Chapter 24

368 9 2
                                    

dedicated to her :)). dahil sa madami niyang votes at makulit siyang reader. nakakatuwa ang kanyang feedbacks. It very much appreciated ^___^

Chapter 24

(The eavesdropping princess' POV)

Ang ganda naman ng paligid

Kumikinang, ang daming pagkain , at magagandang tao

Pero ang isa lang na umaangat ay ang mukha ng lalakeng pinakamamahal ko.

Si Rhassel.

Papalapit ako ng papalapit, pero may nakita akong isang babae—

Hindi ko makita ang mukha niya, pero mukhang masaya sila.

Nagyakapan na sila, at iniwanan akong mag-isa na parang hangin lang ako.

“Ay Shemay ano ba yang iniisip mo Tanya!!”, sigaw ko sa sarili ko.

Naalala ko iyong panaginip ko kagabi.

Badtrip lang. Pagkagising ko, umiiyak ako eh.

Ang saya pa naman ng araw na iyon para sa akin. Dinownload ko pa talaga ang kanta ng You and Me ng Lighthouse dahil--

KYAAA!! Hindi pa ba halata kung bakit?

Ay may pinabibili pa pala sa akin ang magulang ko. Ano ba naman yan.

Naglalakad ako papunta sa palengke at ang ganda ng araw. Kamusta na kaya si Rhassel ngayon?

“Miss”, nagulat ako ng may isang nakakatakot na lalake na lumapit sa akin. Mukha siyang bouncer sa isang bar. Hinawakan niya ako sa braso

Hindi lang isa, apat pa sila.

”Ayoko!! Hindi nyo ako kilala!! Tulog !! May mga kidnappers!!”, sigaw ko baka sakaling may tumulong sa isang katulad ko.

Pero wala akong nagawa, hinatak nila ako at tinakpan ng panyong may ammonia at wala na. Black Out.

Pagkadilat ko.

Hinihiling ko na sana panaginip nalang din ung kanina, sana hindi nila ako ipagbenta o gawan ng masama. Ay nako ang dami ko pang pangarap, gusto ko pang makapagtapos ng pag-aaral, pakasalan si Rhassel, magkapamilya kami.

Tsaka tsaka, hindi ko pa natutupad ang last wish niya.

Ano kaya ngayon ang hihilingin niya?

“Hello Tanya!!!”, sigaw nung babaeng nakatingin sa akin.

Teka, bakit parang pamilyar naman ata ang mukha nito.

“PRINCIPAL!!!”, sigaw ko.

“Hay, wag ka namang sumigaw… nakakabingi ah,”, sabi ni Principal.

Gulay? Si principal ba talaga to? O nagpapanggap lang na si Principal?

O dahil epekto to nung pinaamoy sa akin ng mga bouncer na iyon.

“Asan po ako, Anong nangyayari??”, sabi ko.

“HAHAHAHA!!”, ang lakas ng tawa niya, parang nakakatakot na basta ewan. “May nakalimutan ka ata… na dapat ninyong puntahan ni Rhassel.”

Nakalimutan ? Ano kayang nakalimutan ko…

Pupuntahan? Sorpresa kaya nanaman to ni Rhassel?\

”MAIDS!! AYUSAN NA SIYA, MAY PARTY PA SIYANG PUPUNTAHAN!!”

~THE EAVESDROPPING PRINCESS~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon