Mine 27

2.2K 51 0
                                    

Hanggang sa pag-uwi ko ay hindi padin humihinto ang pagbuhos ng mga luha ko. Hinang-hina na ako na pakiramdam ko, anytime ay pwede na akong mamatay.

Dere-deretcho ang pasok ko sa bahay. Nadatnan ko pa ang iilan naming katulong. May sinabi sila sa akin, kaso ay hindi ko maintindihan. Naririnig ko yung mga boses nila, kaso nag-eecho lamang ang mga ito at hindi umaabot sa utak ko.

Biglang naging dalawa ang paningin ko. Dahilan para mapakapit ako sa railings ng hagdan. Mariin kong pinikit yung mga mata ko.

Hinugot ko ang lahat ng lakas ko para buksan ang mga mata ko. Nanginginig na yung tuhod ko at nahihirapan na akong huminga. I feel like dying!

Sa kabila ng panginginig ng mga tuhod ko ay nagawa ko paring tumakbo papuntang kwarto. I locked myself in my room. Mabilisan ko namang kinuha yung gamot ko na nasa drawer.

Napahawak ako sa dibdib ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso na halos ito na lang yung naririnig ko.

Mabilis naman ang naging epekto nung gamot. Dahan-dahan ay nagiging normal na yung paghinga ko. Sana lang din ay may gamot din para maging okay na ang lahat.

Pinagpahinga ko sandal yung sarili ko. Nang pakiramdam ko ay okay na ako ay pumasok na ako sa cr.

Sa pagpatak ng malamig na tubig sa balat ko ay muli kong naramdaman ko ulit yung hapdi ng sugat ko. Napapikit ako. Ginawa ko naman ang lahat. I didn't do anything wrong. Ngunit, bakit? Bakit nangyayari ang mga ito.

Pinatuyo ko yung buhok ko, bago nagpahinga. kusang sumirado ang mga mata ko sa segundong niyakap ako ng makapal na kumot na meron ako. It was comforting. Maybe not the kind of comfort I'm looking for right now, but I think it's enough.

"Tiara."

Napamulat ako nang narinig ko ang mahinhin na boses ni mama na gumigising sakin. Naramdaman ko an paghaplos niya sa noo ko dahilan para mapagalaw ako.

"Gising ka na muna"

Dahan-dahan kog minulat ang mga mata ko.

"Kumain ka na muna before you drink your medicine."

"Kakainom ko lang po, ma."

Umiling si mama at nilapit yung mesa sa kama ko.

"What happened? Inatake ka ba?"

Pagod akong tumango.

"stressed ka na masyado." Tinignan niya ako. "Papunta nga pala yung doctor mo dito."

Tumango na lang ako at nagsimulang kumain. Mabuti na lang pala't nakajacket ako ngayon, kasi kug hindi ay baka kanina pa napansin ni mama ang sugat ko.

I flinched ng hinaplos niya yung braso ko. The pain is still there.

"Mama... can I.. have a favour?" I bit my lip.

Alam kong kapag hihingin ko ito ay baka magsisisi ako. But I'm tired.

"hmm?"

Napalunok ako bago nagsalita ulit. "Can I go back in New York?"

Natigilan si mama sa sinabi ko. "What? Bakit?"

Ngumiti lang ako at nagkbitbalikat.

Gaya ng sabi niya ay dumating na nga yung doctor.

Sa mga sumunod na araw ay nagkulong lamang ako sa kwarto ko. Hinahatid lamang nila manang yung pagkain kapag kailangan na. Nandoon parin yung sugat ko sa braso, nilalagyan ko na naman ito ng iilang gamot para tuluyan ng gumaling, kaso ay matagal-tagal pa ata bago ito tuluyan na maghilom.

"Tiara."

Napatingin ako sa pinto nang biglang tumunog yung intercom ng kwarto ko.

"Tiara, open the door."

Bumuntong hininga ako bago lumapit sa pinto para pagbuksan si Kuya.

"Where's my hug?" he opened his arms wide, waiting for me to hug him.

Nanlumo ang paningin ko. I hugged him. after what happened, no one ever asked me if I'm okay, not just physically, pero yung buong ako.

Nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko.

He wiped my tears at hinila ako papunta sa terrace ng kwarto ko. "Stop crying."

"simula pagdating ko kahapon ay hindi kita nakitang lumabas ng kwarto. Maglilimang araw na daw, sabi nila manang."

I bit my lip kasabay ay yumuko ako.

"You're suspended, tama ba?" bakas sa boses niya ang disappointment.

Right. I'm such a disappointment. Sarili ko ay hindi ko magawang ipagtanggol.

"At alam ko yung mga nangyari sa school niyo."

Napahalukipkip siya sa isang gilid. Ako naman ay nakaupo sa sofa, hinihintay ko yung mga sasabihin niya.

"Nakipag-away ka? Bakit?"

Nag-iwas ako ng tingin. Parang alam ko na kung saan papunta 'to.

"Magsalita ka nga, Tiara.I'm talking to you." tumataas na ang kanyang boses.

"I'm just protecting myself—"

"Protecting? Sa mo naman natutunan yan? Stop lying, Shawn told me everything."

Automatic na tumulo yung luha ko pagkarinig ko ng pangalan niya.He's against me dahil sa mga nakita niya.

"I'm not lying! At yung nakita niya? it was the end of the scene! Wala siyang alam!"

"I know Gela,Tiara! She can't do that!—"

"BVLLSHT KUYA!—"

"YUNG BIBIG MO—"

"Leave." Mariin kong sabi nang hindi tumitingin sakanya.

"Stop acting like a brat."

"Leave. Me. alone."

Nalaglag ang pang niya sa sinabi ko. Never in my whole life ko siyang pinagsalitaan ng ganito, ngayon lang. Napailing siya bago lumabas at padabog na sinirado ang pinto.

She Was MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon