Chapter 35

332 7 4
                                    

Chapter 35

[Tanya's POV]

Hindi ko nalang sinagot si Rafael dahil sa loob ko, hindi ko alam ang sagot.

Dahil sa puso ko si Rhassel pa rin.

Pero masaya ako, dahil may kaibigan na akong katulad ni Rafa. Dati hindi kami magkasundo, siya ang nag-umpisa ng lahat ng kalokohang ito!!. Kaso, sa huli, siya pala iyong tutulong sa akin at magcocomfort sa akin.

"tara na nga!! Kailangan natin silang harapin!! Kain na tayo sa cafeteria!!", sigaw siya ng sigaw. Parang may topak si Rafa ngayon ah!!

"Ayos ka lang ba Rafael??", nabuo ko tuloy pangalan niya.

"Yep. Tara na ^__^", kaya binatak niya ako papalabas. Mas mabuti yon, kesa naman magkasama kami dito with awkward silence.

Naglakad kami papunta sa cafeteria, pero ngayon ala ng murmurs, ngumingiti na sa akin iyong tatlong girls. Sa pagkakaalala ko si Arianne, Marie, at Carla.

"Hi Tanya", bati nila sa aking tatlo. At dahil doon wala ng nagbubulungan ng malakas pag naglalakad ako. At mayroon na rin akong dagdag na kaibigan.

"Tara lunch kayo kasama namin.", aya sa akin ni Arianne. Buti nalang inaya niya ako, dahil nung nakita ko silang dalawa doon kasama sina Sieg at Lea. Parang nailang lang ako.

Mas mabuti na ako nalang muna iyong lalayo. I trust him. So kailangan kong tatatagan ang sarili ko.

Nakijoin na rin si Rafa sa akin. Kumain kami kasama nila. Masaya rin pala silang kasama, puro kami tawanan dun na parang ewan. Namiss ko tuloy nung kami palang nina Lea at Misty. Sana ganoon nalang, hindi katulad ngayon. May puwang na.

Kahit sa kaunting panahon, napapangiti nila ako. Nagjajamming pa nga kami dito ng kanta eh. Hahahahah!! Alam niyo ba iyong kanta, hmmm.

The one that got away?! Parang ewan lang. tapos pinakakanta nila ako.

"Ang daming tao. Nasa cafeteria pa tayo."

"Sige na Tanya.", pilit nung isa.

Si Rafa naman nakangiti. Narinig niya na akogn kumanta, kaso walang kwenta un. Naalala niyo ba ung Sing a Song??. Ayun lang. Pero ngayon ang drama na.

Well, bahala na.

Kumanta na kami nung one that got away. Maganda ang boses ni Carla, tsaka si Marie, si Arianne parang gumagawa siya ng beat dun sa bangko. Tapos sumabay na ako sa chorus.

In another life

I will be your girl

We keep all the promises be us against the world

Parang tumahimik ata. Hindi ko alam, kasi ang mga mata ko nakatingin lang sa kanya. Kay Rhassel, kitang-kita siya sa pwesto ko. Nandoon lang siya nakatingin sa akin. May luha sa kanyang mga mata. Pinipigilan niya iyong tumulo, pero nangungusap ang mga mata niya.

In another life

I will make you stay

So I won't have to say that you're the one that got away.

Biglang nagpalakpakan iyong mga tao sa cafeteria. What?! Napalakas ba?, nakatingin lang sa akin ang mga tao. Hindi ko alam kung matutuwa ako, dahil nakapako lang ang tingin ko sa kanya. At papalapit siya sa akin ngayon.

"Ang galng!!!!"

"Yehey!!!"

Patuloy na sigawan ng mga tao. Pero, parang wala akong naririnig. Sa amin lang ang mundo ngayon. Si Rhassel, I really love him, kahit na alam ko na he's engaged.

I don't know, but I am sensing something in his eyes. Love ba yun, o hallucination ko lang iyon. Basta masaya ako na siya ang nakikita ko ngayon.

"Tanya", pinilit niyang ngumiti at hinawakan niya ako sa balikat ko. "Ang galing mo."

"Thank you", ngumiti nalang ako sa kanya.

"Wish we could catch up next time. Kailangan ko lang siyang makausap", tumingin siya sa katabi ko. Kay Rafael. Ang mga mata nila, parang may gustong mangyari.

"Sige.", tumayo si Rafa at tinitigan si Rhassel with an equal stare. Tapos ngumiti siya sa akin. "Mag jamming muna kayo dito ah"

"Sure.", sabi ko. pero may nangyari, hindi ko napigilan na hawakan ang kamay niya. Walang nakakakita noon, dahil may mga nakaharang.

Ang kinatuwa ko, ay hindi niya ito binitawan. Hinawakan niya ito ng mahigpit. At napansin ko na ngumti siya. Na nagpangiti rin sa akin.

Ito ba, ang sinasabi niya na Trust me with everything.

Rhassel.

~THE EAVESDROPPING PRINCESS~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon