Chapter 47.1

133 2 0
                                    

Chapter 47.1

[Rafael's POV]

"Wow ang cute naman nila!!!!!!!"

"Teka..Teka...may singsing na si Tanya s ring finger niya???!!"

"Syempre hindi naman siguro bracelet yon di ba?"

"Aray!! Loko ka Sieg a", sabi ko sa loko-loko kong kapatid.

"Inaasar mo kasi si Leah", pagtatanggol naman ng lokong to. Hindi ko alam na dito pala mauuwi ang kapatid ko Hahahaha. Pero, mabait naman tong si Leah dahil napagtyagaan niya ang kapatid ko kahit papaano. Simula nung sinet up namin si Tanya at Rhassel sa amusement park nagsimula na silang maging close, at sa huli--ganito na ang eksena. 

At eto ako--

Mag-isa, Walang partner. 

Pero, don't get me wrong. Masaya ako para sa kanilang dalawa. Kahit na talagang sinadya nila na magpadala ng picture nilang sweet na sweet samin. Siguro katatapos lang magpropose sa kanya si Rhassel. Sobrang saya ni Tanya sa picture, halatang gusto niya talagang ipakita yung daliri niya na may singsing. Nakakatuwa. 

Masaya na rin ako, dahil nakita ko siyang masaya. Kahit hindi ako yung dahilan. 

Marami pang dumating na pictures samin. May picture sila na kumakain, tapos mga cherry blossoms

"Si Tanya kumuha nito panigurado! Hahahaha!!", tawa ng taw si Leah habang tinitignan ang mga pictures. 

"Bakit?", tanong ko sa kanya. 

"Mahilig kasi siya sa cherry blossoms, gusto niya daw pumuntang Japan para lang makakita ng cherry blossoms, yon ang sabi niya samin dati--"

Biglang napulot ang kasiyahan ni Leah...

"Sabi niya...sakin dati"

Biglang tumahimik ang lahat, nga pala--si Misty. Naging malaking parte din si Misty ng kwentong ito. Nag-umpisa siyang kaibigan nitong dalawa, nag-umpisa siya bilang babaeng malapit sakin, ang dapat kong fiance, at sa huli, hindi rin naging maganda ang nangyari. 

Hinawakan ni Sieg ang kamay ni Leah at ngumiti siya, ganon din naman si Leah. "May pictures pa o, Tignan pa natin?"

"Sige", sagot naman ni Leah at hinawakan ulit ang tablet niya. 

Ang sumunod naman ay video.  

"Rhassel...", mukhang boses ni Tanya habang vinivideohan si Rhassel na kumakain ng ramen.

"Bakit Baby?", namumualan pa siyang humarap sa camera. Tapos rinig naman ang tawa ni Tanya sa pagmumukha ni Rhassel. "HAHAHAHAHAHA" pati kami tawa ng tawa sa namumualan niyang muka at gulat na gulat pa. 

Nilunok niya na ang noodles at sinabi, "Baby, video ba yan?" Bigla siyang nagpunas ng bibig. 

~THE EAVESDROPPING PRINCESS~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon