Para akong lumulutang habang papasok ako sa bahay. Ano ba kasi ang nangyari at sobrang galit naman niya ata? At talagang nagawa niya pa talagang suntukin yung pader.
"Eto na pala."
Bumalik ako sa wisyo nung nakita kong papalapit sakin si mama. She kissed me on my cheeks. Napatingin ako sa mommy ni Shawn na nakaupo sa sofa namin. "Good evening, Tita." Ngumiti siya sakin.
"Are you tired?" nag-aalalang tanong ni mama.
Pagod akong ngumiti sakanya. "Kinda. Why ma?"
"Gusto ka sanang kausapain ng Tita mo." Tinignan niya si Tita.
Tumango ako at nilapitan si tita.
"What about him, Tita?" deretchong ko siyang tinanong matapos ang maikling pagbati.
"Gusto ko lang malaman kung may nasasabi ba si Shawn sa'yo?"
Alin dun? Simula nung nangyari sa building ng clothing line, hindi ko na ulit siya nakausap.
"Wala po." Huminga ako ng malalim. "Bakit po? May nangyari po ba?"
Sandaling yumuko yung mommy ni Shawn. "Hindi kasi siya umuwi kagabi. Then kadalasan ay lasing siya o di kaya naman ay halatang hindi natutulog. Kapag tinatanong ko naman ay tanging tipid lang na ngiti ang binibigay niya..."
Matapos kong kausapi si Tita ay dumeretcho na ako sa kwarto ko. Hindi na ako kumain. Parang naging traumatic ata sakin yung nangyari kanina. Pinahinga ko yung sarili ko sa kama ko. Bukas na yung ramp. I should look good. Marami daw ang manonood at dun din daw sila pipili ng kung sinong magiging representative para sa miss Intrams this school year. Hindi ko naman hinahangad na mapili, pero ayaw ko din naman madisappoint yung kagroup mates ko.
Nakatulog ako sa kakaisip sa mga pwedeng mangyari bukas. Kung paano ko ba muling haharapin si Shawn. Muli ay binilin sakin ni Tita si Shawn. Aalis ulit siya sa ibang bansa para sa hindi niya sinabing dahilan. Hindi na ako nakahindi kasi mahahalata niya pagnagkataon na hindi kami okay ni Shawn.
Nangyari na nga yung nasabing pagrampa namin ng mg damit. Naging mas maalalay si Andrew sakin nung suot ko na yung dress. I'm not comfortable. Hindi dahil sa damit ko o dahil kay Andrew kundi dahil kay Shawn. Si Shawn na nakatingin sakin. Walang emosyon yung mukha niya habang nakatingin sakin.
Ang hirap ngumiti habang nasasaktan ka. Gustong-gusto ko siyang kausapin kung ano ang problema niya. Kung bakit niya sinuntok si Andrew kahapon. Pero this time,gusto ko, makikinig lang ako. Hahayaan ko siya..
Pagkatapos kong magbihis ay agad akong pumunta sa direksyon niya. Nahagip niya yung mga mata ko. At sa hindi ko malamang dahilan ay bigla na lang siyang tumayo at naglakad palabas.
"Shawn!" sigaw ko
Napansin kong maslalong bumilis yung lakad niya. Tumakbo ako para lang maabutan siya. Lintek naman! Tumakbo din siya kaya mas lumayo siya sakin.
"Shawn naman e!"
Huminto ako sa paglalakad. Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang hingal. Wala naman akong nararamdamang sakit. May naisip lang kasi talaga akong kalokohan.
Umupo ako sa gilid at dahan-dahan na kinuha yung tubig ko. Sa gilid naman ng mata ko ay nakita ko si Shawn na papunta sa direksyon ko. Totoong napagod ako sa kakahabol sa kanya noh. Huminga ako ng malalim bago siya binigyan ng tingin. Una kong napansin yung kamay niyang nakabalot ng bandage. Napaismid siya kasabay ng paglapit niya sakin.
Dinig ko pa ang pagbuntong hininga niya. Kinuha niya towel kong hawak-hawak ko sa kamay ko. Nanlaki yung mga mata ko nung bigla niyang hinawakan yung baba ko at pilit na pinatingin ako sakanya. Bigla na lang niyang hinawi yung bangs kong tumatakip na sa mata ko dahil sa haba. Hindi ko alam kung may pawis ba ako, pero bigla na lang niyang pinunasan yung noo ko. Seryoso ang kanyang mukha habang nakatingin saking mukha. Hindi man ito tulad nung kahapon na parang galit, pareho padin yung nararamdaman kong kaba. Sa totoo nga ay feeling ko ay dumoble pa ito kesa nung kahapon.
"Sa susunod, hayaan mo 'kong habulin ka. Hindi naman kasi bagay sa'yo yung naghahabol, dapat sa'yo, ikaw yung hinahabol."
Naramdaman kong uminit yung pisngi ko sa lahat ng sinabi niya. Sa kabila nun, nakakuha pa din ako ng sapat na lakas para sagutin siya. "Hahabulin mo 'ko? Ikaw nga itong lumalayo,pa'no mo 'ko hahabulin?" palihim akong napairap. He's stupid, I know.
He chuckled. "Atat ka naman masyado e." Ngumisi siya. But his eyes is telling something. "Hinahanda ko lang naman yung sarili ko..." yumuko siya at bumulong "baka sakaling masaktan na naman ako."
Binulong niya. Pero rinig na rinig ko naman.
Tumikhim ako at tinignan siya. "Hinahanda? What kind of preparation? Ang hindi umuwi tuwing gabi? Ang hindi matulog?" hindi ko magawang itago ang pait sa boses ko.
Binalot ng katahimikan yung paligid. Alam ko namang hindi lang ako yung pinoproblema niya. I know na may ibang issue siya sa buhay. Hindi sila magkabati ng mga magulang niya,matagal ko ng alam yan. Kung hindi niyo napapansin na yung mommy niya lang parati kong nakakausap, my ibang pamilya kasi yung papa niya. Hindi kasal sila tito at tita, pero andun padin naman yung communication nila ng papa niya. Sa katunayan ay siya parin yung naaatasan na magmamana ng business ng papa niya.
"I'm sorry, Ara."
Para akong nabunutan ng tinik nung muli niya akong tinawag na 'Ara'.
Tumayo ako at hinila siya patayo. Napatingin siya sakin ng nakasimangot kaya binigyan ko siya ng matalim na tingin. "Wag ka ngang magpahila, you're so heavy!" muli ko siyang hinila.
Tumawa naman siya at sinunod na rin yung utos ko.
"Bati na tayo?"
Pinasadahan ko siya ng tingin. Tumaas ang isa kong kilay. "Fix yourself first." Inirapan ko siya.
Ngumuso siya. Halatang nagpipigil ng tawa. "Why? Ang gwapo ko kaya"
Sinapak ko yung braso niya dahilan para mas tumawa siya. "Oh come on! You look like a mess!"
"Kiss muna." He pouted.
I rolled my eyes at hinila siya patungong clinic.
BINABASA MO ANG
She Was Mine
Teen FictionShe's Tiara Sanchez, she's from New York,a simple filthy rich girl na kinaiinggitan ng lahat. Aside from she have THE Shawn Ean Valdez, there's something in her na parang gusto mong makuha. Until she noticed Jenny, ang pinakainsecure na babae sakany...