Chapter 38
[Tanya's POV]
Ang hirap palang isipin na sa isang iglap lang, lahat ng mga gusto mong maramdaman niya, ay nasa guni-guni mo lang pala. Iyong nag-aassume ka na may something sa mga tingin na yon. Pero sa huli, hindi mo alam ang tamang sagot.
"Ano ba Tanya,", bulong ko sa sarili ko. Nagrereview ako ngayon sa library dahil nga malapit na ang last exam ko. At mamaya malalaman ko na ang results ng college entrance tests ko. Ninenebryos ba ako? Hindi ko alam. Wala na ata akong nararamdaman ngayon eh.
"Ang mga matatalino daw bobo sa pag-ibig...", biglang may boses galing impyernong nagsalita.
"Hay...", bobo ba ako, o ginawang tanga lang?. Hindi ko rin maisip. Siguro nga tama si Rafa. Hay.
"Nagrereview ka ba, o gumagawa ka ng record ng pinakamatagal na pagtulala?", natawa siya sa sinabi niya at sinarado niya iyong libro na hawak ko.
"MR. QUINTO QUIET", senyas sa kanya ng librarian namin.
Tinignan lang ako ni Rafa at hinatak papalabas ng library na parang ewan.
"Ano ba nagrereview yong tao??!", sigaw ko sa kanya, nasa labas na kami ng library.
"Ano bang nirereview mo, English o yang mga bad memories mo?". Bad memories, bad nga ba, hindi naman ganoon. Dahil hindi ko maiiwasan na naging masaya talaga ako. Ang masakit lang, hindi ko na yon mararamdaman ulit at talagang na pag-rereminisce ko lang nababalikan lahat.
Dinala ako ni Rafa, sa lugar na ayokong balikan, dahil nga hindi ako makakapagfocus. Ang dakilang stockroom. Binuksan niya ang pinto. Naalala ko tuloy noong nakita ko silang nagyayakapan dito.Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung bakit sila nagyayakapan. Akala ko talaga bading si Rhassel. pero hindi pala. Wala sa kanila.
Iyong wallet ko, dito siya nawala. Nandoon ang papel kung nasaan ang love letter ko kay Rhassel. Doon nagsimula ang lahat. Ang mga bagay na pumupuno sa mga alaala ko ngayon.
Umupo siya sa sahig kahit na marumi. Ganun din ako. Tinitignan ko ang paligid at napabuntong-hininga.
"Tutulungan kitang magreview...", napatingin ako sa kanya, mukhang napanganga yata ako.
"Grabe ka naman, may alam naman ako. Di ba may Japanese elective ka?", tumango ako. medyo nahihirapan nga ako doon.
"Eto...", inabutan niya ako ng headset at notebook para daw mapractice ko ang pagsasalita at pakikinig sa mabilis na Japanese.
BINABASA MO ANG
~THE EAVESDROPPING PRINCESS~
RomanceNag-umpisa ang komplikado at magulong buhay ni Tanya sa pag-eeavesdrop. Mahirap nga naman kasi na kumalat ang narinig niyang pinag-uusapan ng Heatthrob at Heartbreaker ng school nila--kaya naipit siya sa sitwasyong hindi na niya kayang labasan. Per...