Chapter 29

334 9 5
                                    

Chapter 29

(The Heartbreaker’s POV)

Inuwi ko na si Tanya si bahay nila. Tulog pa rin siya kaya naman binuhat ko siya at pumasok sa loob.

Gulat na gulat namang nakatingin sa akin ang mama niya.

“Tita—nakita po ko si Tanya sa park na walang malay.”, sabi ko.

“Salamat Rhassel pakihiga nalang siya sa may sofa.”, sabi naman ng nanay niya.

Hindi na katulad ng dati. Hindi na siya masayang masaya pag nakikita ako. Dati nakakausap ko pa siya, at malaya akong nakakapunta sa bahay nila. Siguro, alam na ni Tita ang mga nangyari—at oo, sa tingin nila ang sama ko, at parang wala lang sa akin ang lahat. Pero ang totoo, ang nararamdaman ko ay kabaligtaran noon.

Nakahiga na si Tanya doon sa may sofa. Tinitignan siya ng mama niya at hinahaplos ang mukha nito.

”Tita sorry po.”

”Huwag ka sa aking mag-sorry. Si Tanya ang dapat makarinig niya. Mahal na mahal ka ng anak ko. Pero, sana huwag kang makonsensya---alam ko namang may nakatakda na sayo. Sana hindi na mangyari ang ganito.” sabi ng nanay niya ng nakatitig ng mabuti sa akin, tapos lingon agad kay Tanya.

”Aalis na po ako.”,

”Sige.”, tipid niyang sagot.

Sumakay na ako ng kotse at humarurot na pabalik. Bwsit!!! Kung pwede lang ipabangga ko ang sarili ko dito. Hindi, hindi pwede—marami pa akong dapat gawin, kaya kailangan kong mabuhay. Tumutulo ang mga luha ko. Masakit ang mga nangyayari. Kahit yung mama niya. Wala na rin. Pakiramdam ko ayaw na niya akong makita, o kung pwede patayin nalang ako sa kinatatayuan ko. 

Mahal na mahal ko po si Tanya. Totoo po ang mga sinabi ko noong unang punta ko dyan at tinanong niyo ako. Mahal na mahal ko po siya.

Dahil dito sa walanghiyang engagement na yan!!! At sa bwisit na dinner na yan!!! Even that Misty. Parang gusto ko silang sigawang lahat. Sila!! Sila ang dapat sisihin dito, pero. Bakit ako ang nagdurusa??

Wala rin...Kahit alam kong ako ang naiipit, ako rin naman ang kasalanan kung bakit hindi ako nakaalis nong una pa lang.  

“Hi Rhassel. Nako ang saya namin na pumayag ka na sa engagement, even your family agrees.”, ngiti sa akin ng mama ni Misty. So we are eating here in a five-star restaurant. As always wala si Mama. 

Honestly, My mom is really strict when it comes to contract and decisions. Kaya nga mahirap silang kausapi  at kumbinsihin. Alam niyo na kung saan ako nagmana. My mom, they say is kind of scary. Ganoon din naman sa pananaw ko, pero she listens to me. Hindi ko lang alam kung bakit siya nakinig dito kay Misty. Psh. 

”Yes po. Hindi ko lang po alam kung anong nangyari.”, tipid kong sagot.

Gusto ko nga rin pong itanong yan sa mama ko, pati kay Misty—pero lagi siyang hindi macontact. Talaga bang wala siyang pakialam? Puro business nalang iniisip niya. 

”So Misty how’s school??”, intriga ng mama niya. At ayan na po. Nag-usap sila ng kung anu-ano at ako, dahil gutom ako sa kaiiyak. Kain lang ako ng kain. Wala akong pakealam sa kanila. Pag tinatanong lang nila ako tsaka ako sumasagot.

”Sorry tito, tita I can’t continue this wedding---this freaking nonsense”

Yan ang gusto kong sabihin kani-kanina pa. Pero hindi, my mom agrees with it. At sa tingin ko nagsasabi si Misty ng totoo, dahil kung nakarating kay Mama na may rumors na hindi niya alam at hindi pala totoo malalagot siya, Misty and her family can’t afford that.

So, I can’t back-out without the consent of my mother.

Like I said---What you said is recorded, motto ng nanay ko.

At alam niyang okay ako kung ganito man ang mangyayari--pero ngayon iba na. Nagbago na. Psh.

Sa wakas at natapos na rin ang dinner na ito.

“Sir, Maam, may I talk to Misty in private.”, straight kong pagpapaalam.

Nakatingin lang ang dalawa sa akin at ngumiti.

”It’s okay. Ihatid mo lang siya. We still have appointments to do, kaya hindi naman siya maisasabay.”, sabi ni Tita.

At tumango nalang ako.

Umalis na ang nanay at tatay niya. At kami naman ng babaeng ito. Walang nag-iingay. Hindi, Hindi pwede!! Kailangan ko na siyang makausap. Pumasok na kami sa loob ng sasakyan ni Sieg.

”So what’s your plan. You even went to my mother’s place”, I said, while looking straight ahead. I am still not driving dahil baka pag inatake ako ng mood swing ko ibangga ko ito.

I heard an evil chuckle from my side.

“You’re really great Rhassel. Hm alam ko namang hindi ka makakatanggi dahil pumayag ang Mama mo. But I guess this will be favorable to you--”, nagulat ako ng hinawakan niya ako sa braso at hininaan niya ang kanyang boses. "You're okay with this right?"

“That was before. And I truly love someone now.”. I glared at her. At kahit siya napausog. Don’t mess with me, lalo ngayon—baka iwanan kita sa gitna ng highway at hayaan kang umuwi mag-isa. She voluntarily removed her hands.

“Haha. I know—nainlove ka kay Tanya. Actually she is a good girl. She’s smart and kind of cute, pero she’s passive. Nagkakagusto ka na pala sa ganyang type.”

Yes—Tanya is passive. Siya iyong nahihirapang sabihin ang mga nararamdaman niya. That’s why I hated her before, nagpapaapi siya, lalo na doon sa mga babae doon. Kailangan pa siyang ipagtanggol. Pero, as time goes by---I understand that behind those unspoken words are true feelings. And Misty is the opposite of that.

“So why do you care. I love her. That’s it”.

Misty is frank and brave. Walang nakakaapi sa kanya. She’s articulate. Magaling siyang mag-isip at talagang maganda siya.

“But sorry you’re tied to me now.”

“Stop this nonsense Misty!!!! Ayokogn magpakasal sayo do you get it!!!Si Rafael!! Kay Rafael ka---”

“Si Rafael!!??? Tignan mo si Rafael!! Ano bang pakialam niya??!! Sigurado ako--”, narinig kong nanginginig ang boses niya. “He doesn’t care! Busy siya sa mga babae niya!!”

“Why freaking tell her Misty!!!”

“It’s not about telling---this is about revenge. Parehas lang tayong nakatali sa ganitong sitwasyon. Ayoko na kay Rafael. Wala siyang kwenta. Yan ding kaibigan ko, aba’t pinag-aagawan niyo pa siya ah.”, then she laughed like a witch.”Kaya naman---I will never lose this. Tatapusin ko ito. At ako—lahat ng plano ko matutupad. Sorry to be dragged baby, but you know I like you. So, it’s fine with me.”

Author's note:

Hi people ^__^. Muli salamat sa lahat ng nagmamahal sa the eavesdropping princess :)) . Thank you. Pasukan ko na sa Monday. Weird no?? Tapos wala nanaman sa 12 tapos pasok nanaman sa 13 hahaha. Ganyan ang Diliman eh, ^__^.

Thanks.

*sweettrigger*

~THE EAVESDROPPING PRINCESS~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon