Mine - 1

6.2K 116 0
                                    

Pinabilang kami ng prof naming from 1 to 5 para sa magiging group namin sa arts. Kagrupo ko si Andrew at si Paolo kaya medyo naging comfortable ako. Sad to say,kagrupo ko si Jenny. She became our group leader.

"AS USUAL." Rinig kong sabi ni Andrew.

Hindi ko na pinansin yung sinabi niya. Malaki yung galit ni Andrew kay Jenny, yun ang napansin ko.

We are asked to create a dress and a suit. This is actually new to me. I don't know how to sew, but I could help in some things. 1 month yung binigay ni miss para matapos naming yung project namin.

"Eto yung gagawin natin, magreresearch tayo ng mga dress ng mga artista and then pipili tayo, para masimulan na natin yung project.

We all nodded. Kahit na hindi ako sang-ayon sa sinabi niya. Like duh? Why do we have to copy the designs of the other designer when we actually, can create something new. Marami ang babae sa grupo, we could think of some styles.

"Sino ba yung rarampa ng mga damit?" tanong ng isang nakaponytail na babae.

After kasi ng paggawa,ipaparampa sa bawat representative per group ang ginawang damit, just like when a designer open a fashion line.

"Si Andrew at Jenny!" inasar ni Ayka,yung kulot na babae na kausap parati ni Jenny.

Napangiti si Jenny sa ginawang asar sakanya. "Naku,hindi!" sabi niya kahit halatang nagpapakipot lang ito.

"Ikaw na lang,Jenny." Pilit ni Ayka.

"Okay,ako na lang yung rarampa."

Tinakpan ko yung bibig ko para matago ung pagngiwi ko. She's so full of herself! Gah!

"It doesn't suits you." Direktang sabi ni Andrew.

Wala siyang pakielam sa mararamdaman ni Jenny. Masakit yun para sa isang babae. Dahil sa alam ko,every girl want to be the prettiest. It hurts to get bullied by a guy,lalo na't kung yung lalake ay gusto mo.

Napailing ako sa ginawa ni Andrew. Insensitive.

"Tiara can do it." Sabi ni Kean.

"No way!"

Marami ang sumang-ayon kaya in the end ay ako at si Andrew ang magiging model ng grupo namin.

Padabog na umupo si Shawn sa chair niya.

"What's your problem?"

Tinignan niya ako habang nakanguso. Umiling siya at sinubsob yung mukha niya sa table.

Sabay kaming umuwi ni Shawn. Hindi ko na lang pinigilan kasi hanggang ngayon ay nakasimangot parin siya.

"hi tita." He kissed my mom in the cheeks.

Iniwan ko muna silang dalawang mag-usap dun sa sala. Dumeretcho ako sa kwarto ko at nag-ayos. I changed my clothes into pajamas and a shirt at nagsuot ng medyas. Pinusod ko yung buhok ko ng matuyo na ito.

Dumapa ako sa kama ko habang nagdradrawing ng damit. It's not my hobby na magdrawing ng damit pero sabi nila ay magaling ako. Naisip ko lang naman na baka magustuhan nila yung damit.

"What are you doing?"

Biglang sumulpot si Shawn sa kwarto ko. "Just sketching." Umupo ako. I leaned on the headboard of my bed. Humiga naman siya at binuhay yung tv.

"Ikaw na yung magiging model diba? Bakit ka pa nagdedesign?"

"Baka lang naman magustuhan nila. Ayaw ko kasi nung idea na kokopya lang sa mga damit ng artist."

She Was MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon