Third Person' Pov
Minsan sa buhay ng tao hindi maiiwasan ang masaktan kapag nakaramdam ka ng tinatawag nilang 'Love'. Pero ano nga ba ang salitang yon? Ano nga ba ang tunay na kahulugan ng salitang 'Love'? Bakit maraming tao ang nasasaktan sa isang salitang iyon. Bakit maraming tao ang umiiyak, nagdurusa kapag nakaramdam na ng 'Love'. Sabi ng ilan masarap daw maranasan ang salitang iyon, nakakabaliw sa saya, nakakamatay sa kilig at ang sabi pa ng ilan kapag naranasan mo na ang salitang iyon, doon mo mararamdaman na pinahahalagahan ka ng isang tao, yung tipong hindi ka papa-iyakin, hindi ka papa-asahin, hindi ka sasaktan yung tipong smooth lang ang samahan niyo, nandyan yung kilig, yung lambing, yung aalagaan ka, yung tutulungan ka sa lahat ng bagay, at yung mamahalin ka ng wagas.
Pero sa kaso ni Jessica at ni Lee kabaligtaran sila ng salitang Love. Hindi sang-ayon ang salitang iyon sa kanilang dalawa, walang kasiguraduhan ang salitang iyon para sakanilang dalawa. Aminin man nila o hindi parehas silang nasasaktan sa mga nangyayare sakanilang dalawa ngayon.
Minahal siya ni Lee noong panahon na tila hindi na kayang bumangon pa ni Jessica mula sa mga umaaway dito, minahal niya ito at sinabi sa lahat na girlfriend niya din ito. Gusto niya itong alagaan at protektahan kaya niligawan niya ito at hiningi ang kamay nito upang maging girlfriend at ka-partner para sa party subalit nabigo siya sa pangalawang pagkakataon, nasaktan siya sa babae, natapakan ang kanyang ego sa pagtakbo ng babaeng mahal niya na hindi man lang siya sinagot.
Hindi niya man aminin noon, tumakbo man siya noon, magpagka-gago man siya noon hindi niya maitatanggi sa sarili niya na mahal niya si Lee. Natutunan niya itong mahalin nung panahon na palagi siyang kinukulit at sinusuyo ng lalaki. Nasanay na siya sa presensya ng lalaki na palaging nakabuntot sakanya at nakatitig. Ang mga ngiti din nito na litaw na litaw ang dimple ang mas lalong nagpahulog kay Jessica. Pero natakot siya. Natakot siyang sumugal sa nararamdaman niya para sa lalaki dahil minsan narin itong nasaktan noon kay Uno. Natakot siya na maulit uli ang nangyari.
Pero ng handa na siyang aminin dito na mahal niya rin ang lalaki, na handa na siyang sumugal para sa nararamdaman niya nabigo siya. Gusto na siyang mawala sa buhay ni Lee. Sa pangalawang pagkakataon nasaktan na naman siya, nabigo at nadurog. Mas masakit pa ang nangyaring ito sakanya kesa noon. Ngayon hindi lang siya nasaktan emotionally kung hindi ay physically pa, nagawa siyang saktan ng lalaki sa pamamagitan ng masasakit na salita at nagawa pa siya nitong..... Sakalin.
Kahit na mahilig siya sa gulo sa away, kahit na gangster siya, bad-ass, kahit na cold hearted girl siya. Babae parin siya na nakakaramdam ng sakit. Nasasaktan rin siya dahil tao din siya.
Gulo-gulo ang buhok at namamaga ang mga mata at merong mga galos at duguan ang ilang parte ng kanyang katawan habang naglalakad siya sa gilid ng kalsada. Hindi niya pinapansin ang mga taong tumitingin sakanya at pinag bubulungan siya. Wala siyang pakielam sa mga ito, gusto niya nalang maka-uwi at makapag pahinga galing sa isang rambulan na naganap sa plaza kaninang tanghali. Ilang linggo narin matapos ang nangyaring party sa Celestine at ilang linggo narin matapos ang engkwentro nilang dalawa ni Lee at ngayon ay hindi pa sila nagkikita. Ang huling balita niya rito ay umuwi daw ito ng Bulacan kasama ang daddy niya.
"Ms. Jessica Watson? Is that you?"
Napahinto siya ng may tumawag sakanyang isang matandang babae na nasa mid 40 ang edad. Nakasuot ito ng puting dress at talagang masasabi mong kagalang-galang ang propesyon nito.
"Sino ka at bakit mo ako kilala?" Malamig na tanong nito sa matandang babae. Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa bago sagutin si Jessica.
"Hindi mo ba ako nakikilala? Ako si Doktora Margareth. Yung doctor na gumamot sayo sa Sta. Rosa Medical Hospital." Sagot nito na ipinaaalala sa dalaga kung sino siya.
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a Badass
AçãoJessica and Lee (LIM Series #1) Written By: PinayKimchii xx Highest ranking in Action #12 UNEDITED