Final Chapter

5.7K 97 5
                                    

-Nine months, after graduation-

Patrick' Pov

[Laguna Bel-Air. Sta. Rosa City]

Two months ago. Meron akong malaking kasalanan na nagawa sa mga kaibigan ko. Pamilya ni Lee at sa mga kaibigan ni Jessica.

Two months ago. Tinakas ko si Jessica sa hospital.

Flashback.

"M-mom. She's awake!" Masayang sabi ko kay mommy ng pumunta ako sa opisina niya. Ako ang nakatokang magbantay sakanya ng gabing iyon.

"Really? Let's check up on her." Aniya at nag punta na kami sa kwarto ni Jessica.

Gising na siya. Gising na siya ulit.

Naka-focus lang ang mata ko kay Jessica habang sinusuri siya ni Mommy. Pang tatlong beses niya na itong nagising mag mula ng isinugod namin siya dito sa Asian. Pero nanatiling sikreto lamang ito sa pagitan namin ni Mommy dahil kahit na nagising na siya, hindi naman siya nag-sasalita.

"Jessica. Naririnig mo ba ako? Kaya muna bang mag salita ulit?" Mahinahon na tanong ni mom kay Jessica. Dahil nanatili lamang ang mata ni Jessica sa kisame. "Okay. Igalaw mo nalang ang daliri mo kung naririnig mo ako." Dagdag pa ni mommy.

Napangiti ako ng unti-unti niyang ginagalaw ang daliri niya. Ibig sabihin naririnig kami ni Jessica. "Mom! Okay na ba siya? Pwede ko na ba itong ibalita sakanila? May progress na naman na eh." Tanong ko pero umiling lang ang mommy ko.

"May isang salita ako Patrick at nirerespeto ko ang desisyon ni Jessica." Seryosong saad nito sakin.

"Mom! Care to tell me kung ano iyon? Kasi ayoko ng maglihim pa sakanila, ito na ang pangatlong beses na nagising si Jess! Ang alam nilang lahat brain dead na siya." Singhal ko sa mom ko.

"Tone down your voice Patrick. Naririnig ka ni Jessica!" Mariin na saad ni mom. "Dito ka muna at may kukunin lang ako sa office ko." Aniya at lumabas na ng kwarto.

I heaved a sighed. Lumapit ako kay Jessica na ngayon ay dilat na dilat na ang mga mata. "Kailan ka ba mag sasalita Jess? Kailan ka magiging maayos? Nag aalala na kami sayo." Aniya ko sakanya.

"Patrick."

Nanlaki ang mata ko at nagulat ako sa biglaan niyang pagtawag sa pangalan ko. Buo ito at tila ayos na ayos na siya. "Jessica! Nakakapag salita kana." Sabi ko sakanya na gulat parin.

Tumango siya at ngumiti ng malungkot. "Patawad." Aniya sa mahinang boses.

Mas lumapit pa ako sakanya at hinaplos ko ang kanyang buhok. "Bakit ka nag sosorry?" Marahang tanong ko sakanya.

"Patawad dahil itinago ko sainyo itong kalagayan ko. Hindi naman talaga ako na-comatose, tulog at nag papahinga lang ako sa lahat ng sakit na nararamdaman ko. Patrick may brain tumor ako at natatakot akong mamatay lalo na....d-dalawa kami.." Aniya at napahawak sakanyang tiyan. Kunot noo ko siyang tinignan dahil hindi ko siya maintindihan.

"Anong dalawa?" Nagtatakha kong tanong.

"Patrick. B-buntis ako." This time umiyak na siya. Tila nabingi ako sa sinabi niya. Buntis? Nag papatawa ba siya?

My Girlfriend is a BadassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon