Chapter 26

326 7 0
                                    

Chapter 26

(The eavesdropping princess’ POV)

Pumasok ako sa bahay namin, at hindi ko alam kung ano na ang mukha ko.

Nandoon si Mama nasa sofa at nanonood ng T.V.

”Anak”, sabi niya sa akin, tumingin ako sa kanya at hindi ko napigilan ang umiyak sa harapan niya.

”Ma----”, lumapit siya sa akin at niyakap ako.

”Ano bang nangyari hah anak?”, sabi niya sa akin.

“Si Rhassel… Si Rhassel….May fiance na pala siya”, masakit na sabihin to, kahit isipin, dahil sa mga panahon palang iyon, para lang akong other woman. 

Mas masakit pa ito sa pagsigaw niya sa akin nung 1st year ako---- . Ganon ba talaga siya kagalit sa akin na kailangan nya akong saktan ng paulit-ulit.

Akala ko mali ang rinig ko. Pero totoo pala, tama pala. Kaya ko naman siyang intindihin eh. Pero mukhang sa umpisa palang ako na ang talo.

I guess everything about me and him---- is just a freaking mistake.

”Sorry hindi namin nasabi sa yo na--”,

Pinaglaruan lang nila ako, pati ang tinuring kong bestfriend, kasama ko siya for many years pero…. Tapos pati si Rafa.... pati ba si Siegrain at Lea alam din nila???

Ako nalang pala--- Ako nalang ang naging TANGA?

”Anak... tahan na sige na--- pwede mo bang ikwento sa akin.”, sabi naman ni Mama.

Umupo kami sa sofa at kinuwento ko lahat kay Mama, dahil ngayon si Mama nalang ang masasabihan ko, wala na.. wala na akong matinong taong makakausap, dahil lahat sila tinalikuran na ako.

Kinuwento ko lahat sa kanya, lahat ng mga nangyari, mga hinanakit at damdamin ko. Hindi ko alam kung pwede lang bumalik sa oras sana hindi ko nalang siya minahal in the first place. Bakit ba kasi hindi pwedeng pagalitan ang puso?? Bakit wala siyang built-in sensor na pwedeng magsabi kung tama ba ang mamahalin mo at hindi ka sasaktan? Kung may ganon e di sana hindi na ako umiiyak ngayon. Bakit ba kailangan pang maging ganito ang lahat.

Bakit pa siya?? Bakit pa si Rhassel Villa?

At bakit ang bestfriend ko pa?

Niyakap lang ako ni Mama—

”Anak, hindi natin maiiwasang masaktan, dahil kung ganun man hindi tayo matututo. May purpose si God sa lahat ng mga nangyayari, kahit yang sakit na nararamdaman mo, pati na siguro iyang nangyari sa inyo si Rhassel.”

Patuloy parin ako sa pag-iyak.

Sana marunong na ako sa lahat ng bagay---- para hindi ko na kailangang matuto sa ganitong paraan. Masakit. Masakit na Masakit.

“Paminsan naduduwag ang mga tao dahil nga tao lang tayo di ba?--- ganoon siguro ang nangyari kay Rhassel. Hay anak—tumahan ka na hah… siguro hindi para sayo ang lalakeng iyon, kailangan mo ng tanggapin dahil may nakatakda na sa kanya…”

Hinatid na ako ni Mama sa kwarto ko at hinayaan niya nalang akong mag-isip. At kahit anong gawin ko, hindi ako makatulog dahil sa mga nangyari.

Bakit ba kasi kailangan pang maging ganito??.

I will trust you

Kaya ko bang panghawakan to, kaya ko bang kalimutan ka, Rhassel Villa?

AUHTOR'S NOTE:

Maiksi siya-----kasi--ano-kasi. Ito na ang opening. Opening of secrets.

Next update na ang TUNAY na pinag-usapan ni Rafael at Rhassel.

At ang side ng bruhang bestfriend na si Misty ^___^.

Abangan ang aking Cameo Role :)). Hihihihi.

*sweettrigger*

~THE EAVESDROPPING PRINCESS~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon