Chapter 27
(The eavesdropping princess’ POV)
Natapos ang weekends, at ngayon---may pasok nanaman. Kailangan ko ng harapin ang mga bagay na hindi ko maharap.
Ano, ano kayang mangyayari pagpasok ko?? Hindi ko alam.
”Anak, kaya mo yan.”, sabi sa akin ni Mama at nakangiti sa akin.
Ngumiti rin ako sa kanya, kahit hindi ko pa kaya, ayokong malungkot din ang nanay ko dahil sa akin.
”Ako pa Ma, sige po.”
At umalis na ako.
Dalawang araw na akong bangag, umiiyak. Pero, kailangan kong kayanin, malapit na kong maggraduate kaya kailangan ko ng magseryoso. Tsaka kahit takbuhan ko ang problema wala ring mangyayari.
Ako rin ang talo sa huli.
Sabi ko nga. I entrust him with everything. At kailangan ko iyong pangatawanan.
”Uy, nakita niyo ba si Rhassel Villa, ang sweet nila ni Ms. Misty no?”
”A—Akala ko ba sila nung babaeng scholar na taga 4-A”
“Psh. Wala lang pala iyon. Mag-fiance' na pala sina Rhassel at Misty.”
“Ano iyon, kalokohan lang iyong mga nangyari dati??”
”I guess so”
Ito ang ayoko sa lahat----murmurs. Chismis. Kasi lagi ako ang laman nito.
Balik nanaman ako sa itsura kong nakapig-tail, at dahil nga maga ang mata ko, pinili ko na lang mag eyeglasses. Mukha nanaman akong nerd.
”Good morning Tanya!!!”, bati sa akin ni Lea at kasama niya si Siegrain. Mukhang magkadugtong na tong dalawang to ah. ”Umuwi na si Misty-----” tapos long pause.
Si Siegrain na ang nagsalita, “Sandali Tanya, akala ko kayo ni Kuya Rhassel, pero nalaman kong fiancé' niya si Misty??? Ano bang nangyayari dito. Kahit si Kuya hindi nagsasalita.”
”I thought he loves you.”, bulong ni Sieg.
Yeah---I thought he loves me too.
“Hi Tanya!!”, ang boses na hindi ko alam kung kaya kong harapin. Ang boses ng bestfriend ko na--- fiance ng boyfriend ko.
Ay ayan, kasunod din niya si Rhassel. Sila na ang magkasama.
”Hello”, ngumiti lang ako ng matipid sa kanya. Mamimiss ko rin naman siya, pero hindi ko lang maatim na tignan ang lalakeng malapit sa kanya.
At hindi na umimik ang lalake. Napansin ko wala si Rafa ngayon. Buti yon para bawas muna sa sakit ng ulo. Teka----ano ba yong sinabi niya sa akin ? hindi ko na maalala. Ang sakit lang kasing isipin ang mga nangyari noong gabing yon.
“Honey, hindi ka ba maghehello sa bestfriend ko?”, tapos yapos sa braso nung lalakeng impakto.
“Sorry, Honey”, psh. Honey, Honey. May endearment na pala kayo.
“Hello.”, sabi lang niya.
“Hi”, ayoko ng magpakaplastic, hindi ko siya nginitian. Basta ayun na yon.
At nag-usap na sila. Blah Blah Blah. Para nga kaming epal lang ni Sieg at Lea. Nagtatawanan pa yung dalawa. Magkahawak sila ng kamay habang nakaupo doon sa tambayan namin.
Ang sakit pala ano------
Dati kami ang ganito, ngayon. POOOFFF wala na.
Malala sa bestfriend ko pa----
BINABASA MO ANG
~THE EAVESDROPPING PRINCESS~
RomanceNag-umpisa ang komplikado at magulong buhay ni Tanya sa pag-eeavesdrop. Mahirap nga naman kasi na kumalat ang narinig niyang pinag-uusapan ng Heatthrob at Heartbreaker ng school nila--kaya naipit siya sa sitwasyong hindi na niya kayang labasan. Per...