Jessica' Pov
"Nako Tres okay lang talaga kung kailan ka nalang nakaka-luwag tska kana mag bayad ng renta." Nahihiyang saad ni Primo habang nakahawak sa batok niya.
"Primo tanggapin muna ito! Bubugbugin talaga kita dyan kapag hindi mo tinanggap." Pananakot ko sakanya habang inilalahad ko yung pambayad ng renta ko.
He looked away from me. "Si King naman ang bubugbog sakin pag tinaggap ko yan." I heard him whisper.
"Ano? May sinasabi ka?" Takang tanong ko sakanya, bigla naman siyang umatras sakin sabay takbo palabas ng apartment ko. May saltik talaga ang isang yon.
Isang buwan na akong nakatira dito at nakahanap narin ako ng trabaho na sakto sa edad ko. Part time sa isang bilyaran nila Haru malapit din lang sa Celestine, isang buwan na din akong hindi nag babayad ng renta kahit paunang bayad at advanced hindi pa ako nag babayad. Paano naman kasi itong si Primo hindi tinatanggap ang bayad ko. Hindi din naman nag dadaan ang nanay niya o tatay para doon nalang ako mag bayad, ang sabi niya busy daw iyon. Nakakaloko lang!
Isang buwan ko na din iniiwasan si Lee sa Celestine, kahit ng nagdaan ang sembreak pinag taguan ko lamang siya. Paano ba naman iba na ang nararamdaman ko sa gagong yun. Matindi na. Mas matindi sa nararamdaman ko noon kay Uno. At oo nagka gusto ako kay Uno dati. Hindi porket badass ako marunong din naman akong mag mahal no, hindi lang pala gusto, minahal ko din siya pero ngayon galit na ang nararamdaman ko sakanya. Bahala siya sa buhay niya. Ginugulo niya ang mundo ko.
"Queen."
Papasok na sana ako ng bigla kong marinig ang boses na iyon. Kilalang-kilala ko ang may gamit ng boses na iyon, kung paano niya bigkasin ang salitang Queen damang-dama at punong-puno ng sinseridad at aaminin kong minahal ko ang taong nag banggit ng salitang yon. Pero sa twing naiisip ko ang pang-iiwan niya sakin nung panahon na halos hindi ko na kayang tumayo sa sarili kong mga paa, nasasaktan lang ako at nagagalit. Sinayang niya ang pag mamahal na meron ako para sakanya noon. Sinayang niya lang lahat ng effort ko. Kaya hindi ko masisisi ang sarili ko ngayon kung bakit isa akong babae na Cold Hearted, mas lalong naging Bad-Ass, mas naging Jerk ng dahil lahat yun kay Uno kasama narin ang mga taong malalapit sakin pero hindi ako kayang tanggapin ng kung ano at sino ako. Pwera nalang sa isang tao na nagpa bago sa pananaw ko pero isa siyang malaking gago ngayon.
I faced him blankly. "Anong ginagawa mo dito?" Sabi ko.
Itinaas niya ang mga supot na dala niya. "I brought you this." Aniya.
"Hindi ko kailangan niyan." Walang ganang sabi ko at pumasok na sa loob ng apartment ko. Naramdaman kong pumasok din siya kaya hinarap ko na naman siya. "Ang sabi ko hindi ko kailangan niyan. Umalis kana may trabaho pa ako." Saad ko sakanya. Pero parang hindi niya ako narinig at ipinag patuloy parin ang pag aayos ng mga pinamili niya sa lamesa ko at inilagay ang iba sa ref.
"Ihahatid kita Queen." Presinta niya. I just gave him my deadly stare.
"Fuck Uno ang sabi ko Umalis kana! I don't need you, I don't need your fucking help!!" Sigaw ko sakanya na nag pahinto sa ginagawa niya. Nakita ko kung paano magbago ang expression ng mga mata niya, kung paano ito masaktan. Tangina bakit siya pa ang masasaktan? Sino ba ang iniwanan dito? Hindi naman siya diba. Kundi ako! Tangina bakit hanggang ngayon apektado parin ako. Tangina bakit ngayon nasasaktan parin ako. Tangina hindi ko na siya gusto o mahal.
"Damn!" Nagulat ako sa biglaan niyang pag sigaw at pag mumura. Ito ang pangalawang side ni Uno na nakakatakot parang isang Wolf mabangis. "Fuck Jessica! Fuck! I said I'm sorry for what I've done to you! Hindi mo parin magets? Hindi naman ako nagpaka saya lang sa states! Nag moved on ako doon! So do you think masaya akong iwan ka dito? Fuck no! I sacrifice alot Jessica. ALOT! Para pag bumalik ako dito, buong-buo na ang pagka tao ko at masasabi ko na din sayong MAHAL DIN KITA!!" I stunned for a moment when he yelled at me those words. Those fucking reason that hit me. I looked away for his painless stare that he gave to me. I wiped my tears and walked away from him.
After he said that. Anong isasagot ko? Anong irereact ko? Fuck! Sana naging bato nalang ako ng tuluyan. Sino ba kasi ang ponsyo pilato ang nagpa-uso ng salitang MAHAL KITA at INLOVE at bakit nakakabaliw. At bakit apektado ako sa mga salitang binitawan niya. Hindi ito pwede. Hindi pwedeng mahal o gusto ko parin siya hanggang ngayon. Hindi pwede. Nasabi ko nasa sarili ko na parte na siya ng nakaraan at galit ang tanging nararamdaman ko sakanya. Mali itong nararamdaman ko lalo na, na alam kong mahal ko na--------
"Sica please, mahal din kita. Mahal na mahal din kita." He plead ng hawakan niya ang braso ko at nasundan ako dito sa labas ng apartment ko. Mariin akong pumikit para iwasan ang pag tulo ng mga luha ko. The way he call me Sica, ang sarap sa pakiramdam. Nakaka-miss.
"King please, wag mo akong iiwan ha? Alam mo na naman na ikaw ang lakas ko. Malakas ako kapag kasama kita. Kahit ilang gangster pa ang makalaban natin, basta nandyan ka kakayanin ko lahat iyon."
"Oo naman, hinding-hindi ko iiwan ang Queen ko." Then he kissed my forehead that make me smile.
--
"Dos nakita mo ba si King? Please parang awa mo, nakita mo ba siya?"
"Teka Tres, anong nangyari sayo? Bakit duguan ka? May nakalaban ka ba? Kaya mo pa bang tumayo?"
"Kakayanin ko pa, napalaban lang sa kabilang kanto at nabugbog ni Nanay. Nasan si King?"
"Shit sinong gang ang may gawa sayo nito? At fuck your step mother! S-si Uno ba?"
"Jessica." I heard King called my name kaya napalingon ako sa kanya na walang ekspresyon. Nilapitan ko siya pero hindi siya nag sasalita, blanko lang ang pinapakita niyang ekspresyon samin ni Dos. Kahit na bugbog sarado na ako at duguan wala siyang pinapa kitang ekspresyon. Then it hit me.
"No please! Nagsawa kana ba? Wag mo akong iiwan King hindi ko kaya.." Lumuhod ako sa harapan niya at pilit itinatayo ni Dos. Pero parang binuhusan ako ng isang baldeng punong-puno ng yelo ng lumakad siya palayo.
I heaved a sight and let my tears away. "Mahal kita."
Pero hindi siya huminto at tuluyan ng umalis.
--
Hinayaan ko nalang ang mga luhang kusang bumabagsak mula sa mga mata ko. Ang sakit. Ang sakit-sakit. Hindi ba dapat matuwa akong mahal niya din ako? Fuck! Ang hirap. I faced him kahit punong-puno ng luha ang mga mata ko.
"Bakit ngayon lang? Bakit ngayon mo lang sinabi ang mga katagang gustong-gusto kong marinig simula pa noon?" Tanong ko sakanya na punong-puno ng hinanakit.
Nakita ko kung paano bumagsak ang mga luha sa mata niya. "Dahil ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob. Naduwag ako Sica. Please mahal din kita." He pleaded.
Umiling ako at pinunasan ang mga luhang kumawala sa mga mata ko. "Huli kana." Then I walked away from him.
Huli kana dahil alam ko at aaminin ko sa sarili ko, that I loved Lee so much.
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a Badass
ActionJessica and Lee (LIM Series #1) Written By: PinayKimchii xx Highest ranking in Action #12 UNEDITED