Chapter 9

496 12 0
                                    

Chapter 9

(The eavesdropping princess' POV)

Nakauwi na ako sa bahay. Nakaupo na ang aking nanay sa may sofa. Nako po, ano kayang gagawin sakin? 1st time ko lang kasing hind umuwi ng bahay. Nararamdaman kong gigisahin na ako ni Mama. Nakakatakot na ang tingin niya sa akin. 

“Kamusta Tanya? Doon ka ba natulog kay na Lea kahapon? Tumawag kasi siya sa akin. Kinulit ka daw niya na pumunta ka sa kanila"


Lea! Thank you for saving my life!! Masyado naman atang magaling si Lea para malamang wala ako sa bahay namin. 

“Ah opo Ma, sorry po at hindi ako nakapagpaalam”, sagot ko. Kasalanan ko rin naman dahil hindi ako nakapagpaalam sa kanya. 

"Buti naman at alam mo. Sa susunod, magpapaalam ka hah ng hindi ako nag-aalala.” sabi ni Mama. 

Hindi kasi sanay si Mama ng ganito. Nalulungkot tuloy ako. Masyado akong naoccupy ng mga nangyari. "Pasensya na Ma. Hindi na po mauulit", sagot ko sa kanya.

Pagkatapos non ay nag-ayos na ako ng mga gamit. Nilabhan ko at tinignan ang couples shirt na binili sakin ni Rhassel.

Mukha naman siyang matino at walang nakasulat na kung ano, malapit sa pink na print na ito. Pero ayos naman siya, hindi naman siya mukhang corny o shout-out. Simple and classy naman haha. 

Bigla ko tuloy naisip kanina na parehas naming suot ito. Mukha na ba kaming tunay na couple? Aaaahhh! Ano ba tong iniisip ko!

Tigilan mo na nga Tanya!

Kaya pinasok ko kung saang bag itong napatuyo ko ng couple shirt namin este polong puti, para hindi ko na maalala at mapansin. Parang mas malulungkot at nanghihinayang lang ako pag nakikita ko ito. Mas naalala ko siya--masakit sa ulo. 

 

Kinabukasan, natapos na ang pahinga hours ko. Kailangan na namin ulit pumasok sa school. Hinahanap ko si Lea pero hindi ko siya makita. 

”Uy, narinig niyo ba may bagong transferee sa school??” sabi nung isang girl na ewan. 

Pumasok n ako sa classroom namin. Pagkaupo ko palang chismis na agad ang bumunga sa akin. So eto nanaman ang curiosity ko. Pinakinggan ko nanaman sila ng hindi nila nalalaman. 

“AAAAHHH! Sabi nila he’s a handsome prince! May bagong contender na lalaban sa mga prinsipe natin! kaso one year younger siya satin”

Patuloy pa akong nakikinig sa mga babaeng nag-uusap. At eto meron pa--

“Girls!!!” sigaw ni Girl 3 , “Kapatid daw siya ni Rafael!!!”

~THE EAVESDROPPING PRINCESS~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon