Chapter 11
(The eavesdropping princess' POV)
Feeling ko ang paranoid ko ngayon. Paranoid na parang lumipat ang utak sa outer space pero naiwan ang consciousness sa utak kaya yun nalang ang nararamdaman ko ngayon *nerd mode*
Ayan ang reaction ko nong narinig ko ang kondisyon na sinasabi ng bruhildong si Rafa
Kung iisipin--
Hinalikan na ako ni Rhassel.
Pero hindi!! Ginawa lang siya un para hindi ako magsalita at magskandalo--wala naman yung malisya. Ako lang ang madramang iniisip pa rin yun hanggang ngayon.
Hay, kung alam lang niya na isang stage ng buhay ko na inasam ko na makasama siya. Pero--hindi na yun ngayon. Hindi ba?
Dapat makakatikim na ng sampal sa akin si Rafa ng biglang sumulpot si Siegrain.
”Kuya--” sabi niya.
"Sieg!! Alam mo iyong panira minsan?” sabi niya bigla at tinignan na nakakaasar na tingin si Siegrain, at ako nanaman ulit ang tinignan niya. Sa lahat ng anggulo nakakainis siya.
"So Ms. Tanya, aabangan ko yan ah”, tapos tumawa siya. Hindi ko alam pero bigla akong kinilabutan. Parang galing sa kailaliman ng mundo ang pagtawa niya.
Tinapik niya ako at hinatak niya si Siegrain. Tinignan ako ni Siegrain, at nakangiti siya sakin. Hindi ko alam kung bakit kahit na ang badtrip na badtrip ko, napangiti niya ako. Nakakatuwa siya grabe, buti nalang at hindi siya nagmana sa kapatid niya at sa pinsan niya.
Kinagabihan. Nakauwi na ako ng bahay ng buhay. I managed with all those issues. Hindi naman ako masyadong tinanong ni Lea, dahil hihintayin niya daw na ako na ang magshare sa kanya.
Tinignan ko ang cellphone ko dahil nga may nagtext sakin. At pagkabasa ko palang, badtrip na ko--
Hoy. pumunta ka sa amusement park bukas. Wag mo ng gawin yung dare na pinapagawa ko sayo.
Gwapong Prinsipe
Alam ko na kung sino to. At mukhang sira nanaman ang araw ko bukas.
BINABASA MO ANG
~THE EAVESDROPPING PRINCESS~
RomansaNag-umpisa ang komplikado at magulong buhay ni Tanya sa pag-eeavesdrop. Mahirap nga naman kasi na kumalat ang narinig niyang pinag-uusapan ng Heatthrob at Heartbreaker ng school nila--kaya naipit siya sa sitwasyong hindi na niya kayang labasan. Per...