Chapter 18

5.1K 100 1
                                    

Jessica' Pov

It's already monday. Umpisa na naman ng klase sa Celestine. Makikita ko nanaman ang mga plastic na ngiti at pakikipag-usap ng mga tao sakin doon sa eskwelahan na iyon ng dahil kay Jasper. Malakas talaga ang hatak ng hinayupak kong boyfriend sa lahat ng estudyante doon, masyado siyang nirerespeto.

"C'mon Jess. Sabay na tayo." Aya sakin ni Jacob ng dumating siya dito sa dining room na ready ng pumasok.

"Okay." Tumayo na ako at kinuha ang bagpack ko sa katabing upuan. "Hindi ka ba kakain muna?" Tanong ko sakanya.

Umiling siya at ngumisi. "Nope. It's called diet and maintaining my sexy and hot body."

Ibang klase. Napa-iling nalang ako at nilampasan siya. Ang yabang talaga manang-mana sa kuya niyang mayabang din.

"Here. Baka mapatay ako ng kapatid ko kapag may nangyaring masama sayo." Aniya at binato sakin ang spare helmet niya.

Sakanya ngayon ako sasabay dahil monday ngayon at maagang pumasok ang inyong presidente para gawin ang kanyang tungkulin sa pinaka-mamahal niyang Celestine. "Thanks! Tara na at baka umusok ang presidente kung male-late tayo sa flag ceremony." Aniya ko at umangkas nasa kanyang motor.

"Pfft. Sinabi mo pa. Kapit ha! Lilipad tayo." Aniya at pinatakbo ng matulin ang kanyang motor. Mabuti nalang at sanay akong umangkas kung hindi mapapatay ko talaga tong si Jacob sa sabrang bilis niyang mag patakbo ng motor.

Agad din naman kaming nakarating sa school at daretcho sa gymnasium para umattend ng flag ceremony. Sempre assual ang boring. Ito talagang boyfriend ko kung ano-ano ang naiisipan pwede namang monthly nalang ang flag ceremony hindi yung every monday pa asar! >.< sempre agad din naman itong natapos at nagsi-puntahan na kaming lahat sa designated classroom namin.

"Okay class 4-D how's your sembreak vacation? Is'nt fun?" Masayang tanong ng advisory teacher namin. Sempre ano pa bang aasahan mong sagot sa mga walang kwenta kong kaklase? Edi sumagot ng pabalang. Napailing nalang ako sa thought na isa din akong walang kwentang estudyante noon pero ngayon mas better na ako kasi..... "And before I forgot. Ms. Jessica Watson is now our top one overall in highschool department. Good job Ms. Watson." Sabi ko nga mas better ako kasi top one ako. Teka?

"Ano?!" Gulat na tanong ko sa teacher namin na halatang nagulat dahil sa pag-sigaw ko na dahilan upang magsi-tahimikan ang mga classmates ko.

"Yes Ms. Watson ikaw ngayon ang top one overall sa HS department ngayong third quarterly. You did a great job! Naungusan mo si Mr. Lim." Aniya at napatingin kay Jasper na nakayuko.

Napatingin ako kay Jasper at tska sinitsitan siya kaya napatingin siya sakin. He mouthed 'Congrats.' Then he smiled... Bitterly?

"Thanks." I mouthed too.

Halos lahat ng mata ng mga classmates ko ay sakin nakatingin at binabati ako ng congrats at yung iba niloloko ako in a good way naman, kaya nginingitian ko nalang silang pabalik baka sabihin nila ang suplada ko at baka mabugbog ko lang itong mga ito.

"Excuse me. Bathroom break."

Agad akong napatingin kay Jasper na magsalita siya at agad lumabas ng classroom. Anong problema nun? Hindi naman nagc-cr yun ah kapag nasa school.

"Bingoo." Biglang sabi ng nakangising si Patrick kaya sinamaan ko lang siya ng tingin.

Nagdaan ang lunch break namin at hindi parin bumabalik si Jasper. Saan naman yun nagpunta? Hindi niya naman ugaling hindi pumasok sa klase eh at lalong hindi niya ugaling mag-cutting na alam kong magka-parehas lang ang sinabi ko.

My Girlfriend is a BadassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon