Chapter 17.1

439 9 0
                                    

Chapter 17.1

(The eavesdropping princess' POV)

“Pasensya ka na sakin kung lagi kitang pinagtatabuyan palayo”, tingin niya sakin pagtigil namin, ang lalim ng mga hinga niya--

Ngumiti nalang ako. I'm speechless. Parang kinain ng mga fluttering butterflies ang capacity ko in speaking. KYYYAAAA!!!

“Tanya!! Tanya!!”, sigaw ng nanay ko.

“Bakit po Ma?", mukhang na-voice out ko yung daydreams ko. Hala. Nabulabog ko pa tuloy si Mama. 

“Ayos ka lang ba? Ba’t ka sumigaw?”, nag-aalalang sabi ni Mama. 

“Ah e. Nakakita lang po ng ipis", sagot ko sa kanya 

”Nako po, kala ko kung napano ka. Sige na pahinga ka na. 9 PM na o. Good night", bati ni Mama pagkasarado niya ng pinto ng kwarto ko. 

”Sige po. Good night din Ma”, ngiti ko sa kanya. 

Ba’t ba kasi hindi ako makaget over hah? Hanggang ngayon flustered parin ako pag iniisip ko ang mga nangyari!

Wait nga lang---

Ang mga bading ba humahalik ng babae?? Teka nga!

Baka naman friendly gesture lang nila un? O kaya naman--

Ako naman nagpadala!! AAAAAHHH! ANO BA TANYA!! AYAN KA NANAMAN E!

Pero hindi e--sabay hawak sa labi ko. Bakit ganun, bakit may naramdaman akong kakaiba, kung peke ba un, may spark parin ba? Parang ang honest kasi non. Hindi ko alam. Naguguluhan ako!!

(The Heartbreaker’s POV)

Habang nakatingin sa mga stars sa langit--

Hinihintay ang tamang oras--Masyado lang akong maiirita sa loob dahil nakikita ko ang tingin ni Rafael kay Tanya. Parang gusto niyang ulitin yun ulit--Naiinis talaga ako. 

At habang inoobserve ko ang sky nakakita ako ng isang shooting star. 

Sabi nila kapag nakakita ka daw ng shooting star, pwede kang mag-wish. Iniisip ko dati na pangbata lang ang mga ganoong bagay, pero gusto ko lang subukan--

"Sana magkaroon ako ng courage to be honest in front of her. I want to tell her I want to feel"

Nagulat ako ng biglang may nagbukas ng pinto, parehas ng yabag ng paa.

“Ba’t ka nandito?”

“Tapos na ung scene ko eh”

I suddenly felt the fast beats-- 

Ever since na makita ko ang letter na un, nakaramdam ako ng saya at gustung-gusto kong makilala kung sino talaga ang nagsulat nun.

Iyon ang tumulong sakin, pra marealize ang maraming bagay-bagay--

Kaya bigla kong naalala ang babaeng nasigawan ko. Alam kong hindi siya ang nagsulat ng letter. Ang masama nga lang nabaling ko kay Ms. Nerdy, na si Tanya. Simula noon, hindi ko n siya maalis sa isipan ko, lagi ko nalang siyang binabantayan---kahit na sa malayo. Conscience? I don't think so. It's somehow a connection. Ewan ko ba. Pero hindi pwedeng magkalapit--kasi, hay. It's so hard to explain. 

Nalaman ko lang, na ganoon din pala ang ginagawa niya sa akin. Sa matagal na panahong iyon, parehas kaming dalawang nakatingin sa isa't-isa ng hindi namin alam. Naghahanapan pala kaming dalawa sa mga panahong iyon. Akala ko talaga isusumpa niya ako tulad nalang ng mga babaeng nasisigawan ko, pero hindi pala---

Mahalaga parin sa kanya ang mga alaalang iyon. At natutuwa naman ako dahil doon.

At naconfirm ko lang sa ferris wheel na siya pala talaga yun--

Sa kanya rin ako nangingiti, na kahit may mood swing ako, magaan parin ang loob ko, kaya nung pinakilala ko siya sa school bilang GIRLFRIEND KO, gusto ko na maging makatotohanan

 Kaya bumili ako ng book na “HOW TO MAKE YOU GIRLFRIEND HAPPY”, tsaka nanood din ako ng mga kasuka-sukang romance movies

Baliw na kung baliw. Hindi ko rin naman alam kung ano sa sarili ko--

Ang sakit naman sa ulo, dagdag pa tong si Rafael--Pero sabi ko dahil nandito na rin siya. Gusto ko ng sabihin sa kanya lahat ng mga bagay na ito. Gusto ko ng maging honest sa sarili ko. 

Ang babaeng natutuhan kong magustuhan--

At mahalin..

” The door open and I see you…”, nirecite ko sa kanya ang poem na un, dahil hanggang ngayon kabisado ko siya, may photographic memory ata ako eh.

Napansin kong napatingin siya sakin. Siya talaga..ang ganda niya. May sarili siyang ganda na hindi ko maipaliwanag pag tumitingin ako sa kanya, bigla nalang nagiging masaya at magaan ang pakiramdam ko. Parang hindi ako ung gloomy na tao dati.

Hindi ko rin naman napigilan ang sarili kong panatilihin ang 2-METER distance namin.

 Kaya lumapit ako sa kanya. Hindi ko alam ang kinikilos ko, ganito ba talaga..

”Irecite mo sakin... gusto ko ikaw magsabi nung nakasulat nun”

”Kaya ko nga sinulat dahil hindi ko masabi sayo di ba??”,

”Please..”,

Kaya naman nirecite niya sakin, noong siya na ang nagsasalita. Parang naging mas maganda Naramdaman ko ung feelings niya sa bawat word na sinasabi niya, nagiging magandang kanta sa pandinig ko iyong irerecite niya.

Tanya.

”Ba’t ka tumigil.. continue...”

At pagkatapos niya--

”Why haven’t you notice that I’m just there, looking at you always.. Huh? Why can’t… you… see… behind all my retorts.. they are.. just .. mood swings…”

Yan ang gusto kong sabihin sa kanya--- totoo na isa akong MOODY na tao, pwede niyo na ring sabihing BIPOLAR at SUPLADO. Kaya naman nahihirapan akong iexpress kung ano bang nararamdaman ko. At paminsan pag natatarayan ko siya, sumasabay itong si Tanya, kaya hindi kami nagkakaintindihan.

”Rhass---”

I kissed her...

And I was thrilled when she hugged me and kissed me back..

I touched her face, and kissed her passionately…

I felt happiness and joy and something like a spark..

”Tanya..”, hinawakan ko ang labi niya..

Pasensya ka na sakin kung lagi kitang pinagtatabuyan palayo”, sabi ko.

 Ngumiti siya sakin--

Siguro nga ang manhid ko--- naunahan ako ng mga ugaling iyon kaya hindi ko nakita ang mga dapat kong makita. Habang tinitignan ko siya, ang bilis parin ng tibok ng puso ko and heaven knows that I am feeling something wonderful for this girl and there's a tendency that I couldn't stop myself from wanting her. So----

”Tignan na natin sila sa baba”, inalalayan ko siya sa pagtayo

Tumango siya..

“Hey..”

“What?”, sabi niya..

“nevermind..”

At hindi na ko nagsalita..

Bukas... I will make that day special. I will let her hear the words I LOVE YOU.

~THE EAVESDROPPING PRINCESS~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon