Mine 29

2.2K 51 0
                                    

Tahimik lang ako sa loob ng sasakyan niya. Wala akong alam kung saan niya ako dadalhin o sa kung saan kami pupunta.

Hinilig ko yung ulo ko sa upuan. I massage my forehead na nabundol kanina.

"Does it really hurt?"

Kanina ko pa siya napapansin na napapatingin sakin. At wala akong pakealam.

"Tiara," tawag niya ulit sakin nang hindi ko siya sinagot sa tanong niya.

I shook my head para matigil siya.

Bumuntong hininga siya at tinigil yung sasakyan sa isang patag na lugar. Tumila na ang ulan kaya mabilis na binuksan ko yung pinto. Tagilid akong umupo para matalikuran siya.

"Hindi mo talaga ako kakusapin?" Sabi niya ulit.

Pinaglaruan ko yung phone ko. Wala talaga akong balak na kausapin siya.

"Look, wala akong alam kung ano ang nagawa ko. Kaya please, tell me."

Mariin kong pinikit ang mga mata ko.

Wala siyang alam? How did he!

Gusto ko siyang sigawan,pero sino ba ako para gawin yun sakanya? Hindi ko pwedeng diktahan ang mga iniisip niya.

"Tiara! Ano! Ilang araw kitang hindi nakita, tingin mo ba hindi ako nahihirapan?!" Dinig ko pa ang pagsuntok niya sa manibela.

Unti-unti ay minulat ko ang mga mata ko.

"Ganitong space ba yung ibig mong sabihin? Yung ako lang ang nagsasalita habang nakatalikod ka sakin? Yung ako lang ang nagsasakripisyo? Ano? Anong susunod? Ako lang yung masasaktan? Magmamahal?"

I close my fist. Kasabay nito ay ang pagtulo ng mga luha ko. Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ko ang paghikbi ko.

"Wala kang alam,Shawn." Mariin kong sabi.

"Yun nga! Wala akong alam!"

Kasi sa sitwasyon namin, ako parin yung talo. Ginawa ko ang lahat. Humingi ako ng space, dahan-dahan. Pinigilan kong mag sells. I was the only one na nagsakripisyo. At sa huli, ako parin pala ang talo.

"Wala akong alam sa kahit konting detalyeng nangyayari sa'yo. Wala akong alam kung bakit kailangan kong manakit, bakit kailangan mong umiwas sakin, bakit ka nagagalit sa lahat!"

Napaawang ang bibig ko. Anong ibig niyang sabihin na kailangan kong manakit? Ayokong isipin, pero alam kong yung nangyaring yun ang tinutukoy niya.

"Pa'no kita maiintindihan kung wala kang sinasabi sakin?"

Bakit? Kapag sasabihin ko ba sayo, maniniwala ka?

Napayuko ako. Lumalabo na ang paningin ko dahil sa mga luha ko. Pinunasan ko ang mga ito. I can't be weak.

Binalot ng katahimikan ang lugar. Pinipigilan ko ang sarili ko sa paghikbi,kaso ay hindi ko kaya.

I am thinking, baka dinala niya lang ako dito dahil gusto niyang pag-usapan yung tungkol sa nangyari. Hindi para sakin, kundi para kay Gela. It was her again.

Napapikit ako nang may naramdaman akong kirot sa puso ko.

Kinabahan ako nang narinig kong bumukas at sumirado yung pinto sa may driver seat. Muli, ay mabilis kong pinunasan yung mga tubig sa aking mga mata.

Nag-iwas ako ng tingin sakanya. Lumabas ako ng kotse at dumistansya sa kanya.

"Stop crying--"

"Bakit? Kasi pati yung pag-iyak kasalanan na rin?" Hinarap ko siya.

Naghalo-halo na ang mga nararamdaman ko. Galit, sakit, at pag-ibig. Ngunit ay mas nangingibabaw ang galit at pagkamuhi ko sakanya.

"Lahat na lang ba, kasalanan ko?" Bumuga ako ng hininga at tumingin sa malayo.

Napalunok ako at tinignan siya. Umiiyak ako sa harap niya. At sana naman sa bawat pagtulo ng lang luha ko ay katumbas ng pagpapaliwanag sakanya ng mga gusto kong sabihin. Kaso hindi e, wala kasi siya doon. He's not with me when I'm hurt.

"Oo,ginusto ko yung nangyari. Sinaktan ko si Gela," dahil pinoprotektahan ko ang sarili ko sa mga panahon na 'yon.

"Sinampal ko siya, tinulak, sinaktan ko siya. Lahat ng mga paratang niya totoo. Kasalanan ko ang lahat" Tinignan ko siya. "Yun yung gusto mong marinig,diba?"

Biglang nanlambot ang expresyon niya. Nakokonsenysa lang siya, kasi umiiyak ako. There's nothing special to think 'bout.

"Well,totoo naman diba? Kasalanan ko, kasi ang tanga ko." Inis kong pinunasan ang mga luha ko.

"Ara, Stop it." Akmang lalapitan niya ako pero umtras ako.

"Ang tanga ko, kasi nagtiwala ako sa mga taong totoo naman palang walang pakialam sakin." Puno ng pait ang boses ko.

Nalaglag ang panga niya sa mga sinabi ko. Ang akala ko ay may sasabihin siya, pero wala akong natanggap.

Kinagat ko ang labi ko at bumalik ss shot gun seat. "I-uwi mo na ako."

Hanggang sa pagdating namin sa bahay ay hindi ko siya tinapunan ng tingin.

Deretcho akong pumasok sa bahay. Tahimik na ito at tanging mga katulong na lang ang nandito. I was alone, like the usual.

Pagod na ako. At hanggang kailan pa ako mapapagod? Natatakot ako, baka hindi ko kayanin.

She Was MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon