Mine - 15

2.6K 63 0
                                    

"Tiara,kanina pa nagriring yang phone mo."sabi ni mama. "Answer it baka importante yan."

Tumango ako at tinignan kung sino yunng tumatawag. Lumabas sa screen ng phone ko yung pangalan ni Iya. Nakaapat na missed calls na siya sakin. Nandito kasi ako sa opisina ni mama. I just decided na tumulong nalang dito. Wala din naman akong ginagawa sa bahay.
Lumabas muna ako ng opisina para hindi ako makadistorbo sa loob.

"Iya? Napatawag ka? Sorry ngayon ko lang nasagot yung tawag mo" sabi ko.

Narinig ko pa sa background ng tawag ang boses nila Gaile at Becca. Yayayain na naman siguro nila akong lumabas.

"It's okay. I just called to tell you na manlilibre si Becca ngayon. Hope that you're free."masigla niyang bungad sakin.

I sighed. Alam na niyang hindi ako sumasama pero sinubukan niya parin. These past days, palagi ko na lang nirereject yung mga gala na kasama sila. The last time kasi na sumama ako sa gala nila ay nakasalubong ko si Shawn. He was alone that time. Well, kahit pagkatapos nung nangyari ay hindi ko na ulit siya nakitang kasama sila Andrew. Kadalasan ay si Paolo or Kean na lang yung kasama niya. Pero mas madalas ay napapansin kong siya lang mag-isa.

At least, kapag andito ako sa office ay malabong Makita ko ulit siya. I may sound bitter pero gusto ko lang talaga siyang iwasan. Not that sinusundan niya ako. Kung pwede nga lang ay hihingin ko na kay mama na bumalik na lang sa states. But, ayaw ko ng maghanap pa ng problema.

"Sorry. Pero hindi kasi talaga ako pwede. I'm at the office of my mom at this moment. I can't go,sorry." Nakakakonsensya. They may feel na pati sila ay iniiwasan ko kahit na hindi naman talaga... medyo lang.

Kapag kasi kasama ko sila ay hindi nila naiiwasang magtanong tungkol sa nangyari. Konti lang ang nakakaalam tungkol sa nangyari at hindi naman ito kumalat. Hindi tulad nung rumors noon na buntis daw ako. Mas mabuti na nga yung ganun. Gusto ko lang naman na kalimutan yun lahat kahit na sobrang hirap. Kaya kung pwede ay hindi ko na sabihin sakanila. Mahirap ng magtiwala sa panahon ngayon. I can't just tell them everything they want me to tell me. Kailangan kong piliin yung mga dapat kong sabihin sakanila. Hindi ko pa sila gaanong kakilala at hindi malabong pati sila ay magtaksil sakin. I've learned my lesson. At wala na namang mangyayari kahit sabihin ko pa sakanila. Okay na ako. Kaya ko pa naman. Baka nga mas lalo lang kumalat kapag magdesisyon akong sabihin sakanila.

They can't blame me if I'm acting rude, lately. I suddenly have this doubt sa lahat ng mga kakilala ko. Ayoko lang masaktan ulit ako dahil sa katangahan ko. I gave my trust, pero walang nangyari. Ginamit at niloko lang ako.

"Okay. I understand. Just call anyone of us baka sakaling magbago yung isip mo." I heard her sighed.

Maging ako man ay napabuntong hininga dahil sa naging desisyon ko. Feeling ko unti-unti ko ng winawala yung mga taong nasa paligid ko.

Pagkatapos ng tawag ay bumalik ako sa loob ng office.

Umupo ako sa sofa at kinuha yung ipad ko. Nabobored na ako dito. Kanina ay nakagawa ako ng iilang design ng damit. Ngayon ay tinatamad na ako, gusto kong umuwi pero wala din naman akong kausap doon. Sembreak kasi namin ngayon. I actually wasted my three days doing nothing. Habang yung iba kong classmate ay nakita kong gumagala sa kung saan-saan. May iilan pa ngang nag enrol sa music class. Gusto ko tuloy mag-aral ulit kung paano magbake.

Nag-ring ulit yung phone ko. Busy ako sa pinapanood ko kaya sinagot ko ito ng hindi tinitignan kung sino yung caller.

"Hello?"

I waited for some seconds pero walang sumagot. Tinignan ko yung screen para tignan kung sino yug tumawag. I stiffen nung nakita ko kung sino yung tumawag. It's Shawn. Hindi na ako muling nagsalita.

"uh, sorry. Napindot ko lang." Paos ang kanyang boses.

Mabilis niyang pinutol yung tawag. Hindi pa rin ako nakagalaw sa pwesto ko. Bumilis ulit yung tibok ng puso ko. It's been two months since hindi ko na siya pinapansin. There are times na nakakausap ko siya, but hindi na tulad ng dati. Kung hindi naman talaga importante yung mga sasabihin namin sa isa't isa ay hindi kami nag-uusap. Nasabi ko na ngang kahit ako ay gumagawa ako ng paraan para mapalayo sakanya. Hanggang ngayon ay sariwa ko paring naaalala yung mga sinabi niya sakin. Marami ang nakapansin sa room sa tratuhan namin. Ngunit dahil na rin siguro sa wala akong gaanong kaclose sa classroom ay hindi na nila ako natanong. Siya naman ay nagagalit kapag tinatanong ng tungkol sa nangyari. Naalala ko pa noon nung nagtanong si Jenny, kulang na lang ay bigwasan niya ito sa harap ko.

Natauhan ako nung biglaang tumabi sakin si mama. Alam niya yung nangyari kaya hinahayaan niya akong tumambay sa opisina.

"Hindi pa pala kayo okay?" hawak niya ang phone niya. Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin. "Shawn texted me."

"I don't think kailangan ko pang malaman yung text niya sayo, ma." pinutol ko agad ang kung anong pwedeng sabihin ni mama kasabay ay nagiwas agad ako ng tingin.

"He said, he was so sorry for everything." pagpapatuloy niya.

"His sorry won't change anything."

"He tried calling you, pero natatakot daw siya sa sasabihin mo. Siya ba yung tumawag sa'yo ngayon lang?"

I bit my lip. I nodded. Kaso sabi niya napindot niya lang. And the heck? Why is afraid of what I may say? Kung hindi nga nga siya natakot na masira niya yung pagkakaibigan namin dahil sa paggamit niya sakin.

"Bukas ay aalis na siya ng bansa."

Natigilan ako sa sinabi ni mama.

"He asked me a favor. And that is to tell you na aalis siya para magtraining sa ibang bansa. For their company."

Hindi ako agad nagbigay ng reaction. I was relief at hindi ako ang dahilan ng pag-alis niya. Pero bakit kailangan niya pa itong sabihin sakin?

"Why is he telling this to me?" mariin kong sabi.

Bigla akong kinabahan sa sinabi ni mama.

"Ask him,then. He said, he's already on the ground floor of the building." Sabi ni mama habang nakatingin ulit sa screen ng phone niya.

Crap!

She Was MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon