Chapter 22

368 8 4
                                    

Chapter 22

(The Heartthrob’s POV)

Umuwi na si Cana, aba mukhang naiisipan na ng mga tao umuwi--Hay

Naalala ko tuloy ung mukha ni Tanya kanina nung nakita niya na ganoon ang reaksyon ni Rhassel ng makita niya si Cana. 

Parang ang lungkot lungkot niya at nasaktan siya dahil nakita niya ang mga pangyayaring yun.

Hay, Tanya.... paano nalang kung dumating na talaga siya, kakayanin mo pa ba ang makikita mo? kakayanin mo bang harapin ang mga susunod? kaya mo pa bang mapatawad kaming lahat?

Pasensya ka na Tanya...dahil sa amin masasaktan ka. Masakit--ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong sakit para sa ibang tao. 

Siguro minumulto na ako ng konsensya ko sa mga nagawa ko. 

Ngayon lang din ako nagwish na sana masaya ang isang tao. Kahit maraming nakalibot sa aking babae, parang hindi ko pa rin nararamdaman ang ganoong feeling. 

Naiintindihan ko na--kung bakit nagkaganito si Rhassel. Ito pala ang pakiramdam non. 

Gusto kong mkausap si Rhassel kaya pumunta ako sa condo niya. Nakaabang ako sa harapan ng pintuan nito. 

“O bakit ka nandito Rafael?”, tanong niya sakin.

"Gusto lang kitang makausap", sabi ko sa kanya ng seryoso. Tinignan niya rin ako ng mabuti pagkatapos in-enter na niya ang passcode niya. Pumasok na kami sa loob. 

"Nalungkot si Tanya kanina. Para siyang depressed nong naabutan ko siya. Magkayakap daw kayo ni Cana"

"Nagulat lang ako nong dumating si Cana...akala ko tuloy kung sino. Nagalit pa nga ako sa kanya nong bumalik na yung senses ko", sinabi niya sa akin pagkatapos tinakpan niya ang mukha at tinapik ang mga pisngi niya. 

"Alam ko Rhassel...yung tungkol kay..."

"Wag mo ng ituloy Rafael. Hindi kita i-cocondemn dahil sa mga nangyari", sagot niya sakin. Pero alam kong sa loob niya sinisisi niya ako sa lahat ng paghihirap niya. 

"Alam mo ba, nalulungkot ko. Ngayong nakikita ko kayong masaya pagkatapos kung iisipin natin yung mangyayari sa future--parang ayokong makita ka...lalo na si Tanya ng ganoon"

Napatingin siya sakin. Matapang. Alam ko na ang iniisip niya. Mukhang nalaman na niya ang nararamdaman ko. 

"May tanong ako Rafael..."

"Ano?", sagot ko sa kanya. 

"Bakit mo sinabi kay Tanya na bading ako? At may kung anu-ano ka pang sinabi sa kanya.", hindi niya inaalis ang tingin niya sakin. Ang matapang na tingin na yon. Pakiramdam ko parang sasapakin na niya ako ng wala sa oras. 

"Kasi...", napaisip din ako kung bakit ko ginawa yon. Napabuntong-hininga ako. Parang nahihiya akong sabihin sa kanya, pero siguro maganda na rin na aminin ko na sa sarili ko at kainin na ang lintik kong pride na to. "Gusto kong bumawi sa mga nagawa ko"

"Si Tanya. Mahal ko si Tanya. Nilalayuan ko siya dahil ayoko siyang masaktan kapag dumating na ang panahon na to Rafael. Yung panahon na pagbabayaran ko ang kasalanan mo"

Hindi na ako umimik dahil totoo yon. Totoo na kasalanan ko ang paghihirap niya. 

"Pero mahal ko si Tanya, Rafael. Kung mangyayari man yon, pwede bang wag mong pababayaan si Tanya", Tumingin siya sa glass window niya. "Alam kong nararamdaman mo, pero ako naman ang magbibigay sayo ng boundary Rafael. Gagawin ko ang lahat para sa kanya. Ang hiling ko lang, kung masasaktan ko man siya sa mga panahon na yon, huwag mo siyang pababayaan."

"Rhassel, ginawa ko yon para mapalapit kayong dalawa ni Tanya. Gusto kong makasama mo ang taong sa tingin ko ay nakakuha na ng atensyon ng first year pa tayo. Hindi ko akalain na ganito pala ang kahahantungan"

"Ito nalang ang favor na hinihingi ko sayo Rafael, kung gusto mo ng bayad sa mga ginawa mo. Sundin mo nalang ang sinabi ko."

"Isang linggo nalang...sabi niya sa isang message", sabi ni Rhassel. "Isang linggo ko nalang pwedeng makasama ang babaeng gusto kong pakasalan."

"Sorry"

"Wag ka ng mag-sorry. Baka humiling na ko ng bagay na hindi mo kayang gawin", sa boses niya alam ko ang ibig sabihin nya. Ang bagay na ayokong gawin--ang bagay na napilitan siyang gawin. 

Tinakpan niya ang mukha niya at narinig ko nalang nalang ang mga sob niya. 

Umiiyak siya. 

Ngayon lang siya naging ganito sa harap ko. 

Sorry Rhassel. Sorry. Alam kong ang laki ng kasalanan ko sayo. Pero--wala akong magawa. Sorry. Kahit ilang sorry ang gagawin ko, wala akong magawa. 

Tanya. Lalo na sayo...Sorry. 

~THE EAVESDROPPING PRINCESS~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon