Chapter 46

144 2 2
                                    

Guys. Again, nagpapasalamat ako sa lahat ng bumasa ng librong ito, sa lahat ng naging fan at hindi nang-iwan sakin hanggang sa huli kahit ang tagal kong nawala, kaso namiss ko silang nagmemessage sakin at nagcocomment sa mga chapters ng librong ito. Sana hindi nila nakalimutan ang librong ito at sana matuwa kayo sa pagbabasa nito. Sobrang dami ko na kasing ginagawa. TInatambakan na ako ng maraming research paper (Alter ego: pinili mong Mag Communication Research e!) 

Muli, Gusto kong magpasalamat sa inyong lahat. 2 or 3 chapters nalang. Samahan niyo ako hanggang sa huli :)

Chapter 46

"Ang cute mo dito Rhassel o!"

"Tuwang-tuwa ka nanaman sa itsura ko. Nasaan ba baby?"

"Baby? Tinawag mo kong baby?"

"Bakit anong masama ha baby? Patingin na ng picture..."

Okay. Hindi ko inakala na baby rin pala ang magiging tawagan namin. Nasa airport na kami at handa ng pumunta sa Shinjuku Tokyo Japan. Sa totoo lang kinakabahan ako, dahil makikilala ko na ang mommy niya. Matatanggap niya kaya ako--

"Baby...", then he kissed me on the cheek

Naputol tuloy ang monologue ko dahil sa kasweetan ng lalakeng to. "Sorry, eto o nandito sa camera ni Rafael"

"Talaga? Lagi mo naman akong sinasabihang cute dyan sa mga pictures kanina ka pa kaya tumitingin dyan", tapos bigla siyang tumawa. 

Grabe na rin ang transformation ng boyfriend ko. Nung una nung superlative heartbreaker pa siya, hanggang sa nalaman kong gusto niya rin ako, hanggang sa ngayon na sobra na siyang nag oopen-up sa akin na pati ang kayabangan at pagpapacute niya pinapakita niya sa akin. HAHA. Nakakatuwa talaga siya kahit ganyan siya. 

"Mas gusto ko to baby", ngumiti siya at pinakita sa akin ang picture. 

Ang cute naman nito, kaming dalawa to nakangiti, ung isa nakatoga pa kami, tapos ung sumunod wala na, nakadress na ako tapos siya naka polo and slacks, tapos ung huli, kasama naman namin parents ko. 

"Gusto ko magpakuha tayo nito ng complete na, kasama na si Mama", nakangiti siya sakin. Hindi ko napigilan na hawakan ang kamay niya dahil naalala ko nanaman ang Mama niya, at kung ano ba ang iisipin niya sakin, baka mamaya itakwil niya ako at sabihing si Misty nalang ang dapat ipakasal kay Rhassel. Hindi ko alam, baka gayahin ko si Barbie Zhu sa meteor garden at umiyak sa ulanan. 

"Wag kang matakot Tanya, basta hindi na tayo maghihiwalay. Magugustuhan ka ni Mama don't worry, at kung ano man ang sabihin nila tandaan mo nandito lang ako. Hindi ako aalis sa tabi mo". Niyakap ko siya ng mahigpit, "Mahal kita"

"Mahal din kita"

Matapos ang matagal-tagal naming pagbyabyahe ay nakababa at nakarating na kami sa Tokyo. Grabe, dati pangarap ko lang na pumunta dito at makakita ng cherry blossoms, pero hindi ko inaasahan na mas maganda pa pala ang reality sa pangarap ko dahil ngayon makikita ko ito kasama si Rhassel. Pinicturan ko ang ibang sites dahil ipapakita ko ito kay na Mama at Papa pag-uwi, sa susunod naman ako ang magdadala sa kanila rito. 

~THE EAVESDROPPING PRINCESS~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon