Chapter 19

435 10 2
                                    

THE DATE<3

 Chapter 19

(The eavesdropping princess' POV)

“GOOD MORNING WORLD!!”, ay teka ba’t ang jolly ko. Hindi naman obvious di ba??

Feeling ko nabagsakan na ako ng lahat ng kakiligan sa mundo dahil sa sudden twist ng kwento ng lovelife ko. Biruin mo ba naman, Boyfriend ko na siya ngayon, tsaka magdadate pa kami ngayon!

THANK YOU LORD!THANK YOU! Sobrang blessed ko po!

Okay, Nasa kama pa ko ngayon--Maaga daw kasi dapat kami magkikita...

Teka. MAAGA??

AHHHH! 9:30 na!! dadating un ng 10. And worst laging maaga ang lalaking yun sa mga appointments!

So, dali-dali akong tumakbo sa labas para batiin si Mama ng good morning at pumunta na rin sa banyo sa baba. Hindi kami mayaman para may sariling banyo sa kwarto. 

Habang bumababa ako, 

“HAHAHA!”, may naririnig akong tawanan sa sala. 

Bahala na nga. 

“Ma”, with smile and kamot sa magulo kong buhok. “Good Mor----”

Hindi ko maimagine ang pagkagulat ko sa nadatnan ko--at kung anong itsura ko ngayong umaga at nakita niya ako ng ganito!

“Ang bait mo naman pala iho eh, salamat sa pagbabantay sa anak ko----Ay nandyan ka na pala Tanya..”, sabi ni Mama sakin ng nakangiti.

Feeling ko para akong mukhang sinabunutuan ng kabayo dahil gulu-gulo ang buhok ko. Hinawakan ko ang pisngi ko. AHHH! May panis na laway pa ata ako!

Nakita kong nagchuckle siya at nagwave siya sa akin. 

”Good morning”

Parang ironic ang itsura naming dalawa--Ang ganda ng ngiti niya ngayong umaga, pero ako tignan ninyo, parang sinira na ng itsura ko ang umaga. 

“Tanya, anak. Sige na pumunta ka na ng banyo ha", sabi ng Mama ko. 

Tumango ako kay Mama at ngumiti tsaka takbo naman ako papasok ng banyo, nagmumog, tapos takbo para kumain ng breakfast at syempre naligo. 

Tinakbo ko talaga, dahil nakatapis lang ako no…Sobrang nakakahiya na lalo pag nakita pa niyang ganon ang itsura ko. 

At pagdating ko dun. May nakaayos ng damit sa kama ko, at may nakaipit na note. 

Ikaw ha may mga bagay ka ng hindi kinukwento sa akin Tanya, basta enjoy and know your limitations, mukha namang mabait tong si Rhassel. Basta kailangan mo pa siyang dalhin dito para makausap pa namin. Ingat ka a. I love you. 

Ma

Mukha lang yang mabait Ma, pero mabait naman talaga yan. At ang saya ko talaga dahil makakasama ko siya ngayong araw na ito. 

Napaisip ako dahil tama nga si Mama, hindi ko pa naikwekwento sa kanya yung tungkol kay Rhassel. Kaya naman sinulatan ko rin siya ng note bago ako bumaba

Ma, pasensya ka na kung hindi ko nasabi sayo. Pero, promise ikwekwento ko sayo pag-uwi ko. Hindi ko po kakalimutan ang bilin niyo. I love you

Bago ko sila salubungin sa may sala. Inilagay ko yung note sa mesa namin sa kusina. Pagkatapos naglakad na ko papuntang sala. 

Nagulat ako dahil titig na titig siya sa akin. Yung parang pag tinanggal niya ang tingin niya mawawala na ako. 

Lumapit ako sa kanya at ngumiti, "Rhassel?"

~THE EAVESDROPPING PRINCESS~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon