Chapter 41.1

223 4 2
                                    

Chapter 41

[Rhassel's POV]

"Mom??! Sabi ni Misty she talked to you. And you approved it. Mom hindi ako magpapakasal sa babaeng iyon. Sabi niya sabi mo!"

"Anong kabaliwan to Rhassel Villa...Hindi ko nga nakausap yang si Misty dahil busy ako. And anong magpapakasal yan."

"MAAA!!"

"i'm serious Rhassel Villa. I don't know what's going on. Sana sinabi mo sa akin"

I want to cry, again... "Mom, tinatawagan kita pero hindi ka sumasagot, alam mo ba ang hirap ko noong...hindi ko alam mommy, ano ba talaga kasi, bakit sabi niya??"

Biglang nawala ang authoritarian mood ni Mom, "Sorry Rhas. Alam mo namang marami pang kailangang asikasuhin sa negosyo;. Pero... Hindi ko alam ang pinagsasabi mo. Alam ko kinausap pa siya ni Mr. Matsumoto pero hindi ko siya inentertain."

E di ang lahat ng paghihirap ko--

"Mom. did you know the suffering I had before this phonecall..I almost left the girl that I love so much..."

"Ohhh, and who is that girl?"

"She is...Tanya"

[Tanya's POV]

Alam ko na sa sandaling iyon mawawala na si Rhassel sa buhay ko. Siguro nga napili na niya si Misty, at imagination ko lang ang pagiging mabait niya sa akin...iyong parang dati. How I miss it...pero wala na. I know, it should stay only in my memory.

Pagkakita ko sa gate. May nakita akong tali. Tinignan ko ito. Ang red ribbon. Ang sign namin ni Rhassel. Hindi ko nanaman mapigilan ang pag-iyak. Hinawakan ko ito ng matagal at tinitigang mabuti. "Tanya, I love you"

Humagulgol na ako sa gate. Bakit Rhassel? Bakit ka ganito?? Bakit?? I love you ... I love you...

Nagmadali akong mag-ayos. Ang pupuntahan ko hindi ko alam. Siguro kay Rhassel , para linawin na ang lahat. Sana ito man lang hindi na kami pigilan ng tadhana. Kahit sandali lang, malaman ko kung totoo ito, para hindi na rin ako umasa.

Maglalakad na ako papalabas ng may nakapagandang kotse ang pumarada at alam ko kung sino iyon...

"TANYAAAAA!!!~~' sigaw ni Lea at kasama niya si Sieg....bigla tuloy akong napasisip. Pero hindi, may kailangan akong ayusin.

"Sorry Tanya. I'm so sorry, kinuwento sa akin ni Sieg. Hindi kita kinampihan, Tapos mag-isa ka nalang lagi noong araw na iyon.", parang bata si Lea.

Hindi naman ako galit sa kanya.

"Ayos lang, pero may favor ako sa inyong dalawa ni Sieg."

"Ano yon!! Gagawin namin di ba Sieg??", sabi ni Lea, tumingin siya kay Sieg. "oo naman", ngiti niya sa amin.

"Ihatid niyo ako sa condo ni Rhassel"

[Rhassel's POV]

"I dreamt of your dad", biglang nagkwento si Mama. I know that she misses him so much and I miss her too. Simula ng namatay si Papa siya na ang nagpasan ng lahat. "He's talking about you, I guess. Maybe he's reminding me of what's important. Dapat tatawagan na kita but you made it first."

"Thank you Mama", sabi ko sa kanya. Maiiyak na ako habang sinasabi ko yon. Matagal ko na tong hinahangad pero ngayon lang ako nagkalakas ng loob. Simula noong nakilala ko si Tanya natuto akong sabihin ang tunay kong nararamdaman. 

"Maybe this time, you should meet her. To clear things up"

"Yes Mom. I am going to see her. Gotta go"

"Just make a good timing. Need to go back to work", she paused for awhile and sa pakiramdam ko nakasmile siya noong sinabi niya ito. "I love you"

"Love you..mom", I smiled. I feel so happy today.

Thank you Mama, at thank you Papa na nasa langit na ngayon. Salamat kasi hindi mo pa rin ako pinapabayaan. 

Bumaba ako ng elevator. Pumunta sa parking lot kung saan nakaparada ang motor ko...

[Tanya]

Rhassel, kung pwede lang maging selfish, gusto ko totoo iyong sinabi niya. Na maging magkasama kami, parang katulad ng dati. I love him.

Pumarada na kami doon sa parking lot ng condo.

At pagbaba ko ng sasakyan.

[Rhassel] [Tanya]

Nakita ko na siya. The person I love

~THE EAVESDROPPING PRINCESS~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon