Chapter 47

154 3 0
                                    

Chapter 47

[Tanya's POV]

Nagulat ako sa pagiging straightforward niya. Lahat nung mga iniisip ko kanina, biglang nag echo sa room na ito. Kailangan mong magsalita Tanya, hindi ka na pwedeng maging passive. 

"Bakit po?", tanong ko sa kanya. 

"Basta", sabi niya sakin. 

"Gusto ko pong malaman kung ano yon, para naman po maintindihan ko kung bakit niyo yon sinabi, or maimprove ko po ang sarili ko"

"Paano pag hindi mo na-improve? Hihiwalayan mo ba ang anak ko"

Feeling ko ng mga panahon na yon, magiging si Barbie Zhu nga ako ng meteor garden para lang makuha ang loob ng mama niya. Hindi pwede pinangako ko kay Rhassel na hindi kami maghihiwalay, kailangang mag-effort din ako. 

"Hindi po", tinignan ko siyang mabuti. 

"At bakit naman?", tinaas niya ang eyebrow niya at tumingin din siya sa akin. 

"Hindi ko po siya iiwan. Tinanggap niya po ako kung sino man ako, kaya kahit anong mangyari, hindi ako aalis sa tabi niya. Hindi ko po kayang mawala sakin ang anak niyo"

She smirked . Hindi ko alam kung positive ba yon o hindi. 

"Kaya sana naman po matanggap niyo ako para po sa anak niyo", tinignan ko siya, with all honesty, kasi hindi rin ako susuko dahil ganoon din siya para sa akin. 

"Hmm", tumingin siya sa mga pile of works niya at nagsalita, "Iniisip ko ang kabutihan ng anak ko. Siguro sasabihin niya na workaholic ako, pero I am doing this for him para maging maayos ang buhay niya"

"Will all due respect Ma'am, Hindi naman po financial security lang ang magpapasaya para sa isang tao. Siguro po hindi niyo po ako gusto dahil na rin sa status ko, pero sasabihin ko po na masaya ako at ayokong idennounce yon. Sana po Ma'am wag niyo po akong ijudge dahil doon, dahil kaya ko naman pong alagaan ang anak niyo. Wag po kayong mag-alala"

Ngumiti ang Mama niya at may kinuha siya sa cabinet niya. Isang maliit na blue na box ang nakita ko at inabot niya yon sa akin. 

"Naalala ko, mayaman din si Ryouhei at kailangan kong kausapin ang Mama niya ng ganito. Pero sa huli binigay niya sa akin ang singsing. Sabi niya masaya siya dahil ako ang mapag-iiwanan niya sa anak niya. Ngayon ako naman. Sasabihin kong magiging masaya rin ako sa iiwanan ko kay Rhassel"

Hindi ko napigilan na mapaluha sa mga sinabi ng Mama niya sa akin. 

"Thank you po", sabi ko sa kanya. 

Tumayo siya at niyakap ako, "Wag kang mag-thank you sa akin. Alagaan mong mabuti si Rhassel. Pasensya na mga sinabi ko kanina. I was just challenging you at that time."

~THE EAVESDROPPING PRINCESS~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon