Chapter 7

536 13 0
                                    

Chapter 7

(The eavesdropping princess' POV)

So...Eto ako, si Tanya Marquez...

Naglalakad sa kalsada na nakatsinelas, nakasuot ng bulgy na t-shirt at shorts na mukhang pambahay.

 

Sa sobrang galit. Hindi ko napansin na mukha na kong bangag sa kalye, iyong parang napag-iwanan ng panahon parang iyong kulang nalang ang grasa sa mukha at lata.

Pero kahit na. Ayoko ng bumalik sa lugar na iyon!!!

Oo. hindi na talaga ako babalik sa buwisit na bahay na iyon, at makita ang lalakeng un.

Hindi ko akalaing nagkagusto ako sa taong ganun. Hindi mo nga talaga masasabi kung sino at anong ugali ng tao ang magugustuhan mo.

Ang sakit sa ulo ko at sumasakit na ang paa ko.

Naupo ako sa harapan ng isang restaurant. Wow ang sasarap tignan ng mga pagkain. Parang nakakatuksong pumasok at kumain. 

Naalala ko sina Lea at Misty. Kasi, dito nila ako unang nilibre.

Naramdaman ko ang luha ko sa pisngi ko. Hay, sana nandito silang dalawa para may karamay ako. Dadalhin nila ako sa boxing gym,para idikit ang picture niya sa punching bag at sasapakin naming un ng sabay sabay. Tapos sisigaw sigaw kami na parang baliw. Kakain kami ng kakain. Siguro kung nandito si Misty hindi ko na mapipigilan na masabi sa kanya ang mga nangyari. Namiss ko tuloy siya bigla. 

Naisipan kong tawagan si Lea para masundo ako dito. Kinapkap ko ang phone ko sa uniform ko.

PALAKAAA!!! Hindi nga pala ako nakauniform at wala dito ang phone ko sa bulgy na damit na ito. Iyong phone ko--

Bakit dun ko pa naiwan????????

Anong gagawin ko. Hala, maapakan naman ang pride ko nun pag bigla akong sumugod sa kanila para kunin ang phone ko. Pagtatawanan siguro ako ng lalakeng iyon. Ganoon ang nakakairita niyang ugali. 

~THE EAVESDROPPING PRINCESS~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon