Mine 30

2.3K 52 0
                                    

I stared at the video playing on the screen of my phone.

Bukas ay balik skwela na ako. I was thinking kung ibibigay ko ito sa dean's office. Maybe it seem too late. But, giving this to them could clean my record.

"Ano yan?"

Mabilis kong tinago yung phone ko. Tinignan ko ng masama si Kuya. "Ano?"

Nginuso niya yung braso ko. Nakawhite spaghetti strap ako ngayon at kitang-kita ang buong braso kong nakamarka padin yung sugat.

Nagkibitbalikat ako at kumuha ng pagkain sa ref. Gaya ng plano ko, wala akong pagsasabihan sa nangyari. Kung malalaman man nila yung totoong nangyari, dapat hindi nagmula sakin.

"Nakalmot ata yan,a. Sino may gawa niyan?"

Napatingin ako sakanya. Nakahalukipkip siya habang naka-upo sa sofa. Seryoso ang kanyang mukha habang nakatingin sakin.

Umirap ako. "Bakit ko pa sasabihin kung hindi ka rin naman maniniwala."

Kumunot ang kanyang noo sa sinabi ko.

"Bakit may video ka kay Gela sa phone mo?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Umiling ako at nag-iwas ng tingin. "Wala ka bang trabaho ngayon? Umalis ka na nga!" Humiga ako sa kama ko.

Umismid siya at inirapan ako. Tumingin siya sa orasan niya at tumayo na.

"Ipacheck mo yang sugat mo." Ginulo niya yung buhok ko bago umalis.

He approached me first. Kaninang umaga ay siya ang naghatid ng pagkain sa kwarto ko. He didn't say sorry, pero wala na akong pakialam dun.

Halos mapatalon ako nang biglang bumukas yung pinto ng kwarto ko.

"What are you doing here?" Una kong bungad sakanya.

Naningkit sandali ang mga mata niya at nagkibit balikat. Pumasok siya ng may dalang bag. Sinirado niya pa yung pinto bago pumunta sa direksyon ko. Damn!

Dalawang araw siyang nawala sa paningin ko simula nung hinatid niya ako pauwi dito. Akala ko ay tuluyan niya na akong bibitawan. Nakakagaan sa loob na personal kong nakikita siya, ngunit ay ayaw ko ng magtiwala.

Nang nakaupo na siya sa kama ko ay tumayo ako at lumipat sa sofa habang dala-dala ang laptop ko.

Kahapon lang ay sinabihan ako ni mama na kakausapin daw ako ng iilan na mga designer sa kompanya. I have to prepare my designs dahil baka ay kapag nagustuhan nila ako ay personal nila akong tuturuan sa passion kong 'to.

Pinaglaruan ko yung labi ko habang nag-iisip. Inikot ko yung paningin ko sa loob ng kwarto ko. Nahuli ko siyang nakatingin sakin. Sinimangutan ko siya nang hindi man lang siya nag-iwas ng tingin. Ang lakas ng loob. Ngumisi lamang siya at pinagpatuloy yung titig niya sakin. Inis ko siyang inikutan ng mata. Binalik ko yung tingin ko sa ginagawa ko.

Wala siyang makukuhang salita sakin.

Bigla akong nakaramdam ng kaba ng narinig ko ang mga yapak niyang papunta sakin. Umupo siya sa tabi ko habang dala-dala ang isang libro at iilang papers.

Sinirado ko yung laptop ko at nilagay ito sa maliit na mesa na nasa harap ko. Tatayo sana ako nang bigla niyang hinawakan yung kamay ko. Napaupo ako sa tabi niya.

Tinignan ko siya ng masama. seryoso ang kanyang mukha,galit ang kanyang mga mata habang nakatingin sakin. Pinatili ko ang pagkairita sa mukha ko.

Dumoble ang kaba ko ng bumaba ang tingin niya sa sugat ko. Tanga ko na naman! I should've wear long sleeves gayong hindi pa gumagaling ang sugat ko.

"Who did that?"

Binawi ko ang kamay ko sakanya. Nag-iwas ako ng tingin.

I flinched nang dumampi ang kanyang kamay sa sugat ko. Napatitig ako sakanya, his touch was gentle. Like I was so precious. Sa isip ko ay napailing ako, puro lang naman siya action.

"Ito ba yung dahilan kung bakit palagi kang nagsusuot ng long sleeve?" Mahina ang kanyang mga boses.

"Ano bang gingawa mo dito? Wala ka rin naman sigurong importanteng gagawin dito, umalis ka na."

Hindi ko na napigilan ang pagbulaslas ng mga salita sa bibig ko. Sandaling nanlaki ang mga mata niya sa inasta ko.

"Importante ang pinunta ko dito."

"Did she told you to check me out? Ano, anong susunod niyang gagawin? Is she going to kill me--"

"Damn,Tiara! Walang nag-utos sakin na pumunta dito. I want to see you, and I want to be with you. Bawal ba yun?"

Kinagat ko ang labi ko. I can't cry. Not this time.

"Sorry," napayuko siya.

He always say sorry. He's used to it,I know. Sometimes sincere, but I don't know this time.

"No,you're not."

Lumipat ako sa kama. Ako na yung didistansya kung hindi niya kaya.

Hindi ko na siya kinausap. Nanatili siya sa loob ng kwarto ko. Seryoso siyang nagbabasa. Minsan pa ay napapatingin siya sakin. Hinayaan ko siya basta lang hindi niya ako kausapin. Inaliw ko yung sarili ko sa pagskesketch hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising ako ng naramdaman ko ang init ng kumot ng pumatong ito sa katawan ko. Unti-unti ay dinilat ko yung mga mata ko.

Naabutan ko siyang kinukumutan ako at para papaalis na. Nasa balikat niya na yung bag niya.

Mukhang nataranta siya nang nakita niyang nagising ako. "Sorry,"

Kinagat niya yung labi niya.

"Uh, aalis na ako. May exam kasi ako bukas,pero dadaan ako dito." Malungkot siyang ngumiti.

Tinignan ko lang siya.

He lean forward at hinalikan ako sa noo. "See you tomorrow,"

Sandali siyang napatingin sakin,seems like he is waiting for my answer. Ngunit ay wala akong binigay. Matamlay siyang tumango at lumabas na ng kwarto.

She Was MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon