Chapter 13

5.7K 122 4
                                    

// gusto ko sanang lagyan ng pov si Jessica pero nagdadalawang isip ako kasi naman napaka tapang ng personality niya for me. At sobra pang seryoso. Para maiba lalaking pov nalang ang gagamitin ko at third person. Yun lang! Lol.

Ps. In my previous chapter pala lalaki na ang nagp-pov hahaha~~

*PinayKimchii❤
(Onith)
--

Patrick' Pov

"Wala ba tayong gagawin para mapa-alis yang Jessica na yan dito sa Celestine? Ugh naiinis ako sa presence niya!" Pagmamaktol ni Stacey.

"Alam niyo naman na wala tayong magagawa dyan. Tska wag niyo ng balakin na mapaalis siya dito. Kahit na gustuhin ko din wala tayong magagawa." Seryosong singit naman ni Jacob.

"Pfft. Seriously? Sineseryoso niyo talaga ang babae na yun? Mas enjoy pa ang mga nerds dito na ibully. Stop arguing with that girl!" Singit ni Clark.

"Tss hindi namin hinihingi ang opinion mo Clark kaya you better shut your fucking mouth!" Pagtataray sakanya ng crush niyang si Shay.

Napa-iling nalang ako sa mga pinag-uusapan nila tungkol sa babaeng yon. Nandito kami sa tambayan namin sa loob ng Celestine habang nagyoyosi ako.

"Kung bakit pa kasi dito nag-aral ang bwisit na babae na yon eh!" Dagdag pa ni Stacey. Napatingin naman ako sa reaction ni Jacob. Tss ayaw pang magsalita meron naman siyang alam.

"Alam niyo imbis na isipin niyo ang pagpapa-alis sa babae na yon bakit hindi niyo planuhin kung paano papahirapan ang babae na yon." Singit ko sakanilang lahat kaya napunta sakin ang atensyon nila. Itinapon ko ang yosi na gamit ko at lumapit sakanila. "Mas masaya pa yun kesa sa mga walang kwentang pinag-uusapan niyo! Madami tayo at nag-iisa lang siya." Sabi ko then I smirk.

"Gusto ko yang sinabi mo. Exciting! Excited na akong makitang lumuluhod ang babae na yun papunta satin." Nakangising sabi ni Shay.

"Game ako dyan! Ano bang plano at ng matawagan ko na ang mga galamay natin dito." May halong excitement sa tono na sabi naman ni Clark.

"Sure ba kayo dyan? Sakin okay lang. Pero baka magalit satin si Lee sa gagawin natin para kay Jessica." Nag aalangan na sabat ni Jacob.

"Tss natatakot ka ba sa kapatid mo?" Inis na tanong ko sakanya. Agad naman siyang umiling.

"Sempre hindi. Kay Dad ako takot! Teka sa gagawin nating to hindi kaya malagot na tayo sa principal at sa buong faculty members? Takte graduating na tayo!" Sagot pa ni Jacob.

"Duh Jacob. Matagal na natin tong ginagawa ngayon kapa ba matatakot? Tska I trust Lee hindi niya tayo pababayaan. Chill ka lang!" Sabi ni Stacey.

"Tss kung natatakot ka Jacob pwedeng hindi ka naman sumama. Basta kami papahirapan namin ang babae na yun hangga't nasa Celestine pa siya!" Sagot ko. Tumingin ako kay Clark. "Tawagan mo na sila. Pestihin nila si Jessica! Hindi sila titigil hangga't di ko sinasabi." Sabi ko sakanya at agad siyang tumango at may dinial na sa kanyang cellphone.

I smirked! Ito na ang simula ng pagbawi ko sayo Jessica kaya humanda ka. Tignan natin kung may magawa yang protector mong si Lee! Tignan natin kung hanggang saan ang kaya mo.

Third' Person Pov

Nakahiga sa rooftop at malalim ang iniisip ngayon ni Jessica sa mga nagdaan na araw. Simula ng insidente na makita siya ni Lee sa dati niyang tambayan at nung gabi palagi na siyang nag-iisa. ~~well palagi naman siyang mag-isa pero iba ngayon. Mag-isa nga siya pero dala niya sa kanyang isipan ng mga salitang binitawan ng binata sakanya. Kung gaano siya naapektuhan sa lahat ng sinabi nito sakanya noong gabi.

My Girlfriend is a BadassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon