Pangatlong araw nang hindi normal ang buhay ko. Tatlong araw na simula nang hindi ako pansinin nila Becca. Maraming nakakapansin pero hindi ko na sila binigyan ng pansin. Pagkatapos nung araw na yun ay kinausap ko si Becca dahil siya naman ang talagang nagtext sakin ng ganun, pero snob lang ang nakuha ko sakanya. Pati si Iya ay ganun ang ginawa sakin.
Nililigpit ko na yung mga gamit ko nang napansin ko ang tingin sakin nila Becca. Napayuko ako. I feel guilty kahit na hindi ko naman talaga alam kung ano naman talaga yung kasalanan ko.
Bumuntong hininga ako nang nakita kong lumabas na sila ng room. Kaso ay naiwan si Gaile. Ngumiti siya bago lumapit sa akin.
"Kamusta?" she tapped my shoulder.
Naningkit ang mga mata ko. "Ba't mo 'ko nilalapitan? Hindi ka ba galit sakin?"
Unti-unti napawi ang ngiti sa kanyang labi. "Ba't naman ako magagalit sa'yo?"
Nagkibit-balikat ako. "Ewan ko. Hindi ko nga din alam kung bakit sila galit sakin."
Sinuot ko yung bag ko. May inabot siyang papel sakin. "Here. Pinapabigay nila."
Bigla akong nakaramdam ng kaba nang nakita ko yun. Nanginginig pa yung kamay ko habang inaabot ko yung papel.
"What the hell?! Sino ng may gawa nito?"
Sa loob ng tinuping papel ay may kasamang picture. Hindi ako sure pero parang locker ito ni Becca. It was sprayed and filled with red paint.
'How dare you. wala kayong alam sa mga pinagsasabi niyo. Alam na namin ang lahat, Tiara told us.'
Mas lalo akong nawalan ng pag-asa nang nabasa ko ang pangalan ko sa picture.
"Anong ibig sabihin nito? Wala akong alam."
"It was written on the locker. Noong una ay hindi din ako makapaniwala, pero Tiara... nakita ko kasi yung locker ni Becca."
Nanlumo ag paningin ko dahil sa luha na nagmula sa mga mata ko.
"Excuse, Ms. Sanchez? Pinapatawag po kayo ng dean."
Nagkatinginan kami ni Gaile. Tumango siya at sinamahan ako papuntang dean's office.
Nag-iwas ng tingin sakin si Becca nang nagtama ang aming mga tingin.
"Ms. Sanchez, i'm you're aware kung bakit ka pinatawag." Panimula ng dean
Tumango ako.
"Sino ba yung taong nagsulat nun sa locker ni Becca?"
"Sir, Hindi ko po alam."
"Of course hindi mo alam. Mas mahalaga pa kasi yung taong yun kesa sa amin diba? Manloloko." Sigaw ni Becca.
"Hindi ko alam ang mga binibintang niyo sakin. Maliban sa inyo ay wala na akong ibang kaibigan dito sa school."
"Talaga? Bakit? Hindi mo ba kaibigan yung pinagsabihan mo ng mga sekreto natin? You know na yung mga dapat na pinag-uusapan sa grupo ay dapat hindi na sinasabi sa iba. Pero iba ka," napailing si Iya. " iba ka Tiara..."
"You leave us no choice Tiara. Kung hindi mo sasabihin sa amin kung sino ang gumawa nun, ikaw ang masususpend."
"Sir... wala naman po kasi talaga akong alam.."
Napailing ang dean namin. "Well, if that's the case. Suspended ka for one week, Ms. Sanchez."
"Becca-"
Napaawang ang bibig ko nang malakas na dumampi yung mga palad niya sa mukha ko.
"Walanghiya ka. You're such a mess,Tiara. I thought we could trust you."
Iniwan nila ako dun. Napatingin ako kay Gaile. Umiling siya and mouthed "Sorry.." tapos ay sumunod na kela Becca.
Wala ako sa sariling pumunta sa locker ko. Napatigil ako sa paglalakad nang may nakita akong babaeng pamilyar sa akin. May hawak siyang spray paint at nakatayo sa harap ng locker ni Gaile.
I grabbed my phone. Hindi ako pwedeng lumaban ng walang ebidensya. Natuto na ako. Kinuhanan ko siya ng video at the same time, I'm taking her a picture.
"What are you doing?" hinila ko yung braso niya para matigil siya. "G-gela?" nanlaki ang mga mata ko.
"Sino pa ba?" inirapan niya ako.
"Stop it!" tinulak ko siya nang pinagpatuloy niya yung pagspray sa locker.
"Bakit ba? I'm having fun here!"
"You're ruining my name!"
Hinarap niya ako sabay ay sinampal niya ako."I don't care! Inaagaw mo sakin si Shawn, Kaya yan ang dapat sa'yo!" tinulak niya ako.
Napaupo ako sa sahig. She took advantage sa pagkatumba ko. Pumaibabaw siya sakin at sinabunutan ako. Dumaan sakin ang matutulis niyang daliri, sa sobrang gigil niya ay binaon niya sa aking mga braso.
"Gela! Stop it!" napasigaw ako.
Mahapdi na ang buong balikat ko dahil sa ginawa niya. ginawa ko ang lahat para maitulak siya. Napaupo siya sa sahig. Sobrang sakit na ng ulo ko dahil medyo nabagok ito sa sahig kanina habang sinasabunutan ako. Nagmamanhid na yung buong katawan ko, pero nararamdaman ko padin ang pagtulo ng aking mga luha mula sa aking mga mata.
"Hindi siya sa'yo! Wala akong inaagaw sa'yo!" tumayo ako kahit na sobrang nanghihina na ako. Ang puti kong uniprome ay namantsahan ng dugo mula sa aking mga sugat.
Sinampal niya ulit ako. Napuno na ako, kaya gumanti ako ng sampal. Akmang sasabunutan niya na naman ulit ako, kaya mabilis kong siyang tinulak. Mukhang napalakas ang pagtulak ko sakanya kaya napaupo siya sa sahig.
"Tiara!"
Mabilis ang hininga ko nang natanaw si Shawn na papalapit sa amin. Tinulungan niya si Gela na tumayo.
"Anong nangyayari dito?!
Umiyak ng sobrang lakas si Gela. Hindi na rin naman ako nag-abala pang magpaliwanag. Tinignan ko lang siya. Pagod na ako. Pagod na pagod na ako..."Siya ang nagsimula, pupunta lang dapat ako sa locker ko ng bigla niya akong sinabunutan." Iyak ng bruha.
Nakakapit pa siya sa braso ni Shawn. Sobrang hinang-hina siya kung titignan mo siya. Parang siya pa yung naagrabyado. Na parang siya yung bida at ako yung nanakit sa bida.
"Bakit mo ginawa yun?"
Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko. What do you I expect? Yun ang huli niyang nakita. Yun ang nakita niya, yun ang paniniwalaan niya. mabilis parin ang paghinga ko. Pinunasan ko yung basa kong pisngi at tinalikuran silang dalawa. Kinuha ko yung bag ko na nasa sahig. Maging ito ay may bahid din ng dugo.
"Tiara! I'm talking to you!" sigaw niya.
Pagod akong humarap sa kanya. "I'm tired,Shawn... paniwalaan mo siya kung yun ang gusto mo. Wala na akong pakielam. I had enough."
Hindi ko na siya muling tinapunan ng tingin pagkatapos kong sabihin ang mga katagang iyon. Okay na, tama na...
BINABASA MO ANG
She Was Mine
Teen FictionShe's Tiara Sanchez, she's from New York,a simple filthy rich girl na kinaiinggitan ng lahat. Aside from she have THE Shawn Ean Valdez, there's something in her na parang gusto mong makuha. Until she noticed Jenny, ang pinakainsecure na babae sakany...