Chapter 5
(The eavesdropping princess' POV)
Nawala na talaga ang mga gossips. Ang galing talaga ng boyfriend ko--boyfriend sa harap lang ng maraming ito. Dahil kapag hindi na sila nakaharap. Ayon, wala na lang. For him, it's nothing--and I am trying my best to feel that way too.
"Hi Tanya!!", nakangiting tawag sa akin ni Lea.
"Hello Lea", nakangiting bati ko rin sa kanya.
“So BF mo na pala si Rhassel Villa..”, paghampas-hampas niya sakin.
Napatigil ako, hindi pa rin ako makasagot ng maayos--naalala ko kasi yung mga pinag-usapan namin kanina ng "boyfriend" ko daw.
“Subukan mo lang sabihin sa iba na hindi tayo--mabubura na ang pangalan mo sa school na to”
“Bakit naman? Hindi ba pwedeng kay Lea, kaibigan ko siya”, sabi ko sa kanya.
"Hindi pwede. Bawal. Subukan mo lang talaga--” sabi niya. Bigla siyang lumapit sakin at bumulong, ”Gusto mo bang magpaalam sa Celesta Academy, Ms.Scholar--”
Naitulak ko siya--biglang bumilis ang reflexes ko dahil sa lalakeng ito. Hindi ko kaya na sobra siyang lapit sakin. Wag mong iisiping pakipot ako, pero para kasing hindi ako makahinga pag malapit siya, ang bilis--sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Tsaka yung boses niya pag bumubulong--nakakataas ng balahibo.
”Ah--oo eh”, sagot ko kay Lea.
“Ano bang nangyari? kwentuhan mo naman ako!", niyakap niya ang braso ko at nginitian ako.
"Ah e ano--", wala naman kasi talaga akong makwekwento sa kanya e. Tsaka hindi ko naman pwedeng sabihing hindi totoo yon dahil nga sa sinabi ng lalaking yon. Nakakatakot pa naman siya.
"Hay sige na nga, hindi ko muna aalamin yan. Hihintayin ko si Misty para may kasama akong i-interrogate ka. Hahahahaha!", sa malakas na tawa ni Misty natapos ang conversation namin tungkol sa aming dalawa ni Rhassel. Mga kung anu-anong bagay nalang ang napagkwentuhan namin habang naglalakad nang may pamansin kaming isang lalake na nakatayo at nag-aabang sa may pintuan ng classroom.
Fierce big black irises, perfectly chiseled nose, red captivating lips, plain cheekbones, brown hair covering some parts of his forehead and eye brows. Hands on his pocket, looking at the floor like nothing ever matters--Rhassel
Hindi ko alam kung paano ako mag-aact ngayon. Paano ba pag couple na? Kailangan ko ba siyang i-hug? O kaya tumakbo papalapit sa kanya? O ngingitian ko nalang?
Pinili ko nalang ang last option, ngumiti nalang ako sa kanya at dahan-dahan tinaas ang kamay ko, parang magwawave ng hand. Napansin kong pinipigilan niya ang tawa niya dahil napakagat niya ng labi niya at napatingin sa ibang side.
Alam kong wala akong pag-asang umarte. Nakakaasar lang minsan--lalo na sa mga pangyayaring ganito. Ewan ko lang kung matatawa ba ako, o maiinis sa kanya lalo.
”Well.sige, alis muna ako ah”, nag-chuckle si Lea at bumulong. "Ayiieee, ayan na yung prince charming mo. Sige byieee Princess hahahaha", at naglakad na ng mabilis si Lea.
BINABASA MO ANG
~THE EAVESDROPPING PRINCESS~
RomanceNag-umpisa ang komplikado at magulong buhay ni Tanya sa pag-eeavesdrop. Mahirap nga naman kasi na kumalat ang narinig niyang pinag-uusapan ng Heatthrob at Heartbreaker ng school nila--kaya naipit siya sa sitwasyong hindi na niya kayang labasan. Per...