Chapter 12.1
(The eavesdropping princess’ POV)
Anong akala nung loko-lokong lalaking iyon susunod ako sa kanya?
Pumunta sa park his face!!
Kahapon pa ko iniinis nitong baliw na lalakeng to ah tapos bigla akong aayain sa park. Sobrang lakas na ba ng tama niya?
Kaso--paano pag hindi ako pumuntang park? Baka kung anong dare nanaman ang sabihin niya? O kaya baka ilabas niya na yung bagay na yon?!
Ang sakit sa ulo !!!kung hindi lang talaga nakapaimportante ng bagay na yon sa buhay ko----
Hay nako naman oh!!!! AAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!!!
Ano ka ba Tanya, don't stress yourself, Saturday ngayon, dapat masaya ka at nagpapahinga. Wag mo ng isipin ang bruhong iyon. Hayaan mo siya. Patay-patay ka nalang kung ano mang mangyari sa mga susunod na araw. Huhu
Narinig ko na may kumatok sa pintuan namin. Pagbukas ko--
“Hi Tanya!!!”, sigaw ni Lea sa akin.
Napahinga ako ng malalim. Buti naman at si Lea ang napadaan dito, hindi MASAMANG hangin..
"Uy Lea! Kamusta? Pasok ka", ngiti kong bati sa kanya. Tamang-tama to sa araw ng pagpapahinga ko. Si Lea naman ang makakaharap ko at hindi ko makakausap at makikita ang mga taong yun. HAHAHAHA! This is my kind of day!
“O bakit ka nagsmirk dyan Tanya a? Ayiieeee, sinong iniisip mo, Si Rhassel ba? Si Rafael o Si Siegrain? Hahahaha. Teka, baka naapakan ko na yung mahaba mong buhok nakakahiya naman sayo. HAHAHAHA"
"Loka ka talaga! Dapat hindi ka na pinagtitimpla ng juice e!", sabi ko sa kanya ng nakangiti. Kahit ganyan yan, kaibigan ko yan. At masaya ako na siya ang bisita ko ngayon. Pero, sa totoo lang, akala ko isa sa kanila ang kumakatok kanina at kakaladkarin ako papalabas ng bahay.
"Ang swerte mo kaya! May 3 kang prince. Para ka ng super princess!", pagbibiro niya.
“Hay nako Lea. Ang sakit kaya sa ulo, ang dami nilang dinadalang gulo sakin, napag-uusapan tuloy ako sa school”, sabi ko habang nakakunot ang noo.
“Ikaw talaga Tanya, wag kang mag-ganyan papanget ka HAHAHA. You should be thankful", sabi niya habang nakangiti.
“Ay nga pala Lea, ba’t ka naman napapunta dito?”, tanong ko sa kanya.
Bigla syang kumuha ng something sa bag niya.
“Eto oh!!”, may hawak siyang tickets--
PARA SA AMUSEMENT PARK!!!
AAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHH!
“May Freebies kasi ako eh, Samahan mo na ko Please! Sayang naman, dalawa iyong tickets ko oh, wala pa si Misty, dali na”, sabi niya sakin with puppy eyes.
“Ah...e.. hindi. Ay sorry Lea, may gagawin pala ako--Sige--ano...next time!", sabay takbo papaalis ng sala.
Ayaw!!! Hindi ako pupunta doon, ayoko ngang makasalubong sa daan sina Rafa.. NO WAY!! Never will I like that!!. Kaya naman, basta pwedeng maiwasan--iiwas ako of course. Kaya kahit masakit na iwanan si Lea at kahit nakakalungkot dahil sayang ang freebies, hindi na ko pupunta sa park ngayong araw na ito
Hinabol ako ni Lea, umakyat din siya ng hagdan, sporty siya at ako lalampa lampa so obviously---
Ayon--natikman ko ang masakit at mahigpit niyang neck lock. Kainis bakit kasi marunong siyang mag Judo.
BINABASA MO ANG
~THE EAVESDROPPING PRINCESS~
RomanceNag-umpisa ang komplikado at magulong buhay ni Tanya sa pag-eeavesdrop. Mahirap nga naman kasi na kumalat ang narinig niyang pinag-uusapan ng Heatthrob at Heartbreaker ng school nila--kaya naipit siya sa sitwasyong hindi na niya kayang labasan. Per...