Mine 37

2.5K 48 0
                                    

Mabilis pa ang paghinga ko pagkatapos naming mag rollercoaster.

"Pfft. HAHAHA," mas lalo akong nahihirapan sa paghinga dahil sa pagtawa sa kanya na sumusuka sa isang gilid ng perya.

Napahawak ako sa dibdib ko. Baka mamaya ay tuluyan akong atakihin dito. Ayokong masira ang araw na ito.

Pinunasan niya ang kanyang bibig gamit ang panyo niya. Inabot ko sakanya yung mouthwash na dala ko.

"Stop laughing," tinignan niya ako ng masama.

Kinuha niya naman agad yung mouthwash.

"Sa cr lang ako," sabi niya.

Tumango ako. "I'll go to the cr too."

We separate ways.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. I brushed my hair at naglagay ng konting powder at lip gloss.

Make this day the best.

Bumuntong hininga ako at lumabas na ng cr.

Nakatayo lang si Shawn sa labas ng CR.

I snapped my fingers in front of his face. Nakatulala siya at sobrang lalim ng iniisip. Nanlaki ang mga mata niya nang tumingin sakin.

"Let's go," hinawakan ko yung kamay niya at hinila siya.

Kanina pa kami dito. Halos lahat ng rudes na ata ay nasakyan namin, maliban sa isa.

Napatingin ako sa kamay namin bago sakanya nang pinagsalikop niya ang mga kamay namin.

Ngumuso siya, halatang nagpipigil ng ngiti. I rolled my eyes at hinila siya patungo sa Ferris wheel.

Madilim na ang langit. Tanging ang mga bituin lang at ang liwanag mula sa buwan ang meron dito. Kinagat ko ang mga labi ko.

Unti-unting umangat ang sinasakyan namin. Hanggang sa tumigil kami sa tuktok.

I looked at him. He was staring at me. Hinawakan niya ang baba ko at gamit ang kanyang thumb ay pinunasan niya ang pisngi ko.

Napaatras ako ng konti sa ginawa niya. Yumuko ako at pinunasan ang mga luha ko. The hell.

"Anong problema?" He sound so worried.

Nagkibitbalikat ako. I have this kind of feeling na hindi ko maintindihan.

Bumuntong hininga ako. "I'm sorry, I'm so sorry." I hugged him as tight as I could.

He hugged me back and hush me down.

"Stop it. Wala ka namang nagawang masama,"

Bumuntong hininga ako.

"I want to be with you, sana ay laging ganito..." Mahina kong sabi.

He chuckled. "Why not? We can still do it tomorrow, sa susunod na araw, everyday." He run his finger through my hair,gently.

I smiled.

Bumaba na kami ng Ferris wheel, dun pa ako nakaramdam ng pagod. I check my wrist watch, 7:36 in the evening.

"You want to go home?"

Mabilis akong napailing, "No."

"Uh,where do you want to--"

"I'm hungry."

Hinila ko siya papunta sa kanyang sasakyan.

Pagkatapos naman naming kumain sa isang resto ay nagrequest akong pumunta sa burol. Noong una ay hindi siya pumayag, medyo makulimlim na kasi ang langit, at paramg uulan.

But as I said, No one can ruin this day, not even the rain.

"When I grow up, gusto kong magkabusiness. Tapos ay gagala ako sa iba't ibang bansa. Magdesigns, at matulungan si mama at papa." Nilingon ko siya.

"Yun lang yung plano mo?" Kumunot ang kanyang noo.

"Bakit?"

Ngumuso siya. "Pa'no yung future natin?"

Naningkit ang mga mata ko at napailing. Humilig ako sakanyang balikat. "Pa'no kung wala na tayong future?"

"What?"

"What if magkagusto ka sa iba. What if this day would be the last day we'll be together."

He snarled. "Hindi ako magkakagusto sa iba. Isipin mo yan. At forever tayong magsasama."

I chuckled. "Wala naman daw forever," I joked.

"Edi eternity."

Napawi ang ngiti ko na nakaplaster sa mukha ko kanina.

I felt him kissed my forehead. Napapikit ako dahil sa ginawa niya.

Wala na akong ibang hihilingin pa. I'm not perfect pero andito siya sa tabi ko. Nakailang away man kami, pero wala, hindi parin niya ako sinukuan. Ayaw ko din sana siyang sukuan.

"Pagnagkita kayo nila Iya,Becca at Gaile... Can you tell them, na thank you at sorry na rin kasi hindi ko iyon masasabi sakanila ng personal."

Pinatingin niya ako sakanya. Nakasimangot siya, pero nangingibabaw padin yung kagwapuhan niya. Sobrang swerte ko na siguro dahil nahulog siya sakin,dahil minahal niya ako. And I would be more fortunate if kami ang magkakatuluyan sa huli.

"Sabihin mo nga sakin, bukas na ba ang alis mo?"

Namilog ang aking mata at umiling. Pagkatapos pa ng school year ang alis ko. "Nah,"

"Tiara." May halong pagbabanta ang boses niya.

Bumuga ako ng hininga at tumingala. Nagsimula na ring umulan.

I cleared my throat. "Promise, hindi pa talaga..."

"Ara, tumingin ka sakin." Mariin niyang sabi.

Sinunod ko yung sinabi niya. Tumingin ako sakanya.

"Magsabi ka ng totoo. Ayaw ko yung bukas paggising ko malalaman ko na lang na umalis ka na pala, na wala ka na. Dahil ikakabaliw ko yun,Ara. 'Wag mo 'kong iwan ng hindi ka man lang nagpapaalam,please."

Nanlaki ang mga mata ko nang may tumulong luha mula sa kanyang mga mata.

"No,hindi ko yun gagawin. Promise" sabi ko nang nakatingin sa kanyang mga mata.

She Was MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon