Chapter 44.2

160 3 0
                                    

44.2

[Tanya's POV]

 

"What are you doing here princess?", iyan ang bungad niya sa akin. Lumapit din ako sa kanya hindi ko napigilan ang sarili ko.

"Kamusta ka?", sabi ko nalang sa kanya, ignoring her words.

"Waiting for my dad to kick me out of the house. I think alam mo na...", tumingin sa akin si Misty ng may mga malulungkot na mata. I want to hug her, pero alam kong hindi niya iyon magugustuhan at lalala lang din naman ang sitwasyon.Patuloy lang siyang nagkwento.

"Alam kong hindi magtatagal ang larong ito, but I was hoping to", umiwas na siya ng tingin sa akin. "Anyway, you look happy now, siguro Rhassel made a brave move and talked to her monster mom"

"Yes. I am happy now", gusto kong maging honest.

"Well that's good. Hindi ko naman kailangang magsorry, and wala naman talaga akong balak magsabi ng sorry sayo, because I always think that you're the one who started this mess."

Hindi ko alam, gusto kong pigilan ang sarili ko. Pero iyong sakit na naramdaman ko, iyong pag-iyak ko sa gabi, lahat ng mga sinabi niya sa akin. Ang pagkakaibigan namin.

"Hindi ko alam kung bakit naging ganito ang pagkakaibigan natin. Naalala ko ikaw ang tumulong sa akin non..."

"Nope, i didn't help you for the sake of that, I just want to see people crying their hearts out for a guy who I think has a crush on me", nag-smirk siya. Hindi ko na mapigilang mainis. Akala ko magkaibigan kami ng mga panahon na iyon. Hindi ka pa ba nadadala Tanya, nag-usap  na rin kayo ng ganyan dati.

"O, that guy who you thinks has a crush on you, Pasensya na Misty, pero sana isipin mo ang nararamdaman namin, kung ano na ba ang status natin sa present. Please, sana maayos na ito.". matagal kong nireplay to sa utak ko. Hindi ko napigilang masabi ito sa kanya. Tumingin ako sa taas dahil para akong maiiyak.

Kaibigan ko pa rin si Misty kahit anong mangyari. Tumingin ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya.

"Misty sana maging magkaibigan pa rin tayo. Sana maging masaya ka rin para sa amin"

"Masaya?", tinignan niya ako ng mabuti

"ANONG MASAYA!! NGAYON YOU'RE WISHING ME HAPPINESS!! NARROW-MINDED KA PARIN TALAGA! YOU'RE TOO KIND!!"

Hawak-hawak niya ako ng mahigpit, kaya naman pinilit ko nalang ilayo ang sarili ko sa kanya dahil mukha siyang galit na galit. Natatakot na ako. Natatakot na ako sa mga mangyayari.

"Misty! Please naman o. Please think of everyone's happiness! Hindi lang yang sarili mo! Maayos natin to. Please. Kumalma ka!", ang sakit ng pagkakahawak niya, may pasa na ito. ang sakit.

"HAH! You think I can think of happiness now. There's no turning back Tanya", kinuha niya ang bote ng soda na binili ko kanina, pumipiglas ako dahil palapit siya ng palapit at hawak-hawak ang ang bote.

~THE EAVESDROPPING PRINCESS~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon