Chapter 13
(The eavesdropping princess' POV)
Nag-shed nanaman ako ng luha--dati sabi ko sa sarili ko hindi ko na ito gagawin lalo na kapag tungkol sa kanya at lalong lalo na sa harapan niya.
Pero sigruo mas mabuti na rin ito. I think it's something for the better--
Pagkatapos kong magkwento, nakatungo lang ako. Hindi ko alam, pero feeling ko ang tagal ng ikot ng ferris wheel na ito.
”Wag ka na ngang umiyak”, narinig kong sabi niya sa akin.
Hinawakan niya ung kamay ko na nakaposas sa kanya pagkatapos pinunasan niya ang luha ko gamit yung free hand niya.
Nagulat ako, at napatingala. Nandito nanaman ang fast heartbeats at fluttering butterflies--
Ang lapit na ng mukha ko sa kanya. Sa totoo lang kinakabahan ako, hindi ako sanay na ganito kalapit ang mukha niya sa mukha ko.
Pagkatapos, bigla nalang akong natigilan sa pag-iisip dahil tumatawa na ng mahina itong kasama ko. Parang wala lang ung pagka-emo ko kanina, wala talagang pake sa akin ung impaktong to?
Hinawakan niya ang cheek ko at tumawa, "Hahahahahaha. Yung pisngi mo parang kettle na pinapakuluan hahahahahaha"
"Hay ewan ko sayo", sagot ko sa kanya.
Nakangiti niya. Nakakabigla dahil parang sincere yung ngiti niya. Ngayon ko lang siya nakita ng ganito--kaya parang--ang saya kahit na dramatic naman yung shinare ko. Pero parang downside pa rin, hindi ko kasi alam kung appreciation ung tawang sa reaction niya o mocking--Hay.
Tumigil na iyong ferris wheel.Buti naman at nakababa kami. Feeling ko mas sasabog pa ako kung mastustuck pa kami don ng mas matagal.
Sa pagbaba namin, ngumiti sa amin yung isang staff ng amusement park. "Ma'am and Sir, naenjoy nyo po ba ang couple's time ng ride na ito"
"Ano yon Miss?", tanong ko naman sa kanya.
"Kasi po--talagang pinatagal yung pagikot ng ferris wheel para sa inyo--este para po sa lahat ng couples na nakasakay sa ride", nagsmile siya sa amin.
"Tara na", sabi ni Rhassel na walang pakialam sa sinabi nong staff. Naglakad siya papalayo kaya ayon nadadala nanaman ako--pero hindi na niya ulit ako hinatak katulad ng kanina. Buti naman.
Nakatingin ako sa likod niya. Kahit nakaposas kami parang ang layo niya parin sakin. Lagi akong nasa likod niya, hindi niya napapansin. Hindi pa rin nagbabago ang sitwasyon namin 3 years ago--It feels like I'm just chasing the wind.
"Tanya", nabigla ako sa pagtawag niya sa akin. Para kasing bihira ko lang naririnig yon na galing sa kanya, at marahan pa niyang sinabi ang pangalan ko. Tumigil siya sa paglalakad at hinatak niya ako ng kaunti--at naging magkatapat na kami. Sabay na kaming naglakad--yung parang normal lang na namamasyal sa park.
"Bakit ka ba kasi laging nasa likod?", tanong niya sa akin nang nakatingin sa malayo.
"Ikaw kasi", buntong hininga ko, "Lagi mo kasi akong hinahatak, hindi mo iniisip na may kasama ka"
"Sorry", tumigil siya at tumingin sa akin. Masyadong heavy at meaningful ang mga tingin na yon--masyadong maraming sinasabi, pero parang mahirap pa rin i-grasp--
"WAAAAAAAAAAAAHHHHH!"
Napatingin kaming dalawa sa kung saan nanggagaling ang ingay.
”Sakay tayo don!”, sabi ko sa kanya.
”Ayaw”, he answered plainly.
”Sige na", pagpupumilit ko naman.
”Pinagbigyan na kita sa ferris wheel"
BINABASA MO ANG
~THE EAVESDROPPING PRINCESS~
RomanceNag-umpisa ang komplikado at magulong buhay ni Tanya sa pag-eeavesdrop. Mahirap nga naman kasi na kumalat ang narinig niyang pinag-uusapan ng Heatthrob at Heartbreaker ng school nila--kaya naipit siya sa sitwasyong hindi na niya kayang labasan. Per...