Chapter 10

491 12 2
                                    

Chapter 10

(the eavesdropping princess' POV)

“Hoy Rhassel ba’t mo suot yan ah?” sabi ko ng pabulong

Bakit ba kasi niya suot at iyong pagkakataon na un, suot ko din. WAAAAAAHH! Nakakainis naman e!

Mas lalo tuloy lumakas ang mga murmurs ng mga tao dito. Ang sakit talaga nila sa ulo. Ito ang pinakaayoko sa lahat. Pag-uusapan na naman ako. Hay nako naman e. 

“Eh wala na kong pamalit eh. Bakit mo ba kasi suot yang sayo hah?”, sabi niya sakin ng pabulong at hinihigpitan ang sakal este akbay niya sa akin. Hinahataw ko na siya! Ayaw pa rin akong bitawan. Rhassel, grabe papatayin na yata ako nito para wala ng makaalam ng sikreto nila. I WANNA LIVE!! AHHHH!

“Kuya, kawawa naman, hindi na makahinga si Ms. Tanya”, sabi bigla ni Siegrain habang binabatak ang ni Rhassel na nakapulupot sa leeg ko. 

“Watch it Siegrain--” sabi ni Rhassel.

Nakakatakot talaga ang mata nitong lalakeng to! Nakakatunaw--ay nako, este nakakatakot pala. Tingin palang pwede ng pumatay eh. If looks could kill sabi nga nila---CREEPY

"Rhassel, ano bang nangyayari dito?”, bigla ng awat ni Rafa at tinapik ang likod ni Rhassel.

At sa wakas binitawan na rin ako nitong si Rhassel. Syempre ba naman si Rafa na ang umawat--siya lang naman ang may kayang umawat sa kanya. Hay.

“Aba! naglelevel-up na pala kayo ah! Wahahahahaha!”, tawa nitong si Rafa na parang walang kafeeling-feeling sa nararamdaman ni Rhassel.

Nakakainis! Kung mas banas ako kay Rhassel--mas ayoko naman kay Rafa, nakakairita yung pagiging masayahin niya na parang wala na siyang pakialam sa damdamin ng iba--at syempre siya rin ang impaktong nagblackmail sa akin. Nakabuo na siya ng malaking harem sa school namin since he was first year. Notorious na yan kaya paminsan naaaway na ng mga seniors dahil nga sobrang lapitin sa mga babae. Pero, hindi siya maaway ng mga ito, o masaktan. Kung bakit, sabi nila dahil malakas daw ang kapit niya sa principal namin.

~THE EAVESDROPPING PRINCESS~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon