Chapter 14

454 12 7
                                    

Chapter 14

 (The eavesdropping princess' POV)

“4th year students please proceed to the auditorium”

Isang sudden announcement ang nangyari ngayong araw na to. Hindi naman inexpect dahil wala namang notice beforehand. 

 “Hi friend”, tawag sakin ni Lea. Magkaiba kami ng section ni Lea 

“Alam mo ba kung anong pakulo ng school?”, tanong ko sa kanya

Umiling siya, “Hindi eh. Hay, ewan ko ba… ”

Kaya naman naglakad kami papunta sa auditorium, obviously, kasama dapat namin si Rhassel at si Rafael

Pero, Teka--walang nagkakagulo, walang mga babaeng nagtitiliian?

Isa lang ang ibig sabihin nito--

WALA PA SILA! YEHEY!!! Hindi pa masisira ng maaga ang umaga ko.

”Ay wala pa dito ang mga prinsipe”, sabi ni Lea habang nagbubuntung hininga

Sabihin mo wala ang prinsipe at prinsesa HAHAHAHA. Pero ngayon naging mas magaan nga ang loob ko at nailabas ko na rin ang sama ng loob ko. 

“Ano yang iniisip mo dyan Tanya”, pitik niya sa harapan ko, “Tsaka wala din dito ung kamag-anak nilang cute, ano ba naman yan.”

Wala si Siegrain dahil 3rd year palang siya. Hay, sayang naman. Hala! Ano to? Aba talagang may crush talaga ang friend ko kay Sieg--YIIIIIIEEEEEEEE!!

“Wow! Wala akong kausap? Ano to lahat ng reaction mo sa utak mo lang sinasabi? Ayaw ishare?”, sabi naman ni Lea habang natatawa sa mga sinabi niya. 

"Hahahahaha! Sorry sorry! Masaya lang ako", sagot ko naman sa kanya. 

“Students---”, boses ulit na nanggaling sa speaker

Naputol ang usapan namin ni Lea

”The school will be having its founding anniversary, and the 4th year students are assigned to perform something for that day”,

Woooaaahhh!!! I remember, every year ganun talaga. Hay, sign na to na aalis na kami ng school. Kahit ganito mamimiss ko ang high school life kong nakakaloka!!! Kahit na inapi-api ako, nasaktan, nasigawan, nabully, nahalikan ng biglaan ng isang lalakeng gusto ko na ayaw sa akin, dinare ng isang palakang casanova, pero kahit na--- marami akong natutuhan, at may mga kaibigan naman akong tunay, tulad ni Lea at Misty.

So, tumayo na ang Batch President at siya na ang nag assign ng gagawin, napagdesisyunan na play ang gagawin namin. 

"Cinderella ang gagawin natin for the presentation", announcement ni B.P as in Batch President.

"Ano ba yan B.P! Commom na yun e!", sigaw nung iba naming batchmates pero naputol ang usapan niola dahil nag-emote si B.P habang nagdidialog sa harapan. 

"And I would like to emphasize-- CINDERELLA WITH A TWIST!"

Pagkatapos non nagturo-turo na si B.P kung sino ang mag-aact at mga tasks na kailangan gawin backstage tsaka iba pang kailangan for the play. 

“Tanya Marquez, you will be one of the mean stepsisters”, turo sakin ni B.P. 

Hala! Ako!? Ang fake ko kayang mag-acting!  Hindi ko talaga kaya kahit nga sa harapan ni Rhassel feeling ko ang transparent ng thoughts ko. 

“Dahil wala akong maisip na magiging magandang Cinderella--”,

“AKO!!!” “HINDI.. AKO DAPAT!!”, sigaw ng mga chakang girls. Ayan nanaman sila. Pero naisip ko lang paano kung isa sa kanila ang magiging Cinderella, e di moment ko na for revenge--EHEM! Scratch that! Bad thoughts!

~THE EAVESDROPPING PRINCESS~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon