Chapter 20
[The Eavesdopping Princess' POV]
“It’s time you meet some of my clan..”
May appointment kami ni Rhassel sa principal ngayon. Kung naalala nyo yung napag-usapan namin after nung play.
Medyo ninenerbyos ako--hindi pala medyo. Oo! Ninenerbyos ako. Syempre si principal yun eh. Sabi niya close ang family ni principal at ang family niya. Feeling ko masyado silang mataas. Paano pa kaya kung yung immediate family na niya ang makikilala ko. Mas lalo na akong matutunaw nito.
“Tanya, kinakabahan ka ba?”, tanong niya sa akin.
Nginitian ko siya at tumango. Tumingin siya sa akin at ngumiti din. "Don't be. Nandito lang ako", hinawakan niya ng mas mahigpit ang kamay ko. Sabay kaming naglalakad sa hallway.
"Ano kayang sasabihin niya sakin?"
"Just think na kakausapin ka lang ng family ng magiging asawa mo! Hahahahaha. Don't think of her status"
Nawala yung nerbyos ko at napalitan ng pamumula--Effective ka talaga Mr. Villa, effective na heartstopper, activator of fluttering butterflies--but it's nice.
Nandito na kami sa pintuan ni principal. Kumatok siya, at binuksan na yung pinto.
“Hi Rhassel", bati niya kay Rhassel ng nakangiti. Ito na talaga. Nasa harap ko na ang principal ng school namin, na tita pala ng boyfriend ko.
”Hi Tita”, sabi naman niya.
”Good morning po”, bati ko naman.
Tapos bigla siyang ngumiti, ngumiti na para siyang bumalik sa pagiging teenager.
“Good morning din, Hija. Take a seat”, sabi niya sa amin.
Ito na--Simula na ng pagtatanong. Para akong nasa interrogation room.
“The show was very good. Nakakatuwa, naririnig ko ang mga students na pinag-uusapan pa rin iyon hanggang ngayon, pati ung flow at ung mga bago nyong inserted characters, at syempre ang pagdradrama ni Rhassel", nagchuckle siya.
Hindi ako sanay na magchuckle siya, kaya naman nagulat ako. Tumingin ako kay Rhassel at nakita ko siyang namumula...
Muhang nagblublush pa ata. Ang cute! Hahahahaha!
”By the way Hija, saan at kailan ba kayo nagkakilala ni Rhassel?”
“Nung 1st year po ako, dito rin po sa school yung first meeting namin”, sagot ko naman.
“I see...", tumingin siya sa aming dalawa. Bumalik na siya sa pagiging serious niya. "So Rhassel, seryoso ka na ba kay Tanya?”, tanong ng tita niya.
Nabigla ako sa tanong niya--o masyado lang akong nag-iisip ng mga underlying motives sa tanong niya. Pero ang mas naibabaw ay yung anxious feeling na marinig ang sagot ni Rhassel.
“Yes Tita", hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at tumingin sa akin. "I'm really serious with her"
“Okay, she’s a good girl", ngumiti siya sa akin. "Sana wala akong maging problema whatsoever."
Walang maging problema? Ano kayang pwedeng maging problema...
“Ay nga pala Rhassel, kung di pa nasasabi sayo ng anak ko, merong party sa bahay namin, pwede mo isama si Tanya kung gusto mo.”
Nakita kong mukhang nagulat si Rhassel, na medyo namutla. Lumapit sa kanya ang tita at may binulong.
Siguro, family affairs un kaya hindi ko na aalamin, sabi niya sasabihin niya daw sakin ang lahat sa tamang panahon di ba?
”Tita, I think we should be going...”, sabi ni Rhassel.
“Wait I have to talk to her.”, sabi naman ng principal namin/tita ni Rhassel.
“Sure”, sabi niya.
Tinignan niya muna ako bago siya umalis. Ngumiti ako dahil mukha siyang nag-aalala sa akin. Ngumiti din siya at lumabas na sa office.
At naiwan nalang ako dito.
”Iha, I like you, you, being a scholar and wala kang record of any offenses at nakikita kong masayahin ka...but now I will be the one asking you, are you seriously in love with my nephew? Hindi dahil gwapo lang siya?”
“Yes, I’m seriously in love with your nephew. Siguro po ganoon ang tingin niyo sa mga babaeng gusto siya, pero para sakin...your nephew, is a very wonderful and mysterious person kahit na lagi siyang may mood swings nakakatuwa parin siya...I guess, my life became happier nung nakilala ko at pinagtanggol niya ako nung araw na yon...”
“Thanks for your answer Hija”, tapos ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko.
“You’re right. Rhassel is a good person, at dahil sayo, he somehow changed for the better and I should be thankful for that. I like you for him.. so don’t worry.. I’ll help the both of you with anything.”
“Thank you po Maam..”, sabi ko ng nakangiti. Sobrang saya ko dahil nagustuhan ako ng tita niya. Masaya ako dahil kahit konting steps lang nakikilala ko ang pamilya ni Rhassel--at syempre bonus na yung magustuhan nila ako.
Pagkalabas ko ng office--
"Anong sinabi sayo ni Tita?", nag-aalala niyang sabi sa akin.
Ngumiti ako, "Girl's talk yon! Hahahahah! But our conversation turned out nice"
A sigh of relief, "Buti naman. Masaya ako", ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko.
Naglakad na kami palayo sa office ni tita. Oo, ni Tita.
“Rhassel san tayo pupunta?”, sabi ko.
“Ehem! Di ba may 3 wishes ako?”, sabi niya at nakangiti siya ng malaki.
Nakalimutan ko yun ah! Nako po ano kayang hihilingin ng lalaking to sa akin…
Patuloy kaming naglakad hanggang sa marating namin yung soccer field. Umupo kaming dalawa sa field at tinitignan namin ang langit. Ang ganda talaga nito lalo na pag hapon.
Maghawak ang kamay namin. Nakatingala akong nakatingin sa magandang langit. Sa field, feeling ko ang liit ko compared sa malawak na langit pero dahil hawak ako ni Rhassel ngayon--pakiramdam ko, I am one with the sky. It feels so nice.
Naramdaman ko na may something sa daliri ko--
Nilift ko siya, pero nakaentangle parin ang kamay naming dalawa
Nagulat ako at..
May singsing ng nakasuot!
Hindi ko mapigilang magblush. Singsing, sinuotan niya ako ng singsing!
”Tanya Marquez, my 1st wish is that you will not let this slip off your finger. Lagi mong tong isusuot. This is a symbol…”
Tapos pinakita niya ung kamay niya. Mayroon din siyang suot na singsing na katulad nong sinuot niya sa akin.
Isang simpleng silver ring--pero sakin ang laki ng ibig sabihin nito. Tulad nga ng sinabi ni Rhassel, it is a symbol. It is our symbol.
”I love you...my future wife...”, sabi niya sakin then kissed my forehead.
“Thank you talaga Rhassel..”, and I hugged him. “I love you too.”
Para kaming engaged! Pero sa imagination lang namin. But it feels na parang may future commitment na talaga kami sa isa't isa. It's more than being boyfriend-girlfriend, but future husband-wife.
Kinikilig ako! Please! AHHHH!
Kailangan na naming umuwi dahil madilim na. Naglakad na kami palayo sa soccer field papunta doon sa parking lot kung saan nakapark yung motor ni Rhassel.
”RHASSEL!!”, sigaw ng isang babaeng papalapit samin at niyakap siya.
Si Rhassel naman gulat na gulat--
”I’m back...” at nung sinabi niya iyon, nagfreeze siya at ako, hindi ko alam...bakit hindi niya pinipigilan ito..
Nanlamig ako. Gusto kong sumigaw sa kinatatayuan ko. Sino ba siya ha?!
BINABASA MO ANG
~THE EAVESDROPPING PRINCESS~
RomanceNag-umpisa ang komplikado at magulong buhay ni Tanya sa pag-eeavesdrop. Mahirap nga naman kasi na kumalat ang narinig niyang pinag-uusapan ng Heatthrob at Heartbreaker ng school nila--kaya naipit siya sa sitwasyong hindi na niya kayang labasan. Per...