Chapter 44

155 3 0
                                    

Chapter 44

[Tanya's POV]

"Ma, nagkita ko ulit si Rhassel, naging maayos na kami", patuloy kong kinuwento kay Mama ang mga nangyari noong nakaraan. Alam niya na biglang nawala si Rhassel kinuwento ko na rin sa kanya ang dahilan, hindi mahirap magshare kay Mama, kasi parehas lang kami ng nararamdaman, lalo na ng nakita ko ang itsura niya noong sinabi ko na ganoon si Misty. Hay, pumupunta kasi siya dito dati, sabi pa nga ni Mama, kay gandang bata daw niya.

"Ganoon ba", tinignan niya ako ng mabuti. "Sabi ko sa iyo kapag pinaiyak ka niya ulit lagot siya sa akin"

Ganito talaga si Mama, pero masaya ako, kasi ganito kami ka-close. "Tatanggapin ko ang desisyon mo dahil mahal mo siya, pero dapat mag-iisip ka pa rin a. Kailangan mahalin mo pa rin ang sarili mo."

Ngumiti nalang ako sa kanya. "Salamat, Ma, Pupunta nga pala siya dito bukas."

"Mabuti iyon ng makausap ko siya"

Nagkwentuhan lang kami ni Mama. Ang saya ko talaga, dahil naging maayos rin ang lahat. At kasama ko si Mama sa lahat ng nangyayari sa akin. Hindi niya ako iniiwan. Kailangan din palang imeet ni Rhassel si Papa. Hindi pa niya to nakikita. Gabi kasi siya laging umuuwi, pero sa saktong pagkakatoon, maaga siya bukas. Sana maging maayos ang lahat. 

[Rhassel's POV]

"Mukhang may magandang nangyari sayo a", salubong sa akin ng lalakeng ito. Paminsan pinagsisisihan ko kung bakit binigay ko sa kanya ang passcode ng condo ko. Pero, hindi dapat masira ang mood ko. Masaya ka ngayon Rhassel. MASAYA!

Nginitian ko lang siya.

"WHAT!! RHASSEL!! HAHAHA!! YES! NAKITA NA RIN KITANG NGUMITI!", ngiting-ngiting si Rafael at inakbayan ba naman ako. Nabubugnot ako pero biglang nawawala pag naiisip ko na magkasama kami ni Tanya kanina. MASAYA AKO!

"Tigilan mo nga ako", tinutulak ko siya palayo. Kaya kami napagkakamalan. Naalala ko nanaman tuloy si Tanya. Teka, hindi ko talaga mapigilang ngumiti.

Nilayuan niya ako at biglang naging seryoso. Tinatalo na niya ako sa pagiging bipolar.

"Ano na ba talaga ang nangyari?"

"I talked to my Mom, ang totoo pala ay hindi kami engaged. Hindi nga daw siya nakausap noong babaeng iyon", tumahimik ang paligid.

At binato niya ako ng throwpillow.

"CONGRATS!! HAHAHAHAHA!! MALAYA KA NA!!", binato lang niya ako ng binato. Ito ang mahirap sa lalakeng ito e.

"RAFAEL!!", napatigil siya sa sa pagbabato sa akin.

"Ayan ka nanaman..."

"Kasi naman ang kulit mo. Pasalamat ka ayos kami ni Tanya ngayon", ayan nanaman hindi ko nanaman mapigilang ngumiti. Paulit-ulit na ko HAHAHAHAH!

"Ah, buti naman", ngumiti na rin si Rafael. "Pero Rhassel. Pasensya ka na a.", dugtong niya.

"Wag na nating isipin iyon", hindi ko alam kung masama talaga akong tao dahil wala akong nararamdamang awa. Sobrang sakit lang ng naramdaman ko noon. Para niya akong papatayin. Bahala na si Mama sa gagawin niya. Hindi pa naman matansya iyon.

~THE EAVESDROPPING PRINCESS~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon