Chapter 32

341 8 0
                                    

Chapter 32

[Tanya's POV]

Kinabukasan

Medyo maayos ang pakiramdam ko, dahil sa mga taong dumalaw sa akin kahapon. Tsaka dahil sa red ribbon na nakatali malapit sa bahay namin.

Ang red ribbon na un. Nararamdaman kong kay Rhassel nanggaling. At sa ribbon na iyon, naalala ko ang mga nangyari nung nasa park kami---

Ang mga nakasulat sa papel na un.

Trust me with everything.

Naglalakad ako sa may hallway ng may narinig akong mga ingay.

"Sorry Miss Misty",sabi nung mga bruhang babae na dating umaapi sa akin. Hay nako, pero mas nagpantig ang tenga ko nung narinig ko ang pangalan ni Misty.

Ano nanaman kayang nagawa sa kanya ng mga babaeng un, medyo hot-headed kasi yan, tsaka palaban. Kaya naman maraming layo sa kanya. Kami-kami na nga lang ang nakakasama niya eh

"Hay nako, your sorry would not take this stain off my blouse. Alam niyo bang may date pa kami ni Rhassel mamaya, then you ruined my blouse??!!!"

Akmang sasampalin na ni Misty ang mga girls.

"Uy, Misty. Tama na", sabi ko sa kanya.

"Oh, Tanya. bakit??", nagulat ako ng pinagtaasan niya ako ng kilay.

"Wag mo na silang saktan. Sobra na yan.", sabi ko nalang.

Kung iisipin, ganito na ang role ko sa mga nakaraan na taon, paminsan nga napagtutulakan ako eh. Di ba, ang sakit sa damdamin, masakit talaga, lalo na kung ang bestfriend mo na nagtanggol sayo, at tinulungan mo-- ang mananakit sayo ng sobra.

Mukhang nasabon na ang mga girls na ito ng sobra dahil hindi na nila ako pinagtulakan at sinalo ang galit ni Misty. Ano nanaman kasi ang problema nitong babaeng ito.

"Ano bang pakialam mo hah Tanya, hay bwisit!!!", tinignan niya ako ng masama at parang nanlilisik. Nakakatakot pero, hindi. Hindi ako magpapatalo sa kanya.

"Misty", hindi ko akalain na tataas ang boses ko ng ganun. "Porke natapunan ka lang ng kape, galit ka na?? Di ba madami kang maid, e di ipalaba mo??!!! Hindi iyong mananakit ka lang ng iba."

"Hahahahahaha", bigla siyang tumawa ng malakas. "May pinaghuhugutan ba yan Tanya?? Hahahaha. Sige na, hay nako. Baka ikaw dyan ang sobrang nag-oover react. Tignan mo nga yan, iniisip mo ba na inagaw ko sa yo si Rhassel?? Hahaha. Pathetic. Sakin na talaga siya in the first place."

Gusto ko ng umiyak, pero nung nakita ko ang red ribbon na nakatali sa wrist ko, hinahawakan ko pa rin ang pagtitiwala ko sa kanya. Hindi ko alam, pero---nararamdaman ko, na may malaking kaguluhan sa mga pangyayari.

"Immature. Wag mo ng idamay ang mga tao sa galit mo. And isa pa, you're overthinking things. Bakit lalabas si Rhassel sa usapan ng tungkol sa kape, tell me, is there something back that story."

Lumaki ang mga mata niya. At biglang nag-walk-out.

Tumingin ako sa mga girls na ngayon ay namimilipit na sa takot at gulat na rin.

"Wag kasi kayong sasabay sa mood swings niya.", sabi ko.

"TANYA, SALAMAT!!!!", bigla nalang umiyak ang mga girls na yon at niyakap nila ako. "Sorry kasi inaaway ka namin at binully for the past 4 years. Sorry talaga."

"Hindi namin akalain na ikaw pala ang magtatanggol sa amin, Salamat at sorry na rin", patuloy sila sa pag-iyak.

Kinalma ko sila, at ngumiti nalang ako ng kaunti.

"Sana lang, wag niyo ng uulitin hah", sabi ko.

"OO naman!! Friends na tayo ngayon!!Ayos lang ba??", tanong nilang tatlo in Unison.

At ako naman ay nag-nod at nagsmile.

Kaya naman, maraming bagay ang pwedeng magbago. tulad nito, ang mga dati kong kaaway ang naging kaibigan ko. Kahit na nawalan ako ng isa, nadagdagan naman ito, sana lang maging mabuti at matbibay ang pagkakaibigan namin.

At sana, ang red ribbon na ito---ay nagpapakita ng isang magandang bagay.

[Misty's POV]

Aba! That girl with her foul mouth! Tapos natapunan pa ako ng kape!

May sinabi kaya si Rhassel sa kanya?? Bigla siyang tumapang a!

Hindi na kaya natatakot si Rhassel sa mga sinabi ko dati.

Talaga bang babanggain niya ako??!!!

"Bakit ganyan ang mukha mo?", may narinig akong nagsalita.

Si Rafael.

"Oh, may pakealam ka pala.", sabi ko.

"Hinahanap lang talaga kita."

Parang biglang tumalon ang puso ko----

"Dahil sasabihin ko sayo, pag nasaktan ulit si Tanya ng dahil sayo, tandaan mo, hindi na kita gagalangin pa."

At umalis na siya sa harapan ko.

Bakit ba sa huli----

Lagi nalang akong nasasaktan, lalo pag siya na ang nagsalita.

Sa huli--ibang pangalan pa rin ang nasasabi mo. Hindi pa rin ako. 

~THE EAVESDROPPING PRINCESS~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon