Mine 28

2.2K 51 0
                                    

"Magbihis ka,Tiara. Aalis tayo."

Sandali ko lang siyang binigyan ng tingin. Binalik ko yung tingin ko sa pinapanood ko. Pang-apat na araw na ng suspension ko, kahapon lang ay pinagalitan ako ni mama.

"Tiara,get dressed. Wag ngang matigas ang ulo." Mariin niyang sabi.

"I'm not going anywhere." Sinadya kong maging malamig ang tono ng boses ko.

Simula din nung araw na nag-away kami ni Kuya ay hindi ko na siya sinusunod. Pareho sila ng rason ng galit ni mama. Nagiging spoiled daw ako. Hindi naman kadalasan nagagalit si mama sakin, kaso ay nalaman niya ang dahilan ng suspension ko.

"Alam mo," his haw clenched. "Kinakausap kita ng maayos,ngayon, magbihis ka't pupunta kela Shawn."

I snorted. Mas lalong ayaw kong pumunta.

"Tiara!"

Nanlaki ang mga mata ko nang sinigawan niya ako.

"Crad! Why are you shouting at you sister?" Dumating bigla si papa.

Napatingin kami pareho sakanya. Mabilis naman na lumipat ang tingin ko sa kasama niya. Bumuntong hininga ako at kinuha yung phone ko sa sofa. I turned my back.

"Where are you going?!" Sigaw niya ulit.

"Sa lugar na malayo sa inyo." I said with full of sarcasm on my voice

Narinig ko pang napamura si Kuya at tinawag ako ni papa. Pumanik ako sa kwarto ko. I grabbed my jacket, umaambon sa labas.

Kinuha ko yung wallet ko at lumabas na pabalik sa baba.

Dere-deretcho ang labas ko sa bahay. Kinausap ko yung driver namin.

"Manong,pahiram po ng kotse."

Agad siyang umiling. "Ma'am hindi pwede papagalitan po ako ng papa at kuya niyo."

"Hindi yan kuya. Ako bahala."

"Ma'am hindi ka po marunong magdrive--"

"Car keys manong."

Bumuntong hininga siya bago kinuha yung susi ng kotse.

"You're not driving."

Suminghap ako at inirapan siya. Kinuha ko yung susi at mabilis na umikot para makapasok sa kotse. Kaso bago pa ako makapasok ay napigilan ako ni Shawn.

Hinila niya yung braso ko dahilan para mapatigil ako. Napasinghap ulit ako dahil sakto sa hawak niya yung sugat ko. Ilang araw na ang nakalipas,pero hindi parin ito naghihilom.

Tinabig ko yung kamay niya. Tumalikod ako pero hinila niya ulit ako pabalik. "Aray! Ano ba!"

"'Wag ngang matigas ang ulo mo! Hindi ka marunong magdrive!"

Hinablot niya yung susi sa kamay ko.

Umirap ako sakanya. "I'm not stupid. Hindi ako magdadrive kung hindi ako marunong." Balak kong kunin yung susi sa kamay niya nang mabilis niyang tinikom yung kamay niya.

"I don't care, umuulan at madulas ang daan."

"Of course you don't care! Kaya pwede ba, wag mo 'kong pakialaman!"

Tinignan niya ako ng masama. Nakasimangot na siya't galit na galit na sakin.

"You're not driving." Hindi iyon isang pahayag,kundi isang utos.

"Then, fine! I'm taking a taxi." Tumalikod ako at naglakad papuntang gate.

Mas lalong lumakas ang ulan, kaya sinuot ko yung hood ko. I can't stand anywhere na andun siya. Mabuti pa't umalis na lamang ako sa bahay.

Napatalon ako nang may biglang bumusina. Hininto niya yung kotse sa harap ko. Lumabas siya at may dalang payong.

"Magkakasakit ka sa ginagawa mo,alam mo yun?!" Sigaw niya sakin nang pinayungan niya ako.

"Why do you care? Hindi naman ikaw yung masasaktan. The blame will be all at me, so stop acting like you care!" Sigaw ko pabalik sakanya.

I gritted my teeth. Nanggigigil ako sakanya. Gusto ko siyang saktan at isumbat sakanya lahat. Kaso ay wala rin namang mangyayari kung isisigaw ko pa sakanya ang lahat ng katotohanan na hindi naman niya nakita. Magiging defensive lang ang dating ko kapag ginawa ko yun.

Wala na akong pakialam sa kung anong pwede nilang isipin at kung sino ang totoo nilang pinaniniwalaan. Dahil ang alam ko,sa oras na ito, sarili ko lang ang mapagkakatiwalaan at maaasahan ko.

"Anong bang pinagsasabi mo, you always know that I care for you. Mahalaga ka sakin--" hindi ko na hinintay ang susunod niyang sasabihin.

Tumakbo ako papunta sa gate at binuksan ito.

Ayaw kong marinig. Hindi rin naman ako sigurado kung totoo ba yung mga sasabihin niya.

Ayokong pumunta sa may burol. Alam kong masusundan niya agad ako.

Inaliw ko ang sarili ko sa loob ng mall. Binili ko lahat ng bagay na nagugustuhan ko, i shopped. Ayokong manood ng cine ng mag-isa,masasayang lang din naman yung pera ko pagnagkataon dahil hindi ko rin naman maiintindihan yung papanoorin ko.

Text ng text sakin sila sakin. Pero tangin si papa lang yung sinagot ko.

"Tiara,asan ka ba? Pupuntahan kita."

Bumuntong hininga ako. "I'm fine,pa. I'm strolling around inside a mall."

"Ipapasundo na lang kita sa driver mo."

"Okay pa. Itetext ko na lang po kayo."

Pumayag na lang din ako. Kailangan ko ng driver dahil sa dami ng mga pinamili ko.

Dumaan ako sa isang pastry shop para maipahinga ang paa ko sa paglalakad.

From a far, nanlaki ang mga mata ko ng nakita kong pumasok si Shawn. Nagtama ang mga paningin namin. Agaran naman akong nag-iwas ng tingin.

Pero hindi mapigilan ang sarili kong maibalik yung tingin ko sakanya. At sa babaeng lumapit sakanya.

"Shawn! How are you?"

Naiinis ako. Mahalaga daw ako sakanya? Then,why is he here meeting with this girl. Yung babaeng kilala ng lahat.

"Gela,anong ginagawa mo dito?" Napatingin siya sa gawi ko.

Mukha ba akong si Gela? Napailing ako at kinuha yung mga pinamili ko.

Tinext ko yung driver namin. Pagkatapos ay lumabas na ako ng shop. Hindi ko na hinintay na makapunta pa siya malapit sakin, kahit alam kong malabo. He's busy.

"Excuse me, aalis na ako." Narinig kong paalam niya.

"What? Kakadating mo palang--"

"Excuse me."

Mas binilisan ko yung lakad ko palayo sa lugar na yun. I can't stand in a place when he is around.


Binigay ko sa driver yung mga pinamili ko para mapasok ito ng una sa kotse. Umatras na yung kotse,bago umabante at umandar.

I almost shout ng may humarang sa dapat ay dadaanan ng sasakyan. Buti na lang at nakapagbreak agad.

Napamura ako nang bigla siyang lumabas mula sa kotse na hinarangan kami.

"Turn and go in the other way manong."

Bago pa makaatras para lumiko yung kotse ay bumukas na yung pinto sa gilid ko.

"Kuya pedro, pakisabi na lang kay tito na ako ang kasama ni Tiara."

"Sht! Shawn, ano ba!" Sigaw ko nang bigla niya akong hinila papalabas ng kotse. "Aray!"

Napahawak ako sa noo kong tumama sa isang parte ng sasakyan pagkalabas ko. Natigilan siya at hinawakan yung noo ko. Nanlaki ang mga mata niya at medyo nataranta. "Are you hurt?"

Bumagsak ang mga balikat ko. Nag-iwas ako ng tingin, "Obvious ba?"

She Was MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon