Chapter 31

4.2K 82 0
                                    

Third Person' Pov

Ngayon ang unang araw ng pag-babalik eskwela ni Jessica sa Celestine matapos ang Christmas break nila na umabot ng dalawang linggo. Ngayon narin ang araw na pinaka-iniintay ni Jessica dahil sa wakas makikita niya na muli si Lee. Handa siya sa kung anuman ang gagawin sakanya nito.

Pag-tapak palang ng paa ni Jessica sa Celestine bigla siyang nakaramdam ng takot at kaba. Hindi maganda ang kutob niya at sa tingin niya may hindi magandang mangyayari. Habang naglalakad siya papasok ng Celestine panay ang tingin niya sa kaliwa't-kanan nito. Parang may naiba. Parang may hindi tama. Parang may mali.

Tahimik ang buong Celestine, hindi katulad noong nakaraan na pag-pasok palang ay kitang-kita at rinig na rinig mo na ang mga chismisan ng mga estudyante. Hindi katulad ngayon na sobrang tahimik at payapa. Walang masyadong estudyante ang nakatambay sa may hallway ganun din sa mga nagkalat na benches sa Celestine.

Biglang napahawak ng mahigpit si Jessica sa kanyang bag pack at huminga ng malalim bago niya sipain ang pintuan ng kanilang classroom. Pero wala. Wala itong laman. Wala ni isa ang nasa loob ng classroom. Wala ang mga class 4-D.

Hangga't sa may marinig siyang mga sigawan. Sigawan ng mga estudyante. Kaya agad siyang nagtungo sa lugar kung saan nanggagaling ang mga sigawan na iyon.

Literal na napa-nganga siya sa kanyang nakikita. Totoo ba itong lahat? Aniya sa kanyang isip. Hanggang sa may humatak ng kanyang braso palayo sa lumang gymnasium ng Celestine. Kunot noo niya itong hinarap.

"Kung gusto mo pang mabuhay hanggang graduation lumayo ka kay Lee at wag kang magpakita sakanya!" Mariin na saad sakanya ni Patrick ng bitawan nito ang kanyang braso.

"A-anong nangyayare?" Wala sa sariling tanong niya dito.

"Umpisa na. Naulit na naman ang nangyari noon." Aniya na nahihirapan at tila hindi din makapaniwala sa nangyayari.

Nangingilid ang luhang napatingin si Jessica sa binata. "S-sabihin mo. A-ako ba ang dahil ng l-lahat ng ito? A-ako ba?" Tanong niya dito.

Umiwas lamang ng tingin sakanya ang binata. "SABIHIN MO PATRICK AKO BA?!!" Sigaw niya ng hindi umiimik si Patrick.

"Oo." Simpleng sagot nito at napabuntong hininga. "Jess I-I want to protect you against Lee..." Umiling ito na tila hindi na alam ang gagawin. "B-but he's my friend and gangmate afterall. I-I'm the----"

"Kaya ko ang sarili ko. Salamat pero haharapin ko siya. Handa ako sa kung anuman ang pwedeng gawin sakin ni Lee." Matapang na saad nito sa binata.

"Pwede ka niyang mapatay sa kalagayan niya!" Bulyaw niya sa dalaga.

"Handa ako! Kung ayun lang tamang paraan para mapatawad niya ako handa akong ipalit ang buhay ko para lang sakanya!" Ganting bulyaw niya dito.

Hindi makapaniwalang tinignan siya ni Patrick at umiling. "You're insane." Saad nito.

"Siguro----" Naputol ang kanyang sasabihin ng bigla niyang makita si Lee sa likuran ni Patrick. "Lee." Banggit nito sa pangalan niya. Napatingin naman si Patrick sa kanyang likuran.

"Pare." Gulat na bati niya dito.

Blangko lang silang tinignan ni Lee hanggang sa makarating ang titig niya sa nangungulilang mata ni Jessica. "Lee namiss kita." Nangingilid ang luhang saad ni Jessica sa binata.

"Leave." Walang emosyon na saad nito.

Bigla naman umalis si Patrick dahil alam niya na siya ang tinutukoy ng kaibigan. Bigla naman nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Lee mula sa pagiging blanko ay ngumiti ito ng mala-demonyong ngiti. Nagulat at tila hindi inaasahan ni Jessica ang pag ngiti ni Lee ng ganoon. Ibang Lee ang kaharap niya at alam niya yon.

"We meet again My Bad-Ass girlfriend." He said in full of sarcastic tone. Hindi alam ni Jessica ang kanyang gagawin o di kaya ay sasabihin tila napipe na siya sa inaasta ngayon ng lalaking mahal niya. "Say something badass girl." Tuluyan ng tumula ang luha ni Jessica na kanina niya pa pinipigilan.

"A-anong nangyare sayo?" Puno ng pag-aalala na tanong nito. Walang makita maski kahit anong emosyon sa mga mata ni Lee.

"Easy. Binuhay mong muli ako." Walang emosyon na sagot nito habang nakatitig sa mga matang luhaan ni Jessica.

"I'm sorry." Halos pabulong na saad ni Jessica habang umiiyak.

Tinalikuran na siya ni Lee at akma ng aalis ng biglang yakapin siya ni Jessica ng mahigpit sa kanyang likuran. "I'm sorry please Lee. Mahal kita. Kahit anong kaparusahan tatanggapin ko mapatawad mo lang ako!" Pag mamaka-awa nito.

"Ang Lee na binuhay mo ay hindi marunong mag-patawad. Ang Lee na binuhay mo ay walang puso! Kaya let go!" Aniya at marahas na tinanggal ang mga kamay ni Jessica mula sa pagkaka-yakap dito kung kaya't natumba ito at napaupo sa sahig. Tinignan niya ito ng nanlilisik ang mga mata. Kumpara kanina na walang makikitang emosyon dito, pero ngayon ay kitang-kita ang galit at poot sa kanyang mga mata. "Hindi kapa ba nadala?! Ang sabi ko wag na wag ko ng makikita ang pag mumukha mo dito sa Celestine! JESSICA PLEASE! STAY AWAY FROM MY FUCKING LIFE!!! I DON'T WANNA SEE YOUR GODDAMNED FACE HERE IN THIS HELLA SCHOOL!! I HATE YOU... I LOATHE YOU!! I CURSE YOU!!! DAMN YOU!" Buong lakas at punong-puno ng galit na sigaw niya kay Jessica.

Wala ng nagawa si Jessica kung hindi humagulgol sa iyak. Nasasaktan siya sa bawat salitang binibitawan ng lalaking mahal niya. Nadudurog siya sa katotohanan na hindi na ito ang taong mahal niya kung hindi ay ibang tao na. Umiiyak siya dahil nagsisisi siya sa panahon na hindi niya nasabi sa binata ang tunay na nararamdaman niya.

"Psh! Wag ka ngang umiyak na akala mo ikaw ang naagrabyado dito! Umiiyak ka eh isa ka rin namang walang kwenta sa lipunan! Isang badass! Wag kang mag malinis diyan! Hindi bagay sayo." Tila nandidiring saad ng binata habang nakatingin sa umiiyak na si Jessica. "Pinili mong mag-stay sa Celestine. Fine I'll get revenge. Revenge from you! I'm sure and I promise that your staying here in this fucking school is hell! Purely hell! Im gonna rip your ass down in hell. Gooluck." Saad nito habang dinuduro si Jessica habang masamang nakatingin dito.

"Im sorry." Mahinang saad ni Jessica at unti-unting tumatayo. Nahihilo siya at sumasakit ang ulo ngunit hindi niya ito pinapahalata sa binata. Tinignan niya ang binata sa mga mata nito. Hindi niya mabasa kung anong emosyon ang ipinapakita nito. Tumango ito na tila tanggap na ang lahat ng sinabi ng binata. "Handa kong harapin ang lahat. Handa ako. Para sayo basta para lang sayo..." Tumulo muli ang luha nito at hinawakan ang kanang pisngi ni Lee. "Handa ako kahit na kapalit pa ang buhay ko ganun kita kamahal...."

Tinabig ng malakas ni Lee ang kamay nito na nakahawak sa pisngi niya kaya mas lalong naiyak si Jessica ngunit tahimik lamang. "Wag mo akong ga---" Hindi na naituloy ni Lee ang kanyang sasabihin ng makita niyang biglang may lumabas na dugo sa ilong ng dalaga at namumutla na ito. Sa unang pagkakataon tinignan niya ang dalaga na meron pag-aalala sa mukha nito ngunit bigla din itong nawala ng mapansin ni Jessica na merong nalabas na dugo mula sa ilong nito.

"Pathetic." Mahinang saad ni Lee tska lumakad na palayo mula sa dalaga.

My Girlfriend is a BadassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon