Chapter 21

367 8 0
                                    

 Chapter 21

[The Eavesdropping Princess' POV]

"Hoy bruhang babae ka!!?? Sino ka para yapakin ang fiance ko!!”, sigaw ko sa babaeng linta. Hinatak ko ang linta, at mukhang gulat na gulat siya..

”What are you doing!!”, sigaw niya habang hinahatak ko ang buhok niya.

Humarap ako sa kanya at pinamukha ko ang singsing ko sa daliri.

”Don’t you ever touch that man, because he’s mine!! And here’s the proof!!!”, sigaw ko naman.

Natahimik ang babae at tumakbo na kung saang lungga siya pwedeng magtago.

Pero syempre, sa imagination ko lang nasabi ang lahat ng to.

Wala akong magawa. Ang masakit, si Rhassel, walang ginawa. 

“Cana…”, narinig kong sabi niya

Sino ba tong Cana na to?! Parang nawala na ako sa eksena a! Hoy Rhassel! Ano ba!

So, ano ang ginawa ko..

Bala kayong magkasama dyan, hindi naman ako ung katulad ng mga babaeng palengkera. At siguro iisipin niyo na isa akong babae na madaling palitan dahil hindi ako possesive at wala akong lakas ng loob na ipagtanggol ang boyfriend ko mula sa mga linta. 

Dahil sa pagkakaalam ko gusto ng mga lalake ng ganun--

Hindi lang talaga ako magaling sa mga ganyan. Kaya kong makipagsigawan kay Rafael at kay Rhassel. Pero ibang sitwasyon ang nasa harap ko ngayon. Sana naiintindihan niyo ako. 

Kaya naman naglakad nalang ako papalayo--

Wala naman akong balak tanggalin ang singsing. Hay, pero pakiramdam ko bumibigat yung kamay ko. Ang bigat ng pakiramdam ko. Masyadong nakakabigla. Bakit wala siyang ginawa? Iyon ang pinakamasakit. 

At sa paglalakad ko..

”Sorry..”, sinabi ko sa nabunggo kong tao dahil hindi ko na namalayan ang mga pangyayari. Masyadong lumilipad ang utak ko ngayon. 

”Aba, Ms. Tanya, ang bait mo ata..”, sabi nung nakabungguan ko.

At aba ang lokong to! sasabay pa ata a!

“At si---”, tumingin ako sa kanya 

Nako po, kaya pala ganito ang tabas ng dila.

”Laway mo tumutulo...”, sabi ng loko-lokong si Rafa.

"Kaya pala nakakainis e. Ikaw pala", sagot ko. 

“Bakit may ineexpect ka ba?”, tanong niya. 

“Wala a”, sabi ko. Siguro hahabol. Oo, nag-eexpect ako. 

“Ay nga pala...ba’t ka nandito?”, tanong ko nalang.

”Ah, yung si Siegrain kasi eh...” , sabi niya habang nagkakamot ng ulo.

”Ayun, kasama bestfriend mo ba un? Si Lea? Yung kasama mo nung nasa amusement park tayo.”

Ah oo, ung amusement park. Ngayon, ang dami ng magagandang alaala ang naaalala ko doon, pero ngayon wala ako sa mood na alalahanin un ah.

”Si Lea?", napaisip tuloy ako. "Wow! Magkasama sila", nakangiti ako at napatingin ako sa kanya. 

”Ah!! Hahahahha!!", tapos tawa na siya ng tawa. Para na siyang timang. “Mukhang…HAHAHAHHA!!”

“Tawa ka naman ng tawa Rafa e! Wala na akong naintindihan!", sabi ko naman. Totoo naman, parang wala na siyang nakwento sa akin. 

”Haha, mukhang magiging sister-in-law ko pa ata ang bestfriend mo Hahahah!!”, sagot niya sa akin. Medyo hinahabol pa niya ang hinga niya dahil sobra siyang natatawa, pero naintindihan ko na yung gusto niyang sabihin. 

~THE EAVESDROPPING PRINCESS~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon