhin mo na ba ako sa inyo?" Tanong niya ng hindi lumilingon sakin.
"Yep. Gusto mo ba munang kumain? Pwede tayong huminto muna sa festival at doon mag early dinner?" Tanong ko sakanya dahil malapit na kami sa festival mall.
"Ayoko." Matipid na sagot niya. Nagkibit balikat nalang ako at napatuloy nalang ulit mag drive.
Mahabang katahimikan na naman ang bumalot saming dalawa sa loob ng kotse ko hanggang sa makarating na kami sa Ayala, Alabang subdivision kung saan kami nakatira. Hanggang sa magsalita siya matapos kong matanggal ang seatbelt ko.
"May isang pabor ako sayo. Kung gusto mo ng tahimik na buhay. Wag na wag mong ipagkakalat lahat ng mga nakita at narinig mo." Seryoso niyang sambit bago lumabas ng kotse ko. Napangiti nalang muli ako, mukhang mapapadali ang request sakin ni Daddy ha.
Bumaba narin ako ng kotse ko at sinalubong ako ni Mommy na sobrang lapad ng ngiti. Niyakap ko naman siya dahil nakaramdam ako ng sobrang pagod.
"Where is she?" Tanong ko kay mommy ng yakapin niya rin ako pabalik.
"Pinahatid ko na kay manang sa magiging room niya, you too are look liked exhausted. Magpahinga kana din sa kwarto mo at tatawagin ko nalang kayo kapag handa na ang dinner natin." Sambit ni mom. Ngumiti ako sakanya at hinalikan si mom bago ako pumunta sa kwarto ko.
"Okay mom. By the way si Jacob?" Tanong kong muli.
"Nasa kwarto niya kasama si Pat." Nanlaki ang mata ko. Nandito si Patrick? Putek hindi niya munang pwedeng makita si Jessica. Not now! Loyal yun kay Stacey at Shay baka imbis na gumanda ang sitwasyon kung smoothly lang ang lahat baka mabulyaso lang ang lahat. Tumakbo ako papunta sa kwarto namin dahil magkakalapit lang naman ang mga ito.
Napahinto ako dahil sa ingay na nanggagaling sa loob ng guest room. Mukhang nahuli ako' hindi ko napaghandaan ang mga mangyayari. Bakit ba kasi hindi ko sinabi agad kay Jacob na ngayon ang dating ni Jessica sa bahay eh. Ang malala pa si Patrick ang unang nakakita, ang silent warfreak ng barkada.
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a Badass
ActionJessica and Lee (LIM Series #1) Written By: PinayKimchii xx Highest ranking in Action #12 UNEDITED