Mine - 16

2.6K 78 1
                                    

"Ma... A-are you serious?" Nabubulol pa ako habang nagsasalita.

Ngumiti siya at tinignan ako na para bang nag-iisip pa siya. "Yes?" Humalakhak siya.

I sighed. Napasapo ako sa noo ko. Ngumuso ako. "Mama naman e!" I covered my face.

Hanggang ngayon ay mabilis parin ang tibok ng puso ko. Sobra yung kaba ko kanina. Akala ko kasi totoo na. Nag-assume agad ako. Yun yung mali sakin. Ang bilis kong umasa sa mga maaring pwede mangyari. Kaya ako nasasaktan kasi uto-uto ako.

I felt my mom hugged me from behind. With her arms around me, bumuhos yung luha ko. I suddenly felt the pain again. Yung pangtataksil, panggagamit sakin,lahat.

"I'm sorry." Bulong niya sakin.

Sorry. Sana man lang narinig ko yun sakanya bago siya tuluyang hindi nagparamdam sakin muli. Why is it so easy for others to say sorry, but when it comes to him parang hindi man lang niya naisip na sabihin yun sakin.

Well,maybe he doesn't really care for me. Of what i may feel.

"Shh, Ara... Stop crying." My mom hugged me tighter.

Ara...

Ayoko na!

I cleared my throat. Umayos ako ng upo at tinignan si mama. I smiled at her.


Sa kabila ng pagngiti ko ay nararamdaman ko parin ang pagdaloy ng luha galing sa aking pisngi. Maybe i need to try more harder. I was never good in hiding my feelings. Yun din siguro ag isa sa mga dahilan kung bakit madali akong nabasa ni Shawn. He may knew that I could easily fall for him, which is totoo naman. Nangyari na. I can blame myself for being dumb, but I can't blame myself forever.

"Ma, pwede po bang umalis na muna ako?" I need a time for myself.

"Where are you going?"

I shrugged. Hindi ko din alam kung saan ako pupunta. Bahala na. Kung saan pwede, edi dun na lang.

"Sige, I'll just check kung sinong driver ang pwedeng sumama sa'yo-"

"I think I could go somewhere on my own,ma."

I was too dependent towards the people surrounding me. Kaya hindi ako natututo.

"Are you sure?" naningkit ang kanyang mga mata.

I nodded. I'm going to take this all now, para bukas ay kahit konti ay maibsan yung nararamdaman. Tomorrow is another day. A day shouldn't be wasted. Ibubuhos ko ang lahat ng ito ngayon. Bukas, i'll be facing my day all by myself.

"Call me kapag may problema. And magpasundo ka if pwede. Call any of our drivers."

I grabbed a taxi. Hindi ko kabisado ang buong lungsod, pero may isang lugar akong alam na dati pa ay binabalikan ko tuwing umuuwi kami sa bansa. Sana lang ay wala siya doon.

I sighed as I looked up the stairs infront of me. Mataas-taas din ito. Naalala ko pa noon ay dapat parati akong may kasama kapag pumupunta ako. Minsan na akong inatake ng asthma ko dito kaya mas naging maingat na sila sakin simula noon. Pinagalitan pa ako noon kasi pumunta ako dito ng mag-isa tapos ay pagdating ko sa bahay ay sobrang putla ko na pala dahil sa pagod. They always scold me whenever I take a risk.

Sinimulan ko ang aking hakbang papunta sa itaas. It's been years since I went here. Sa kalahati ng mataas na hagdan papunta sa itaas ng burol ay nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib. Napaawang ang bibig ko dahil sa muli ay nahihirapan na naman akong huminga. Sandali ay umupo ako. Hindi rin naman nagtagal ay bumalik na yung dati kong paghinga. Matiwasay akong nakarating sa lugar na iyon. Pumunta ako sa isang maliit na cottage dito at umupo sa upuan doon.

Mula dito ay kita ko ang buong syudad. Malamig ang hangin at sariwa. This is the best place to breathe out. Maraming magandang alaala dito. Sa totoo lang ay dito kami unang nagkita ni Shawn. Palakaibogan talaga siya simula pa lang. Mabait, gwapo, at may respeto sa magulang kahit na hindi siya sabay na pinalaki nito. Noon pa man ay open na ako sa possibility na mahulog ako sakanya. Pabiro ila kaming pinagkakanulo ng mga magulang namin. Pareho magkaibigan yung mga nanay namin kaya parati kaming nagkikita.

Kaya grabe ang epekto ng nangyari sakin. After what happened, I acted normal. I acted like nothing happened, like I'm not hurt, like I'm not wounded inside. Hindi ko inakala na kaya niyang gawin yun. Totoo pala yung sabi nila na, may mga tao talagang kayang isakripisyo yung mga taong nasa paligid nila para sa taong mahal nila. And I didn't expect nga isa siya dun. Dianne must be so happy now. She should be.

"Ara..."

I bit my lip when I hear him call my name. Nanatili ako sa posisyon ko. Boses nniya pa lang ay kilalang-kilala ko na. Pero hindi ko alam kug pati yung nagmamay-ari ng boses na yun ay kilala ko pa ba.

Hindi ako lumingon kasi hindi naman yun yung pangalan ko. I'm Tiara, not Ara. We're strangers, not friends.

Napalunok ako nung bumuhos ulit yung mga traydor kong luha saking mga mata. Pati ba naman yung sarili kong luha tinatraydor ako? Sino ba yung susunod? Can someone tell me, para naman maging prepared ako.

This place is special to me. Good memories are buried here. Ayokong mahaluan ito ng masamang alaala.

Tumayo ako. Without looking at him ay nilagpasan ko siya. I flinched and stopped nang sa hindi sinasada ay nagsanggi yung mga braso namin. I heard him sighed as he slowly try to reach for my hands.

"Ara..-"

"It's Tiara." I bit my lip sa sandaling pumiyok yung boses ko. "Kung ano pa man yung gusto mong sabihin, maybe it will be better na 'wag mo na lang sabihin." Mahina ang boses ko.

Wala rin namang mangyayari kung may maganda pa man siyang sasabihin. Hahakbang na dapat ako nang bigla niya na lang hinila yung braso ko at niyakap ako ng sobrang higpit. Good memories flashed in my head. Namiss ko yung mga ganitong gawain niya. He used to hug me everytime i'm not feeling well, or kapag nagsosorry siya. I know, I should stop missing his sweet action, miss him. Kasi alam ko naman hindi na ulit mangyayari yun.

"Believe me Ara, I love you." he hugged me tighter.

I sighed. "Cut it out, Shawn." Pinilit kong itulak siya pero hindi ko kinaya. "Hindi mo pa ba siya nakukuha ulit? Are you that desperate?" I pushed him.

I was shocked when I saw his face wet because of the tears falling from his eyes. Maging ang pag-iyak nya ay hindi ko na kayang paniwalaan. Was that even true? Or baka naman acting lang ulit yan?

"Bakit ba hindi mo kayang maniwala sakin-"

"BECAUSE YOU BROKE IT!"

"I know I didn't. Everything was not a plan. It just happened, Tiara. I didn't choose to love you, it just happened.." napayuko siya.

"Maniniwala pa ba ako?" I laughed sarcastically kahit patuloy parin ang pagbuhos ng luha sa aking mata. "Parang ayaw ko na, you broke me once... baka hindi ko na kakayanin pa kapag nasaktan ulit ako."

"Ara, please...-"

"fvck sht! Stop it Shawn! Tama na! Hindi ko na kaya! I can't help you with your revenge! Kasi maging ang sarili ko ay hindi ko na kayang i-handle. Just let me go-"

Pakiramdam ko ay tumigil ang lahat ng bagay sa aking paligid sa sandaling nilapat niya ang kanyang labi sa akin. Hindi ko siya nagawang itulak. Hindi ko maintindihan ang sarili kong damdamin. Gusto ko siyang itulak pero nagawa ko parin siyang hayaan na halikan ako. At mas masaklap ay pa nakita ko na lamang ang sarili kong tumutugon sa mga halik niya.

Parehong napaawang ang bibig namin pagkatapos na maghiwalay ng mga labi namin. He rested his forehead on mine.

"I'll let you hate me, just don't ask me to let you go. Hindi ako papayag, Ara." He once again captured my lips. "I might be leaving. But I'll keep my eye on you. Sorry, but you are mine alone."


She Was MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon