Third' Person Pov
Sa isang madilim at masikip na eskinita makikita mo ang mga kabataan na nag-rarambulan at walang kamatayan na nagsusuntukan sa pagitan ng Black Sunrise sa pamumuno ngayon ni Haru at nagbabalik na si Sky at sa grupong Red Blood na dayo lamang sa lugar ng Alabang.
"Puta wag ang mukha ko!" Iritadong sabi ni Haru at agad na sinuntok ng malakas ang lalaki na nasa harapan niya.
"Pfft. Dapat di kana sumama sa rambulan na ito!" Natatawang sabi ni Sky habang busy sa pag-ilag sa kalaban niya.
Agad din pinatumba ng mga Black Sunrise ang nga kalaban nila sa pamamagitan ng pag-gamit ng dahas. Diyan magaling ang Black Sunrise sa pakikipag-away lalo na sa pag-gamit ng dahas katulad ng mga baseball bat at ang laging panlaban ni Sky na katana o kutsilyo. Kung pakikipag-dugaan lang naman ang hanap niyo kayang-kaya iyan ng Black Sunrise, kaya minsan madalas na umaatras ang mga nagiging kalaban nila dahil kilala silang mga manduruga habang nakikipag-away.
"Psh! Mga weak!" Sabay dura ni Haru at nilisan na nila ang madilim na eskinita na napuno na ng mga duguan at sugatan na mga kalaban ng Black Sunrise.
Mabilis silang sumakay sa mga kani-kanilang motor at mabilis na pinaandar at nagtungo na sila sa kanilang tambayan. Inis na sumalampak si Haru sa monoblock chair at kinuha ang maliit na salamin nito sa bulsa upang tignan ang kanyang mukha na nabangasan kanina ng dahil sa rambulan.
"Tangina nagkaron pa ako ng pasa! Humanda talaga sakin ang hudas na yon!" Nang-gagalaite nitong sabi habang nakatingin parin sa salamin.
"Pfft. Haru hindi kana talaga nag-bago o mas lumala kapa! Nagdadala kana ngayon ng salamin." Natatawang sambit naman ni Sky habang inaayos ang kanyang itim na gloves sa kamay. "Dapat hindi kana lang sumama kanina." Aniya pa.
"Tsk! Pwede bang wala ako sa welcome party mo? Sempre kailangan nandon ang gwapo mong pinsan na si Haru Garcia." Mayabang na sabi nito.
"Ulul." Sagot ni Sky at ngayon naman ay nililinis niya ang kanyang paboritong katana na nadumihan na ng dugo ng kalaban nila kanina.
"Maiba nga tayo Sky. Bakit naging biglaan ang pag-babalik mo? Akala ko ba apat na taon ka sa States, wala pang 4 years ah. Nakaka tatlong taon ka pa lang." Seryosong sambit ni Haru sa pinsan nito.
Napatigil naman si Sky sa ginagawang paglilinis nito sakanyang katana at binaling ang atensyon kay Haru. Then he devily smirked.
"Oh no, no, no ayoko ng ngising mong yan Sky. May binabalak ka no?" Umiiling na tanggi at tanong nito sa pinsan na ngayo'y hindi parin nawawala ang ngisi nito sa kanyang mukha.
"Obvious ba?" Tanong nito na may kakaibang tono na nakakatakot.
"Sino ang target mo kung ganun?" Seryosong tanong ni Haru.
Bigla naman nag-seryoso si Sky at ibinaling na muli ang atensyon sa katanang hawak-hawak niya. "Si Lee Jasper Lim. Ang Presidente ng Celestine." Aniya.
--
Jessica' Pov
"Saan ka galing?"
Napalingon ako sa ngayon kakababa lang na si Jasper. Ano naman kayang excuse ang idadahilan ko sa hinayupak kong boyfriend na walang ginawa kung hindi magalit at manghinala sakin. Dinaig ko pa ito eh. Akala mo na palaging may dalaw. Nakaka-irita.
"D-dyan lang." Tangina bakit ako nauutal. Asar.
Tinaasan niya lang ako ng kilay at tumingin sakanyang wrist watch. "Dyan lang? Umalis ka ng 10 ng umaga at ngayon ay 9 na ng gabi. Saang dyan ka nagpunta ha Jessica?" Pag-tatanong niya na parang detective.
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a Badass
ActionJessica and Lee (LIM Series #1) Written By: PinayKimchii xx Highest ranking in Action #12 UNEDITED