Mine-3

4.3K 88 2
                                    

Nung wala na masyadong tao sa loob ay pumasok na ako sa clinic. Hindi ko na sinama si Gaile sa loob kasi kailangan pa niyang hanapin yung cousin niya.

Naabutan ko siyang may hawak na ice pack,nakaupo sa couch.

Pinagpatuloy nila yung game kahit wala si Shawn. Nag-angat siya ng tingin sakin. Magulo ang kanyang buhok at pawis pa. Walang expression ang kanyang mukha pero halata sa kanyang mata na nagulat siya ng nakita niya ako. 

Lumapit yung nurse sakin. "Ikaw ba yung makakasama niya papunta sa hospital?"

Kailangan siyang dalhin sa hospital para magamot yung sugat niya sa may panga.

"Opo--"

"Okay  na ako. Hindi ko na kailangan pumunta sa hospital." pinutol niya yung sinasabi ko.

Tinignan ko siya ng masama. Ngunit agaran din itong napalitan ng pag-aalala nung may dugong lumabas ulit sa gilid ng labi niya. Nag-igting ang panga ko. Tinawagan ko yung driver ko,kailangan na niyang madala sa hospital! 

"'wag ka na nga lang magsalita,sumunod ka na lang."hinila ko siya patayo.

Habang papunta kami sa hospital ay biglang tumawag yung mommy niya sakin.

"Tiara! I heard what happened! How is he?" she sound so worried.

Napatingin ako kay Shawn na ngayon ay nakatingin sakin. Bumuntong hininga siya at tinuon yung pansin sa mga nadadaanan namin sa labas.

"Papunta na po kami sa hospital ngayon Tita. And so far,okay naman siya."

Rinig ko ang pagkalma ni Tita. "Thank God. Take care of him,Tiara. Okay?"

Mabilis lang ang naging convo namin. May meeting siya,and she's busy.


Tinahi yung ilang parte sa bibig niya. Hindi ko alam na ganun kagrabe yung natamo. Mabuti na lang talaga at pumunta kami sa hospital. Tahimik lang si Shawn. Masakit pa ata yung sugat. Kailangan niyang magpahinga,yun ang sabi ng doctor. 


"Sasabay ka ba  sa'min ngayon,Tiara?"tanong ni Gaile sakin

"Hindi siya sasabay sainyo ngayon."isang pamilyar  na boses ang aking narinig galing sa aking likod.

"Shawn! Kamusta ka na?" sumingit bigla si Jenny. 

Ilang araw siyang hindi pumasok. Hindi din naman siya pwedeng masyadong magdaldal dahil sa  tahi ng  ginawa sa kanyang bibig.

Imbes na pansinin niya si Jenny ay hinila niya ako palabas ng room.

"Shawn! Yung bag ko,nandun pa sa loob!" hinila ko yung kamay ko sakanya.

Napangiwi siya at tinignan ako ng nakasimangot. "Ipapakuha ko na lang kay Kean." muli niyang hinawakan yung kamay ko at hinila  ako papunta sa parking lot. Dismissal na namin,nagtataka  nga  ako kung bakit ngayon pa siya  nagpakita sa school. Isang linggo ko siyang hindi nakita dahil one week din siyang absent. 

She Was MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon