Lee' Pov
Puta.
Puta talaga ang simula ng araw ko. Nakakabadtrip! Friday ngayon. Meaning PE lang ang subject ngayong umaga at mamayang hapon ay ang mga academics clubs. Pero ako? Nandito sa opisina ng student council, ano pa nga bang bago? Ang dami na ngang pinapagawa ng mga teachers sakin sinabayan pa ni daddy. Bakit ako pa ang gagawa nun? Paki ko ba don? Nagbago na ako. Ayoko na ng gulo. Kung gusto ni daddy edi sana si Jacob nalang tutal mahilig sa gulo ang isang yon. Ako? Nananahimik na ako, masaya na ako bilang isang presidente ng buong highschool department. Graduate na ako bilang isang basag-ulo. Pero bakit ako? Ako talaga? Ugh! Kapag naiisip ko talaga ang pinag-usapan namin kagabi ni daddy sa loob ng library niya naiirita ako! Sabi na nga bang hindi maganda ang mangyayari once na pumasok ako doon eh.
"Jasper." Seryosong banggit ni daddy sa pangalan ko. Siya lang talaga ang tumatawag sakin Jasper, halos lahat kahit si mom at Jacob. Lee ang tawag sakin. Napatingin naman agad ako kay daddy at binitawan ko ang hawak kong kabayong pigurin na nilalaro ko.
"Yes dad?" Sabi ko. Inumuwestra niya sakin ang upuan sa gilid ng study table niya kaya umupo naman ako. Shet! Bakit ako kinakabahan? The last time I checked wala naman akong kasalanan na nagawa. Si Jacon ayun meron pa.
"Jasper anak, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Kailangan ko ng tulong mo." Seryoso niyang sinabi. Nagtaka naman ako.
"Like what dad?" Curios na tanong ko. Ano naman kayang tulong ang ibig niyang sabihin.
"Si Jessica Watson. Ang nag-iisang apo ni manang flor sa nag-iisa niyang anak nasi Agustin. Tulad ng hiling ng matanda, gusto ko siyang pabalikin sa pag-aaral at tumino. At gusto kong IKAW ang gagawa nun." Nanlaki sa gulat ang mga mata ko. Anong ako?! Ayoko!
"Ayoko!" Matigas na pagkakasabi ko kay daddy, dahil ayoko talaga. Yung babaeng Bad-Ass na iyon papatinuin ko at pababalikin sa pag-aaral? No fucking way! Imposibleng mangyari yon.
"Jasper alam kong kaya mo yung gawin. Malaki ang tiwala ko sayo, mapapatino mo siya tulad ng ginawa mo sa sarili mo. Jasper ikaw ang alam kong makakatulong sa apo ni manang flor." Seryosong paliwanag niya. Tsk! Tiwala? Eh ako nga hirap na hirap noon patinuin ang sarili ko. Halos itaya ko ang buhay ko. At ngayon ng dahil sa babaeng yan mauulit na naman ba? Ayoko!
"Daddy alam mo namang tinaya ko ang buhay ko mapatino lang ang sarili ko noon! Dad saksi ka noon sa ginawa ko. Alam mong nahirapan ako, at ngayon tahimik na buhay ko bibigyan niyo naman ako ngayon ng sakit sa ulo. Sakit na nga sa ulo sakin si Jacob sa school, madadagdagan pa ng isa na mas malala pa sakin o samin ng mga barkada ko! Dad naman." Reklamo ko. Napangisi naman si dad sa sinabi ko.
"Malaki na talaga ang pinag-bago mo matapos ang nagyari noon. Pero anak nakikita ko ang sarili mo noon kay Jessica, well kahit na mas malala siya kumpara sayo noon. Pero anak alam ko na matutulungan mo siya lalo na ngayon aalis si manang flor papuntang davao. Walang gagabay sa batang yon." Paki-usap ni dad.
"Dad may mga magulang naman siguro at kaibigan yung babaeng Bad-Ass na yun." Ngumiti na naman si dad na parang may mali sa sinabi ko.
"Ulila na si Jessica, tanging si manang flor lang ang bukod tanging nag-aaruga sakanya. May nanay siya at kapatid oo. Pero step mother at sister iyon. Ayon sa kwento samin ni manang flor hindi nila kasundo si Jessica at wala din itong kaibigan. Kung sino-sinong gang ang sinasamahan niya. Diba delikado sa isang babae iyon Jasper?" Walangya! Nangonsensya pa. Matatanggihan ko parin ba si dad? Bwisit na babae yon oh!
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a Badass
ActionJessica and Lee (LIM Series #1) Written By: PinayKimchii xx Highest ranking in Action #12 UNEDITED