AUTHOR'S NOTE:
The past days, sobra akong naoverwhelm sa lahat ng mga taong naglagay ng story na ito sa RL nila, at nagvote ng marami sa bawat chapters, pati narin sa mga nagcomment dito. I am so touched and I would like to say THANK YOU !! sa inyong lahat ^____^ . Sobrang saya ko, dahil ang dami niyong nagmamaha at nakakaappreciate sa storyang ito. Hindi ko man kayo mapasalamatan ng isa-isa. pero sana in this way, ma-feel niyo na sobra ko kayong naappreciate. Woooow!!!
Muli, A very big thanks to everyone !!!!
Salamat muli sa inyong lahat.
Here's the update.
Chapter 37
[Misty's POV]
I heard everything. I saw everything.
And it slapped me on the face.
Pain. Ang sakit sa damdamin. Na nakikita na mahal na mahal nila ang babaeng iyon.
Kelan ba nila ako binigyan ng ganyang pagmamahal at atensyon?
e ako itong kasama nila ng matagal na panahon? Ako ang nag-eefort dito to get them, bakit hindi nila nakikita???!!
At siya.. At siya!! Anong ginawa niya!! Wala!!!!!! Bakit???
I really want to cry. Pero hindi. Bakit ako iiyak? It just shows that I lost. Hindi. Hindi ako talo. Dahil sa bawat sakit ko, doble sa kanila. So it is just my sign of winning.
But it still hurts
Hindi ako pumasok ng class dahil makikita ko siya. At baka hindi ko mapigilan na sumabunot ng babaeng panira ng buhay. So pumunta muna ako sa somewhere where I can be alone.
Bumili ako ng white chocolate drumstick sa may cafeteria at umupo sa may bench. Gusto ko lang mag-isip. Kailangan kong kalmahin ang aking sarili. Nang---
"Misty, pwede ba tayong mag-usap?"
Nagulat ako sa pagsulpot niya. Kahit kailan talaga ang gwapo nito. Syempre, kaya nga ako head over heels dyan eh. Tsaka, pati ang lahat ng babaeng nagkakandarapa sa kanya. Hay, Rafael. bakit ba kasi ganyan ka??
"Ano namang pag-uusapan natin?", tumingin ako sa malayo, hindi pinahahalata na tinitigan ko siya kanina.
"Ano bang gusto mong mangyari hah, gusto kong marinig sa side mo", bumuntong-hininga siya. "Hindi naman nakakagulat na tanggihan mo ang kasal, pero bakit pati si Rhassel dinamay mo... sana you made this chance to find another man that will love you, hindi iyong ipagsisiksikan mo ang sarili mo", sabi niya, nakatingin din siya sa malayo.
"So, you did tell, na ikaw ang puno't dulo ng lahat.", tumingin ako sa kanya at ganoon din siya, tumaas pa nga ang kilay niya.
"It's you're fault. Ginawa ko ang lahat but you rejected me. At ngayon, makikita ko nalang na pag-uwi ko lahat kayo happy ending. And you easily fall in love for that girl!!!---"
"Wag mong idamay si Tanya dito Misty!!", napasigaw narin siya.
Naalala ko nanaman nun, nung sinigawan niya ako in front of his flings. How pathetic!!!
"Ano?? Bakit hindi ko siya idadamay dito?? Masakit ba, Rafael, Masakit bang madamay siya sa ganito!!!", napasigaw na rin ako.
"Because she doesn't need to be in this mess!! In the first place, wala siyang ginawa, It's our fault...", he paused. "It's our hearts' fault to fall in love with a very extraordinary wonderful lady"
"It's our hearts' fault to fall in love with a very extraordinary wonderful lady"
Ang sakit lang marinig. Parang dinurog ang puso.
"Then what did you think about me, garbage??? Ang tatagal nating magkakasama, pero bakit ako hindi man lamang nasuklian ng ganyang pagmamahal. Lagi niyo nalang akong sinisigawan, binabalewala!! Ano!!--"
"Because I LIKE you Misty!!!!"
Biglang tumigil ang mundo ko nung narinig ko iyon.
"Noong mga bata pa tayo, I started to like you...pero, hindi ko maiwasang mapalapit sa mga babae. Natatakot ako, lalo na nung nasa playground kami, at bigla kang dumating para sigawan sila. Naiisip ko, na baka lagi kang mapaaway sa mga iyon, ikaw rin ang masasaktan". he sighed. "So I tried to get distant, ginawa ko ang lahat para hindi ka tuluyang mainlove sa akin"
Nanatili akong nakikinig sa kanya, dahil nga gulat na gulat na rin ako sa mga narinig ko. That time, I started to stay away from him.
"And I think that you're better off with someone. That day, I swear that I will forget my feelings.... Then I met Tanya"
I can't feel myself na parang ako lang din ang sumira ng lahat.
Is it really about my stupidity??
Is it really me??
"It is also not Rhassel's fault. Alam kong alam mo na may kinukwento na siya sayong something special since then, at siya si Tanya. He also fall for her, before I did. He cares for you, and it's only for a friend. Pinaintindi na niya yan sayo dati pa. Bakit ba pati siya dinadamay mo??!!!"
Yes, Rhassel did talk to me, before I left the country.
Misty, I am falling for a very special girl. Though I am not sure why, but I really do. Thank you for being there always. Please, don't be angry with me about this. I will still be your friend, as always.
"Please. Stop this engagement. let them go.", He looked at me with all sincerity na parang maiiyak na siya anytime.
That time I swear to myself
That I will not give in. Sorry Rafael, Rhassel and Tanya but you made me like this. And I will never change. My choices will never change. Watch me redeem myself.
"Rafael" I paused, "I will never change my decision.", tumalikod ako sa kanya. Dahil alam mo anytime, tutulo na ang luha ko. This time, I cannot stop it. Pwede rin namang maging mahina di ba? Kahit once in a while. Pero hindi sa harapan niya.
Ang sakit. Patuloy ko mang iniisip, Ang sakit talaga. Bakit ba kasi ganyan yang dalawang yan?
Lagi nalang akong nahuhuli sa mga nararamdaman nila.
-----
Note ulit:
A litlle peek kay Misty. Waaaaaaah!! What will happen next? Basahin nalang ^__^,
BINABASA MO ANG
~THE EAVESDROPPING PRINCESS~
RomanceNag-umpisa ang komplikado at magulong buhay ni Tanya sa pag-eeavesdrop. Mahirap nga naman kasi na kumalat ang narinig niyang pinag-uusapan ng Heatthrob at Heartbreaker ng school nila--kaya naipit siya sa sitwasyong hindi na niya kayang labasan. Per...