Chapter 28-Let her go

332 8 3
                                    

Author's Note: 

Cameo Role here :) You'll meet HydieL :)

Chapter 28

(the Heartbreaker’s POV)

Ang sakit—na makita si Tanya na ganito.

Na umalis siya bigla sa harapan namin. Kung hindi lang niya alam kung gaano kabigat sa akin na gawin ang mga ito kay Misty sa harapan niya.

Pero---kailangan ko Tanya. Para sa atin din ito. 

Masasaktan lang siya kung ganoon. Mahihirapan lang siya lalo. Kaya titiisin ko muna itong sakit na to. Para sa iyo rin to Tanya.

Si Misty ay nasa Class-A, classmates sila ni Tanya. Badtrip, ba’t pa kasi ang tanga ko.

Isa pa yang si Rafa. Parang wala lang, asan na ba un ngayon kung kelan ang laki na ng tensyon. Mababangag na ako.

Pagkatapos ng klase.

Sabay palang natapos ang klase namin at ang class A. At nandito na si Misty, sinubukan kong ilibot ang mga mata ko pero walang Tanya na dumaan.

”Hmmmm. Bakit???”, bigla siyang nagtanong sa akin.

”Si Tanya ba? Hmmm. Hindi nga ata siya pumasok, wala siya ng afternoon class.”

~THE EAVESDROPPING PRINCESS~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon