Chapter 33
Misty, Rhassel and Rafael's Childhood life
[Misty's POV]
Si Rafael Quinto
Kahit na bata pa lang siya, ay habulin na ng mga babae. Sabi nga nila, ang gwapo niyang bata.
Pero sabi ko naman.
OO---totoo un.
Kababata ko siya, pero hindi niya ako pinapansin. Siguro sa buong village, ako lang ang babaeng hindi niya nginingitian ng kayang billion-dollar smile.
I cannot understand him. He's a bad guy--
A really handsome bad guy--Psh.
Sabi ko nga, lahat ng bagay nakukuha ko. Pero he is the only exception.
Paminsan nga....
"Rhassel!!! Uy!! Rhassel!!!", naririnig kong sigaw ni Rafael sa hindi kalayuan. Nandito nanaman sila sa garden namin. Tambayan kasi namin to.
"Ano. Psh", sabi ni Rhassel. Ayan nanaman, wala siya sa mood. Dakilang bi-polar talaga.
Well, ayan si Rhassel, kababata ko rin siya. Gwapo din siya. Pero ayan, masungit. Paminsan lang yan nagiging mabait.
"Uy.Uy, Sama daw kita sa park sabi ni Chezka, gusto ka rin daw makilala ng friends niya." sinisiko niya pa si Rhassel na ngayon ay nakatingin lang sa red ribbon na nakatali sa isang rose.
"Ayaw. Kayo nalang. Ayan sama mo si Misty", sabi niya na hindi man lamang inaalis ang mga mata sa kanyang tinitignan.
"HINDI!! Hindi pwede!! Ayoko!! Bahala nga kayong dalawa diyan."
At biglang umalis na si Rafael.
"E di wag mo kong isama!! Umalis ka na talaga!!", sinigawan ko siya kahit papaalis na. Pero, hindi man lamang siya lumingon.
"Hay", buntong-hininga ni Rhassel. Napatingin kasi siya sa amin ni Rafael. Ganyan naman kasi kami lagi.
"Bakit ba kasi!! Waaaahh!! Nakakabwisit ang lalakeng yon!!" pagdadabog ko habang nasa tabi ako ni Rhassel.
"Psh.", sabi lang ng lalakeng ito. "Ganyan lang talaga yang si Rafael pagpasensyahan mo na.", at ayun ngumiti na siya. Ang gwapo niya.
"Tara Rhassel!!!", sabi ko sa kanya at binatak ko na siya. "Pupunta tayo ng park!!"
Hinatak ko siya. Wala akong pakialam kung hindi siya papayag, basta't pupunta kami doon.
I get what I want
Pagdating namin ng park, nakikipaglandian este nakikipagtawanan si Rafael sa harem ng mga babae. Iyong iba hindi taga-village namin. Kalat na kalat na talaga ang kamandag niya.
Okay. Let's start the show.
"Excuse me.", sabi ko sa harapan ng mga bruhang panget.
Nagtaasan ang kanilang mga kilay at lumaki naman ang mata ni Rafael. Si Rhassel naman nasa likod lang parang ewan.
"Tapos na ba kayong landiin ang lalakeng to??", sabi ko sa kanila at tinaasan din sila ng kilay.
"Aba't bakit--ano bang problema mo sa kanya?? Ikaw ba ang girlfriend niya--well look at--"
"OO, bakit may angal ka?. ", I butt in without making her finish her word. Psh. Trash. "Don't talk like you're not reflecting what you say. Trash"
"Aba't!!", sigaw ng mga babae at ayan akmang sasabutan nila ako
"Hmmm. Are you envious of my hair?? Kailangan niyo ba ng perang pansalon??!!, I can pay you. You don't know me I"m--"
Napatigil ako dahil hinatak na ako ng dakilang si Rafael papaalis sa mga babae.
"What the heck are you doing Misty??!", sabi ni Rafael sa akin.
"Aba't ganyan nalang ba ang gagawin mo sa araw-araw Rafael??! Puro nalang babae sa ibang village dinadala mo dito."
"Ganito na talaga ako Misty!! Ano bang magagawa ko?? Sila itong lumalapit sa akin. At teka bakit mo ba ako pinapakialaman?? Ano bang pakialam mo.Kababata lang naman kita."
And there--I felt that I was hit by a truck. Wala akong pakialam. Galit ako.
"Psh.", sabi niya. Just a whisper.
Tinalikuran ko siya.
"Wala ka ng magagawa Misty. Kahit fiance' kita ganito na ako. Alam ko parehas nila tayong kinulong--bwisit. Pero, hindi ko matatanggal to. Ganito na ako eh."
Naglakad siya papalayo pero may mga sinabi pa siya.
"Sorry. Wala akong kwentang tao. Libre nalang kitang ice cream bukas."
Pagkatapos noon, hindi pa rin nagbago si Rafael. Tama, ganoon talaga siya. Kahit noong nasa ice cream parlor kami, nakakita lang siya ng maganda, iniwanan niya ako doon. Parang hangin lang ako.
Binalibag ko lang naman ang pinto at tinapon ang ice cream ko sa pagmumukha nilang lahat.
Ayoko ng ganito. I get what I want. Kaya nga nagkaroon ng ganitong arrangement. Pero sa araw-araw sinasampal lang sa akin na hindi ko makukuha ang bagay na iyon.
Kaya naman lumapit ako kay Rhassel.
Hindi ko rin alam kung talagang pagmamahal ang nararamdaman ko. Gayundin naman si Rhassel. Pero he's kind. He returned my feelings. Maayos na kaming dalawa
Kaya naman. Natuwa ako ng patuloy na nagbabasted ng mga babae si Rhassel.
Akala ko ako ang dahilan---
Pero, sa huli hindi pala.
Si Tanya pala ang dahilan. Ang Miss Nerdy na kinukwento niya sa akin.
Nung una pa lang naman eh.
Kaya nga nung nabasted siya natuwa ako. I comforted her. I smell my victory.
Pero--everything about them is just a misunderstanding. Mahal nila ang isa't-isa.
At ako ang dakilang puwang.
I don't care--I hate people who are ruining my plan.
Bigla akong pumunta sa Japan. Gagawin ko na ito, it will be a sure hit.
I can hit them all in one stone.
I hate my past---and I stupidly hate my present.
What will be my future?
BINABASA MO ANG
~THE EAVESDROPPING PRINCESS~
RomanceNag-umpisa ang komplikado at magulong buhay ni Tanya sa pag-eeavesdrop. Mahirap nga naman kasi na kumalat ang narinig niyang pinag-uusapan ng Heatthrob at Heartbreaker ng school nila--kaya naipit siya sa sitwasyong hindi na niya kayang labasan. Per...