Chapter 34
[Rafael's POV]
"Bakit ganyan ang mukha mo?",
"Oh, may pakealam ka pala.", sabi ko.
"Hinahanap lang talaga kita."
"Dahil sasabihin ko sayo, pag nasaktan ulit si Tanya ng dahil sayo, tandaan mo, hindi na kita gagalangin pa."
Bakit ba ako ganito kay Tanya?
Ang tanong---na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nasasagot. Nahihirapan akong alamin.
Pero may alam lang ako sa sarili ko.
Para sa kanya, kaya kong magbago. Kaya kong iwanan lahat ng mga bagay na iyon para sakanya. At masaya akong gagawin yon.
Sorry Rhassel---I am being selfish again.
Nakita ko si Tanya na nakikipag-usap sa tatlong babae. Mukhang naging ka-close na niya iyong mga babaeng laging umaaway sa kanya dati.
"Hi Tanya!!!", bati ko sa kanila.
Okay, napanganga iyong mga babae. Hahahah!! Normal reaction. Oooppp Ooooopps, magbabago na nga pala ako. ^___^.
"Hi, ano nanamang problema mo.", pagtataray nanaman nitong babaeng to. Kaya ang sarap asarin.
"Kahapon bati na tayo ah.", ngiti ko naman sa kanya.
"Ganun na ba un?? Hahahahaha", at tumawa na siya. Ayan, ang ganda niya talaga pag tumatawa.
"Ah ehem, girls, hihiramin ko muna siya ah", sabi ko then I smiled. At iyon, umalis na kami doon.
"Aba, close na kayo ng mga babaeng un??", tanong ko sa kanya.
"Mas mabuti nga yun eh,", sabi niya ng may ngiti sa mukha niya. Halatang masaya siya ngayon. Buti naman, kahit sandali nagiging masaya siya. Hindi katulad nung naabutan namin siyang nakatingin lang sa malayo nung nasa bahay siya.
"Tara, gala tayo!!", sigaw ko sa kanya, at hinarangan ko ang daraanan niya.
"Wag ka ngang masamang impluwensya", sabi niya tapos tinulak pa ako papalayo at nagpatuloy sa paglalakad. "May klase pa tayo."
"Hmmmm, e di mamaya pag-uwi", sabi ko pangungulit pa rin.
"Ay nako, ewan ko sayo", at naglakad pa rin siya. Naglalakad parin kami. Mukhang may hindi naaalala si Tanya. Ang dapat kong sabihin sa kanya. Alam na kaya niya? Ang napag-usapan namin sa stockroom.
Habang naglalakad kami, bigla siyang napatigil at nawala ang magandang ngiti sa kanyang mukha.
Si Rhassel at Si Misty, naglalakad at maghawak ang kamay. Alam ko sa mukha ni Tanya, masakit un, dahil nakita ko na may hinawakan niya ang ribbon na nakatali sa kanyang braso.
Ayoko ng ganito. Ayoko ng ganitong mukha. Gusto ko lagi siyang masaya
"Tara!! Sa stockroom nalang tayo kumain!!", sigaw ko habang hinahatak siya.
"Oy Rafael!!!!!", sigaw naman niya.
Gagawin ko ang lahat Tanya, para kahit saglit maging masaya ka. Kahit na alam ko na hindi ako ang tunay na kailangan ko. Gagawin kong,---ako ang maging kailangan mo.
Pumasok na kami sa may stockroom at nakaupo kami doon. Nag-usap kami ng mga kung ano-ano pero ang mga mata niya ay umiikot. Tinitignan ang bawat paligid. Naalala niya siguro ang dati,
"Rafa, ba't mo ko dinala dito. Alam mo ba ang dami kong alala dito?", nagsasalita siya na parang ewan. Tuluoy-tuloy parin ang kanyang pagsasalita. "Naalala ko si Rhassel dito----"
"Ayokong makitang ganyan ang mukha mo.", niyakap ko siya. Ayoko, ayokong makita ang mga mata niyang lumuluha. Nahihirapan ako, masakit sa puso.
Nagiging corny na ako. Pero tanggap ko. Para kay Tanya---
Gusto kong malaman niya ang mga nangyari sa stockroom na ito--
Gusto kong malinawan siya kung ano ba talaga ang ginagawa ni Rhassel sa kanya---
Pero, bakit sa huli....
"I can be your crying shoulder. Let's have good memories Tanya"
Damdamin ko pa rin ang inalala ko.
[Rhassel's POV]
Nakita kong suot niya ang red ribbon. Naalala pa rin pala niya ang bagay na iyon.
Ang second wish ko.
Trust me with everything
Pero, may mga nakita pa ako
Kasama niya si Rafael. Nagtatawanan silang dalawa, pero nalusaw ito noong nakita kami.
Nandoon iyong sakit sa mga mata niya, may ahas kasing nakakapit sa akin. Bakit ba kasi kailangang mangyari to? Bakit ba sa akin bumagsak ang mga problema? Sa totoo lang wala naman talaga ako dapat dito eh!
Pero, hindi. Ganito ang tadhana, mapaglaro. At ako ang biktima.
Ayoko siyang nakikitang ganoon, gusto kong sabihin sa kanya na mahal na mahal ko siya. Ano nga bang magagawa ko, kulong ako ngayon.
Ang ribbon na iyon, tama ba na paasahin ko siya?, e ngayon pa nga lang nahihirapan na akong kumawala sa ginawa ni Misty. Baka patuloy siyang masaktan kung itatali ko pa siya sa akin.
Trust me with everything
Kaya ko kayang panghawakan ito, kung ngayon wala na akong confidence sa sarili ko.
Tumingin sa amin si Rafael, sa kamay ni Misty na nakapulupot sa akin tapos straight sa mga mata. Those eyes are telling me something. And that's true.
But I feel the hatred. Parang gusto ko siyang sapakin, dahil siya ang dapat nag-aayos nito. Pero hindi eh!!!!! Hindi!!!!
Mahal ba niya si Tanya?? Si Misty, akala ko dati gusto niya to.
I clutched my fist at naglakad na kami ni Misty palayo. Pupunta kami ngayon sa cafeteria dahil nagugutom siya. Ako, personally, hindi. Wala akong ganang kumain ngayon. Ayaw namang bumitaw ng ulupong na to, dahil kasama to sa kondisyon.
Hindi ko pwedeng isakripisyo ang scholarship ni Tanya. Kaya ko to.
Kahit na magmukha akong manika, estatwa, peke sa mga mata nila. Wala akong pakialam.
Para sa kanya, kaya kong isakripisyo lahat.
I love her.
AUTHOR'S NOTE:
Hi, thanks to all the people who are reading this. Ayiiieee ^____^.
What is love?
How can you tell that you are in love?
Is love being selfish, or taking it for yourself?
Sino ba talaga ang nagmamahal sa kanilang dalawa???
*lawliet*
BINABASA MO ANG
~THE EAVESDROPPING PRINCESS~
RomanceNag-umpisa ang komplikado at magulong buhay ni Tanya sa pag-eeavesdrop. Mahirap nga naman kasi na kumalat ang narinig niyang pinag-uusapan ng Heatthrob at Heartbreaker ng school nila--kaya naipit siya sa sitwasyong hindi na niya kayang labasan. Per...